Chapter 2

2K 90 5
                                    

FROZs POV

Malapit ng mag-uwian at hinihintay kong dumating si Shone na sumilip sa bintana ng room namin. Lagi niya kasi akong sinusundo para sabay kami umuwi.
O baka gusto niya lang masilayan si Alice niya? Hayy.

Pero nagulat ako dahil imbis na si Shone ang makita ko ay si Frederick ang nakita ko sa pinto ng room namin.

Asan na kaya 'yun? Tinanaw ko siya sa corridor pero di ko siya makita.

"U-uhhhh Hi Froz." bungad sakin ni Fred nung nakalabas na ako sa room.

"Oh. Hi Fred." nginitian ko naman din siya. Si Fred ang isa sa mga heartrobe sa school. Kaya heto nanaman ang dami nanamang nakatingin sakin ng masama. Pero hindi ko lang sila pinansin na ikinangiti ni Fred at napakamot sa ulo nya.

"Uuwi ka na?" Parang nahihiyang nitong tanong sakin na tinanguan ko naman.

"Oo eh, Nga pala bakit 'di mo ba nakita si Shone?" Tanong ko naman sa kanya.

Siguro naman 'di nya mahahalatang si Shone lagi ang hinahanap ko diba?

Alam kong laging magkasama si Fred at Shone since mag-classmates sila at magbestfriend din . Gaya nga ng sabi ko, popular sila sa Harrison High. Varsity player kasi sila plus heartrobe pa. San ka pa diba?

Pero hindi ko rin alam kung bakit siya ang nasa harapan ko ngayon. Pero since na kilala din naman siya ng lahat. Tinawag ko nalang din siya sa pangalan niya. Friendly ako eh bakit ba. Pero ang ipinagtataka ko lang, ay kung bakit niya ako kinakausap.

Hello! Ako ay hamak na si Froz Yza Tecson! Isang ordinaryong babae sa Harrison High na madalas ay invisible sa lahat. Tapos bigla bigla nalang niya akong kakausapin? Lupit lang...
Pero badtrip lang ah! Bakit ang tatangkad nila?! Si Shone din?! Kelan kaya ako makakaranas na ako naman matangkad
Sa bagay.. Hindi ako pandak! SADYANG MATATANGKAD LANG SILA!!!

"Ahh---- Ummmhh.... Wala may practice daw siya eh. Hatid nga daw muna kita eh." Paputol-putol nitong sabi sakin.
Nalungkot naman ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata.

"Ay ganun, 'di man lang nag text tsk. By the way sige sige tara na."

Hindi naman ako nakatangi sa kanya sabi naman daw ni Shone eh. Nagkwentuhan lang kami ng kung anu-ano hanggang sa makauwi na ako sa bahay. Ayus din naman pala kasama si Fred eh. Medyo mahangin lang nga talaga minsan.

* * *

Nandito ako ngayon sa study table ko sa kwarto. Nagmumuni-muni ako habang kagat kagat ang ballpen ko. Tapos narin kasi akong gumawa ng assignment. Kaya inilibot ko nalang ang paningin ko at natanaw ko ang isang picture frame..
Kinuha ko yung picture frame sa study table ko. Isang copy ito ng first year picture naming nila Alice at Shone .

Yeps! Ito lang naman din ang laging hawak hawak na picture ni Shone na lagi niyang piagpapantasyahan.

"Hay Shone, hanggang bestfriend nalang ba talaga? Kelan mo kaya ako mapapansin." mahinang sabi ko sa picture.

Sabagay ano nga namang laban mo sa Magandang Alice na 'yon. Froz you're just... you're just his bestfriend... you're just an ordinary girl. Hindi ka maganda. Di ka popular at imposibleng mapansin ka ni Shone.

~~~She can't see the way your eyes you light up when you smile~🎵🎵🎵

Biglang nagring ang cellphone ko at nagulat ako dito..

InvisibleМесто, где живут истории. Откройте их для себя