CHAPTER 1-DISMAL FEELING

Start from the beginning
                                    

“Diba sabi mo hihintayin moko?” panunumbat ko sa kaniya, agad naman siyang napatawa at nagpeace sign.

“Hinintay naman kita eh, kaso yung mga uod ko, gutom na” aniya at napailing na lang ako.

“Ang sabihin mo may anaconda diyan sa tiyan mo” pabiro kong wika, agad naman siyang napasimangot.

“Nahiya naman yung anaconda ko sa dragon na nasa tiyan mo” ganting biro niya, napatawa nalang ako dahil sa sinabi niya.

“Kayo talagang mga bata kayo, hilig niyo parin magtalo.” natigil kami sa pag-aasaran ng dumating si Mom ng may dalang pitsel na may lamang H2O, sinalinan niya yung baso namin.

“Hindi po Tita, mahal na mahal ko po yan si Malb” nawika ni France kasabay ng pagdighay, agad siyang napatakip sa bibig.“Excuse me po hehe.” aniya at pabirong tumawa, napatawa nalang si Mom sa kanya.

“Kamusta naman yung school niyo?” pagtatanong ni Mom, agad kaming nagkatinginan ni France.

“Ayos lang po--”-ako
“School parin naman po--” si France.

Nagulat ako sa sagot ni France kaya pinanlakihan ko na lamang siya ng mata, binigyan niya naman ako ng impit na tawa.

“Ayos lang po Mom,nahihirapan lang po ng kaunti sa theorems sa Math” wika ko, at isinaid ang tubig sa lalamunan ko.

“Theorems? it's not that hard?” parang may malakas na hangin ang dumating, nang biglang sumulpot ang bagyo--este ang kuya ko.

Meet my Kuya Gef.

Ang pinakamayabang kong kapatid sa buong mundo.

“Yabang ah, sige nga ano yung Theorem no. 11?” pagtatanong ko sa kanya, agad naman siyang nag-isip kung anong issasagot, tingnan lang naten.

I can't remember, but kapag napag-aaralan ko, I know that I'll get it quick” aniya sabay smirk, napasimangot nalang ako sa sinabi niya, grabe, hanga na talaga ako sa kayabangan ng kuya ko.

“Wait, ako naman ang mag-aask, what is Theorem no. 15?” balik na tanong niya sa 'kin, agad naman akong saglit na nag-isip at may naalala ako, agad ko siyang pinalapit at agad na binatukan.

“Hanggang 14 lang yun, boplaks” ani ko at binigyan niya naman ako ng nagtatakang tingin.

“What? Boplaks? Ano yun?” pagtatanong niya, agad naman kaming nagkatinginan ni France, at impit kaming nagpigil ng tawa.

“Can somebody tell me what is boplaks?” parang ignoranteng aniya.

Lumaki kasi si Kuya sa States, he's with our father, habang ako dito lang ako kay Mom sa Pilipinas, natatawa nga ako nung mga panahong halos dumugo na ang ilong ko dahil sa pag-iingles niya nung umuwi yan dito, pero di kalaunan ay natututo rin naman ng tagalog, pero yung mga basics lang.

“Mom?” parang batang ani ni kuya kay Mom, hindi ko parin mapigilan yung tawa ko.

“Bobo ka daw nak,” parang wala lang na ani ni Mom, habang nagsasalin ng H2O sa baso ni Kuya.

“Bobo?” tanong pa ni Kuya.

“Stupid.” sagot ni Mom.

   

                       ***

“Alam mo, Malb ” napalingon ako kay France ng bigla 'tong magsalita, naglalakad kami ngayon papunta sa school namin, walking distance lang naman kaya hindi hassle.

Fall for Me [ON-GOING]Where stories live. Discover now