"Si Brandy at Nana nasa ibang bansa," sagot ni Kaizen, hindi masyadong naglalahad ng kanilang buhay.

"Wala bang pumapasok sa inyo sa showbiz?" tanong naman ni Mommy.

Umiling si Kaizen. "Wala po kaming interes sa ganoon."

"May modelo rin sa inyo?" tanong ni Kaedy.

"Wala rin. Mas focus kami sa business ng pamilya at sa mga career namin."

Umikot ang topic sa angkan nila Kaizen lalo na sa kanyang Grand Uncles na kilalang mga business tycoon. Rich clan in Asia... It's easy to pronounce but it's hard to process how rich their clan is.

"Ang swerte pala ng mapapabilang sa angkan niyo 'no?" ani Kaedy na kumikislap na ang mga mata.

Sumulyap muli si Kaizen sa akin nang mabanggit ang salitang 'swerte'. Kinagat ko ang aking labi at inabala ang aking sarili sa isinerve na dessert.

The dinner lasted for an hour. Masyadong napasarap ang kanilang pag-uusap at pagtatanong ng kung ano-ano kay Kaizen.

Sinamahan ko rin naman si Kaizen sa loob ng bahay nang magpasama siyang magcr pagkatapos ng dinner. Hinatid ko siya sa first floor ng aming comfort room habang si Mommy naman ay may katawagan kaya nagpaalam rin muna.

"Nag-enjoy ka?" tanong ko habang naglalakad kami.

Tumango siya.

"They're nice..."

Tumawa ako. Lahat naman ata ay mabait sa kanya pero sabagay, ang ganda rin ng pakikitungo ni Mommy at Kaedy sa kanya. Asikasong asikaso nila si Kaizen.

Hinintay ko nalang siya sa labas ng cr. Nakita ko pa ang pagngisi ni Manang Letty sa akin at nagthumbs-up. Ngumisi ako sa kanya at nailing.

"Ganda mo," ani Manang Letty at pumalakpak pa habang patungong muli sa labas.

Doon lang ako umayos ng tayo nang lumabas muli si Kaizen.

"Uuwi kana?" tanong ko at naglakad kaming muli patungo sa pool area.

"I'll stay for an hour. Pero kung gusto mong umuwi na ako..."

Umiling agad ako. Nagulat siya pero kalaunan ay kinagat rin ang nakangiting labi. Pagdating namin sa sala ay nasa dulo ni Mommy, may hawak na wine glass at may kausap sa cellphone habang nakasandal sa mahogany door ng aming veranda. Nilingon niya kami at sinenyasan lamang na mauna na kaya tumango ako saka kami bumalik sa pool.

Narinig ko ang tunog ng tubig sa pool, tila may naliligo. Paglabas namin ay sakto naman ang pag-ahon ni Kaedy suot ang isang two piece bikini. Sa sobrang nipis noon ay halos bumakat na ang kanyang nipis na katawan. Sinuklay niya ang basang buhok at napatingin sa amin.

"Baka gusto niyo ring maligo? Hindi na ako nakapagtimpi lalo na't ang init rin kasi..." ani Kaedy sa malambing na boses.

Umiling ako. Sinulyapan niya naman si Kaizen na agaran ring umiling saka ibinalik ang tingin sa akin at inilagay ang kamay sa aking baywang.

"Enjoy, Kaedy," sabi ko habang naglalakad kami pabalik sa mesa.

Tumango siya at ngumiti ng tipid saka muling lumangoy. Gumagalaw ang mga lotus scented candles doon dahil narin sa paggalaw ng tubig kaya ang gandang panoorin.

Bumalik kami sa upuan. Kaizen drag his chair towards my chair. Kapwa kami nakatalikod sa pool.

Inilagay niya ang kanyang palad sa aking tuhod at inihilig ang isang kamay sa mesa habang nakatingin sa akin, ang mga mata ay namumungay.

"Your freckles look perfectly good on you," aniya sa malalim na boses.

"Your lip piercing looks good on you," sabi ko at ngumisi na ikinangiti niya narin. He brushed his hair and licked his lips.

L A T C H E D (NGS #4 Ineryss' Version)Where stories live. Discover now