CHAPTER 5:

34 10 0
                                    

RON CIAR 'S POV

Hayy! Kainis naman oh. Tagal magbihis ng mga babae. Biruin nyo tapos na ko maligo at mag-ayos ng mga 5:50, tapos kanina pa ko nag-aantay anong oras na! 6:30 in the morning. 7:00 ang pasok ng babaeng yan. Kung pwede nga lang yan iwanan kanina ko pa ginawa. Kaso ako naman malalagot sa mommy ko. Utos nya 'to tutal raw first day naman. Ok lang sana ako maya-maya pumasok kasi 11:20 pa pasok ko. E kaso sabi nga ng magaling na magulang ng babaeng 'to wag ko raw ipa-late kahit konti. Sa inaasal pa lang nya sino ba naman ang hindi sumusunod? Tapos pag nalaman ako pa ang sisisihin at gagawa pa ng kwento. Hayyyyyyyyyyyyy!

"Hoy! Babaeng ang kupad kumilos bilisan mo na at male-late kana!" sigaw ko. Wala akon paki-alam kung mabingi yan.

"Oo. Eto na nga po oh!" sagot naman nya.

Maya-maya ay bumaba na sya. Lumabas na agad ako sa bahay at pumasok na ng kotse wala akong paki kahit hindi pa sya kumakain. Basta alam ko lang ay late na sya. Nang makasakay na rin sya ay agad ko namang hinarurot ang sasakyan paalis ng bahay.

"Hoy! Ano ba?! Kung gusto mong mamatay mag-isa ka wag mo kong idamay!" angal nya

"He! Tumahimik ka dyan. Kasalana mo 'to kung bakit malapit ka nang malate."

"Paki mo kung malelate na ako!? E, palagi ko naman yun ginagawa. Mamaya pa naman yung klase mo tapos pinoproblema mo yung akin."

"Yun na nga e. Pinproblema ko yung iyo kasi pagnalaman ng mommy mo na nalelate ka paren at hindi kita kayang pasunudin, e, ako yung mayayari hindi naman kasi ikaw. Kea kung gusto mo pang mabuhay ay tumahimik ka na lang." pagbabanta ko. Pero effective naman sya kasi tumahimik na sya at hindi na nagtangkang magsalita pa.

-----AFTER 10 MINUTES-----

Nakarating kami ng hindi talaga sya nagsasalita. Malamang natakot na yan.

"Grabe! Hussel 'to!"

Ha! Ha! Ha! Ha!

"Hey! Katrops! Kamusta?" tanong ni Ivan. Member din sya ng tropa ko na TropaKers.

"Hindi ok katrops." matamlay na sagot ko.

Nang mabaling ako kay Rhoi... Aba! Nakangiti na dati ay kapag nakikipagbiruan sa kanya ay hindi mo mabiro. At dun ko rin napagtanto na wala na pala si Joanna sa tabi ko. Anong meron? Nang tingnan ko kung sino ang tinitingnan nya ay isa pala sa members ng IG. Si Danicca Selidio ata. Basta alam ko lang maganda at iba sya sa mga kasama nya. Mabait, medyo mataray, matalino at higit sa lahat matangkad pa.

Kea lang ang alam ko sabi saken ni Joanna nung isang araw na nag-uusap kami ay NBSB daw sya. Mahirap daw makapasa ang mga lalaki sa kanya. Pero si Rhoi? Aba baka di magtagal ay sagutin na nya. Wala kasing matagal na nililigawan yan si Rhoi. Ang pinakamatagal ata dalawang araw. Di ko lang sure kasi ang bilis nya magpalit ng girlfriend.

"Euy! Tingnan mo si Rhoi ngumingite-ngite mag-isa. Wala namang nakakatawa sa sinasabi naten." -Ivan

"Oo nga. Nababaliw atasya e." -Bryan

"Baliw. Tignan nyo kung saan sya nakatingin." -ako. Nagbubulungan lang kami baka marinig ni Rhoi yung pinag-uusapan namen.

Tumingin naman sila sa tinitignan ni Rhoi at laking gulat nila ng isa sa members ng IG ang tinitignan. Wapak. Nganga sila. Why? Kasi kung galit sila sa grupo namen galit din kami sa kanila. E kaso anong magagawa ko kung gusto ni Rhoi 'yang isa sa mga amazonang walang balakang. NAng mapansin ni Rhoi na nakikitingin rin kami sa tinitignan nya ay tumingin naman sya samen.

"What?" iritang tanong nya. Umiling naman yung dalawa. Ako hindi kasi ako ang leader ng grupo kea ako pwedeng makasagot sa tanong nyang yan.

"Kasi napapansin namen habang nakatingin ka kay Danicca ay ngumingite ka." deretso kong sagot.

I + You = LOVEWhere stories live. Discover now