Nanlaki naman ang mata ni rondrick, hindi makapaniwala sa bintang ni ayna.

"Anong ako? Tayong dalawa kaya!"-depensa naman niya.

Lalo naman akong napahagulgol kaya nataranta ang dalawa. Yung mga kaklase ko naman nagsimula ng pagbintanagan ang mag syota na kasalanan daw nila kaya ako umiiyak.

Pero hindi nila alam na dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko kaya ako ngayon umiiyak. Walang nakaka alam. Walang nakaka alam sa nararamdaman ko.

**

Bumuntong hininga muna ako bago lumabas sa cr. Kakatapos ko lang umiyak kanina at para hindi mapansin ng iba, naghilamos na ako sa cr. Nakakahiya man ang ginawa ko sa loob ng classroom pero hindi ko na yun inalintana pa. Wala namang nakaka alam sa tunay na nararamdaman ko.

At nagpapasalamat ako dahil walang nag alam pa kung bakit ako umiyak dahil akala nila, umiyak ako dahil sa pang aasar ng mag jowa. Nagpaalam ako kina ayna na pumunta muna sa cr at buti na lang hindi na siya sumama pa.

Pagkalabas na pagkalabas kong cr, nagulat ako ng makita si khanz na nakasandal sa pader. Naka pamulsa ang dalawang kamay at saka nakayuko. Sa ganung sitawasyon ko, napagmasadan siyang mabuti. Ang tangkad niya at kung titignan sa panglabas na anyo para siyang artista. Kung hindi ko lang siya kilala baka napakamalan ko na siyang artista o di kaya'y modelo.

Teka...anong ginagawa niya dito----

"What are you staring at?!"

O__O

Napaigtad pa ako sa gulat ng makitang nakatingin na pala siya sa akin at nakataas ng kilay.

Sa di mapaliwanag na dahilan nakaramdam ako ng ilang. Naalala ko kasi ang nangyari kahapon. Yung mga sinabi niya...HINDING-HINDI KO MAKAKALIMUTAN! Kaya nagkaroon ako ng eyebug dahil sa kanya! Bwisit na lalakeng to! Naiinis ako sa kanya.

Yung pagkailang ko, napalitan ng inis dahil sa isiping yun. Kung hindi sana siya nagsasabi ng mga ganung salita, edi sana nakatulog ako ng maayos. Edi sana wala akong eyebug at hindi nag iisip tungkol sa sinabi niya kagabi!

Grr...palagi na lang akong naiinis sa damuhong to!

"Tsk. What did I do now?"-nakangiwi niyang tanong ng makitang napakasama ng tingin ko sa kanya.

Bumuka yung bibig ko pero walang salita na lumabas sa aking bibig.

Napaisip ako. Bakit ko nga ba siya sinisisi? Eh, kasi naku-curious ako sa sinabi niya sa akin. Tsk. Bakit ko naman pag aaksayahan ng oras yung sinabi niya? At saka, baka naman binibiro lang ako ng lokong to. Alam ko na ugali nito eh. Napakahilig niya akong asarin. Tama!

"You look like a stupid lesbian."-napapabuntong hininga niya akong nilapitan at saka hinila.

"ANONG SABI MO?!"-may nanlalaking mata at butas ng ilong kong tanong.

Le-lesbian daw?! Tangna! Tomboy ba ako?! Ha? Ha? HA?!

"I'm tired reapeting myself ahlisha."-tila pagod pa niyang tugon.

Abat walangya!

"Sinong tomboy?! Upakan kita diyan eh!"

"Really? Sa pagkakatanda ko, hindi mo nga ako masapak sa canteen noon."

Parang namingi yung tenga ko sa sinabi niya. Lalo akong nainis.

"Bwisit ka! Palagi mo na lang akong iniinis!"

"And you never fail to amuse me."-hindi ko alam kung nagbibiro siya pero sa klase ng pananalita niya, alam kong sarkastiko yun.

"Amuse mo mukha mo! Bakla!"

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now