Four: Heart's Beat for Debate

40 25 30
                                    

Four: Heart's Beat for Debate


Her POV

Naghalf-day lang daw muna ako ngayon kasi sabi nong nurse kailangan ko daw ipahinga tong balakang ko ikaw ba naman tamaan ng dalawang beses sa balakang sinong di mapapamura sa sakit di ba? mabuti na din yon para makapagpahinga ako. Nag-insist pa ang nurse na ihatid ako dito sa bahay dahil dapat daw maging responsable ito dahil sa aksidente. Napahawak ako sa dibdib ko nang magbalik sa isipan ko ang mga nanyari kanina.

*Flashback---

Pagkadala niya sakin sa clinic, ay ibinaba niya ako sa kama at medyo hinihingal siyang pumunta sa nurse. "Sabi nong nurse pakihintay daw siyang saglit kasi may kukunin siyang mga supplies sa storage room." tumango na lang ako sa sinabi niya habang siya naman ay umupo din sa kabilang kama na katapat ko di nagtagal ay marahas siyang humiga sa kamang inuupuan niya para magkapagpahinga. Medyo nakaka-ackward ang atmostphere ngayon dito dahil kaming dalawa lang ang magkasama. Ipinikit niya ang mga mata niya na parang matutulog, napatitig naman ako sa kanya habang nakapikit at nilait ang itsura niya sa utak ko.

'Hmm.. kayumanggi ang balat niya pinoy na pinoy tong si koya, may kakulutan ang buhok siguro may lahi siyang aeta, tapos matipuno ang katawan pero di naman pandak?'

"Anong ginagawa mo miss?" Di ko namalayan na sa sobrang pag-iisip ko ng mga nakikita ko sa kanya ay napakalapit ko na pala sa isang manok. Agad akong lumayo sa natutulog na manok. "W-wala po ate, hehehehe." lihim akong napamura sa sarili ko, dahil sa kamamadaling lumayo tumama ang balakang ko sa kama ko. Napahiyaw ako sa sakit biglang nagising si manok dahil sa kaingayan ko. Agad na lumapit sa akin si manok para alalayan sa pagtayo, ewan ko ba kung aftershock lang ba to ng pagkakatama ng balakang ko sa kama, ang lakas kasi ng kabog ng dibdib ko ng mahawakan niya ang kamay ko. Napatulala ako sa kanya ng ilang segundo ng muling nagsalita ang nurse.

"Excuse me lang, sino sa inyo ang magpapagamot? kanina pa kayo nakatitig dyan eh." agad akong humiwalay sa kanya dahil sa kahihiyan. "Siya po nurse, tumama po ang balakang niya kanina sa hallway."

"Weh? tumama din kaya ngayon yong balakang niya eh." bigla akong namula sa sinabi ng nurse kaya agad tumingin sa akin si manok. "Paano naman nangyari na tumama nanaman ang balakang mo?" agad akong natameme sa tanong niya alangan naman na sagutin ko siya ng 'Kasi nakatitig ako sa'yo' diba mas lalong ackward mga teh?!

Lumapit na sa kama ko so ate nurse na parang sinusuri ang mukha ko. Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis saken teka bakit pakiramdam ko may masamang sasabihin tong si ate nurse sa akin.

"Kasi may pashnea siyang tinititigan." nangunot ang noo niya sa nurse dahil sinabi nito. "Pashnea? ano namang pashnea ang tinititigan mo itlog?" mas lalong lumaki ang ngisi ng nurse dahil sa tanong niya, di ko na alam ang isasagot ko sa kanya shit! pwede bang magdisappear ngayon?

"W-wala." Kandabulol akong sumagot sa mga tanong niya. Tinignan ko ng masama si ate nurse na parang konti na lang at hahagalpak na sa tawa dito. "Ah mr. manok, este mr. binugbugan right?" tumango naman ang manok, muling ngumiti ang nurse sa amin na pakiramdam ko may masama nanaman siyang pinaplano. "Pwede bang makisuyo sa iyo?" ani ng nurse habang inaayos na ang mga gamit.

"Ano po yon nurse?" ngumisi ulit siya ng wagas-wagas bago sabihin ang pinapasuyo nito. "Maari mo bang idapa siya at hawakan ang mga kamay ni miss Nadisgrasya habang ginagamot ko siya?" napatanga ako sa pinapagawa niya kay manok, magrereklamo na sana ako pero huli na ng ma-realize ko na sobrang lapit na pala ng mukha namin sa isa't-isa samantalang si ate nurse ay nasa likuran ko. Wala akong nagawa kundi ang dumapa hahawakan na sana niya yong kamay ko ng ilayo ko ito at ipangtakip sa mukha ko.

"Nurse oh ayaw ni itlog." sumbong ni manok sa nurse. Tinignan ko siya ng masama pero nakangisi lang ito sa akin.

"Sige na miss Nadisgrasya, para magamot na kita." napairap ako sa sinabi niya. "Kailangan ba talaga non ate?" reklamo ko pa. "Oo naman kailangang-kailangan." nanlulumo akong nakipag-holding hands sa manok. Medyo nailang pa ako dahil nakalihis ng konti tong damit ko pero di naman ganong kataas ang t-shirt ko at ka-revealing ang katawan ko. Hinilot-hilot niya ito ng konti at saka nilagyan ng liniment para mawala ang sakit. Nang tumalab na ang liniment ay umayos na ang balakang ko ay tumayo na agad ako sa kama at nagpasalamat sa nurse. Pero litsing nurse to pinigilan niya ang pag-alis ko at ni-recommend na umuwi na lang ako dahil di pa naman formal na may klase.

"Mr. Binubugan, maari ba akong makisuyong muli?" heto nanaman po siya sa pakisuyo niya lintek!

"Maaari mo bang ihatid sa kanila itong si miss Nadisgrasya? at baka kung ano pang mangyari sa kanya eh responsibilidad mo siya ngayon dahil sa nangyari sa kanya." nagngingitngit ang kalooban ko sa buwisit na nurse na ito habang wagas ulit siyang nakangisi sa akin.

"Di na po ate nurse kaya ko naman pong umuwing mag-isa." tanggi pa more ang drama ko dito. Hello kotang-kota na ako sa sobrang kahihiyan sa araw na ito no?

"Sige po ate nurse ihahatid ko siya sa kanila." at bigla na lang niyang hinila ang kamay ko paalis sa clinic at di ko maiwasang mapatitig sa kamay namin. Pakiramdam ko sa mga oras na ito ay para akong nawawalang sa wisyo habang magkahawak ang mga kamay naming binabagtas ang daan pauwi sa bahay.
--------

-Yuki

Opposites Do AttractsWhere stories live. Discover now