CHAPTER 6

1.4K 65 0
                                        

Edited.

Nung gabing rin iyon ay hindi ako nakatulog ng maayos.

Pinapakiramdaman ko lang kasi buong magdamag 'yung sarili ko.

Muling bumalik sa akin ang tinging ibinigay ni Hate sa akin. Siguro nagkamali naman ako hindi ba? Why would I even assume that Hate... has feelings for me? Ilusyon ko lang siguro 'yun.

Napaupo ako sa aking kama nang may maisip.

Or maybe it is me who has feelings for her?

Napatutop ako sa aking bibig sa na-realize.

Simula nung unang araw na nakita ko siya. I had known that I have admiration for her. The way she fought the thugs for me. Ang ganda niya rin at sobrang cool. But... do I really like her?

Napahawak ako sa aking dibdib ng biglang bumilis ang tibok ng puso ko while thinking of her.

Napangiti ako at kinikilig na nahiga at niyakap ang aking unan.

Damn. I like Hate!

But wait, ang bilis naman. I've never been able to like anyone that fast... especially that she's a girl. I really thought it was just pure admiration. Pero, I like her. Romantically.

Natawa ako ng mahina dahilan para tignan ako saglit ni Kuro na payapang natutulog sa tabi ko. I smiled at him and pat his head.

Kung anong kilig at excitement ko kagabi ay naubos pagdating ng umaga. Dahil kakaisip sa nararamdaman ko kay Hate. Halos dalawang oras lang ang naitulog ko.

"Ano bang ginawa mo at pang semana santa na 'yang mukha mo?" tanong ni Kuya Colin habang nagda-drive.

Hindi ako sumagot sakaniya at ipinikit nalang muna ang mga mata ko.

"Hindi ba at may practice kayo mamaya, Cami. It's not good for you to play while deprived of sleep." paalala ni Kuya Carney.

Nairita ako sa sinabi niya. Hindi dahil sa ayaw ko sa sinabi niya but dahil tama siya at naiirita ako sa sarili ko.

"Bili nalang kita ng kape sa school." sabi naman ni Kuya Caden.

Tinignan ko siya gamit ang rearview mirror pero wala nang sinabi. Wala na akong energy makipagasaran na palusot niya lang 'yang paghatid niya ng kape sakin, gusto lang naman niyang makita si Shauntell.

Pagkarating namin sa school ay dumiretso na ako sa room.

Agad akong umupo sa tabi ni Shauntell at ibinagsak ang ulo sa armchair.

"Bakla, nood ako bukas sa scrim niyo ah. Galingan mo para gandahan ko pagsulat sa Sports."

Tumango nalang ako at ipinikit ang mata.

Gusto ko lang talaga matulog sandali bago ang practice mamaya. Hindi ako maglalaro kaso magpa-practice parin ako ng pitches ko at susundin ang training regimen na ginawa ni Dorothy sa akin. Compare to the regimen of the other members, she made a whole lot new one for me. Stricter and difficult.

Walang kaso naman sa akin iyon dahil noon pa man mas mahihirap na training regimen ang binibigay niya sa akin. And she isn't writing me one kung alam niyang hindi ko makakaya ang binibigay niya sa akin.

Ilang minuto nung makapasok ako sa room ay tinawag ako ng kaklase dahil hinatiran ako ni Kuya Caden ng kape. Nung inumin ko naman iyon ay hindi na gaanong mainit, siguro'y hinihipan na niya na habang papunta rito sa room namin.

Nagsimula ang klase na matamlay ako at inaantok. Kahit dinadaldal ako ni Shauntell ay hindi ko magawang lingunin siya at makipag-chika dahil sa antok. Natapos ang third period na mas ramdam ko ang hindi magandang pakiramdam.

Sapfidha (EDITING IN PROCESS)Where stories live. Discover now