Chapter 6

1.9K 86 7
                                    

First song na.
Nagsasayawan na silang lahat.
At nakita kong papalapit sakin si Fred kaya pinunasan ko ang luha ko.

"Oh namumula ka nanaman." dinikit nito ang ulo ko sa dibdib nya. "Iyak ka na, nagpipigil ka nanaman eh."
Mahinang ani nito sakin.  At authomatic namang dumaloy ang luha ko sa pisngi ko.

"Kakakainis kasi sya Fred. Ni hindi nya man lang ata narinig yung kanta ko para sa kanya.. tapos ---taposs---- agh nakakainiss.. Kahit anong gawin ko. Di parin nawawala yung sakit sa puso ko? "
Iyak ko sa kanya. Walang nakakapansin samin dahil nagsasayaw na silang lahat.

"Shhh. Wag ka ng umiyak. Alam mo, tinanggap ko na di mo kayang suklian tong pagmamahal ko sayo. Sabi mo hanggang friend lang tayo. Ayus lang sakin yun. Pero itong Makita kang nasasaktan lagi? Ayoko.. iba na to.."
Sinayaw lang ako ni Fred . Thousand years cello vertion ang tugtog.

Di naman ako kumibo na sa huli niyang sinabi.

Buti pa si Fred ganito sakin. Pinapahalagahan ako. Di katulad ni Shone. Pero kahit anung gawin ko siya parin. Si Shone parin! Nakakainis. Kahit ang sakit sakit. Kahit sobrang sakit ay siya parin. Ano? tanga na ba talaga ako kaya ganto ako na ako ngayon? For the first time naging tanga ako sa isang tao. At dahil pa sa bestfriend ko.

Sabe ko na nga ba eh. Hindi magandang idevelope ko pa ang nararamdaman ko kay Shone.  Pero huli na para magsisi dahil ang lalim na ng sugat dito sa puso ko.  Sobrang sakit.

Yung feeling na araw araw kang iiyak, dahil di ka mahal ng mahal mo? Hindi lang 'yun dahil lalayo pa siya bigla sayo ng di mo alam ang dahilan. Pero gaya ng sabi ko sa sarili ko. Gaya nga ng disisyon ko. Last na gabi na 'to at kung nandito man sya . Hihintayin ko sya. Kahit abutin man ako ng umaga dito. Makapagpaalam lang sa kanya kahit sa huling pagkakataon.

"Kaya sana sa gabing to Froz sana mapasaya kita..sana bumalik na yang ngiti mo." Nagulat ako sa sinabing ito ni Fred. At hinalikan ako nito saglit sa noo ko.

Wala akong naiintindihan kay Fred. Anung ibig sabihin ng mga sinasabi nya..

Inikot ako ni Fred at nagiba na yung music. Invisible yung tugtog at acoustic version ito. Ang ganda ang sarap pakinggan.

Pero bakit ganun nalang magsalita si Fred? Hindi ko maintindihan.

Ngunit nagitla ako ng may bigla nalang saking humawak at marahang inilagay ang kamay ko sa balikat niya at hinawakan ang bewang ko. Di ko naman malaman kung sino siya dahil sa nakatakip ang buong mukha niya ng isang eleganteng maskera.

"S-sino ka?" Tanong ko dito pero hindi siya umimik.  Hindi ko siya kilala. Akma ko na sana itong itataboy ng magulat ako ng may magplay na video sa lahat ng projector sa hall na ito.

"Ito ay para sa taong mahal ko."
Nanigas ako sa kinatatayuan ko at ng marinig ko ang boses na iyon.

Shone...

Di ako pwedeng magkamali. Boses yun ni Shone. Nang bestfriend ko. Nang taong mahal ko....

Napahawak ako sa dibdib ko at tuluyan nanamang pumatak ang luha ko.

Ang sakit, dahil alam kong para kay alis ito.  Sana pala di nalang ako pumunta sa lugar na ito.

Kay Alice to, para sa kanya to. Siya yung taong mahal ni Shone. Pero bakit ko pa kailangang makita to?!

Tumulo ang luha ko sa patuloy na pagplay ng boses ni Shone.

"Sinasabe ko lagi na ang ganda ganda mo. Ni minsan di ko naisip na mapapansin mo ako. Akala ko nga 'di ko na masasabi sayo ito. Grabe ang torpe torpe ko kasi. Pero bago ang lahat gusto lang kitang ipakilala sa lahat. Ito ang taong mahal na mahal ko."

InvisibleWhere stories live. Discover now