CHAPTER 1-DISMAL FEELING

12 2 0
                                    


Chapter 1: Dismal Feeling

“Malb! bangon na, malalate na tayo oh!” halos ramdam kong mahuhulog na ako mula sa kama dahil sa malakas na pagyugyog nitong pinsan ko sa 'kin, idinilat ko ang isa kong mata.

“Ano ba France! layuan mo nga ako!” pagtataboy ko sa kanya, istorbo eh, gustong-gusto po matulog ng tao dito, hindi niya alam kung ilang gabi na ba ako nagpupuyat.

“Malb! gigising ka o gigising ka?” rinig kong pagbabanta niya, but who cares? I want to sleeeeep.

“Maaaaaaalb!”

“Finee! Ito na oh” wika ko at bumangon mula sa kama ko, iniunat ko ang kamay at tumulala saglit.

“Wait, I have a good news for you” ang galit na mukha niya kanina ay napilitan, at excited pa talaga ang bruha na lumapit at umupo sa tabi ko.

“What?” walang kabuhay-buhay kong tanong, hindi niya 'yon pinansin at halos abot tenga ang ngiti niya sa tuwa.

“Wag kang paasa, ano ba kasi yon?” nawika ko nalang dahil sa kuryosidad, abot tenga ba naman yung ngiti, napapaisip tuloy ako kung ano 'yon.

“Wait wag mo sabihing inlab kana kay Heman?” nanlaki ang mata ko sa sariling hula, agad niya naman akong binatukan at sinamaan ng tingin.

“At saan mo naman napulot ang balitang yan aber?! No way!” aniya at paramg diring diri ang itsura.

Si Heman, yung kaklase naming nerd, uhm paano ko ba siya idedescribe, meron siyang dalawang bilog na salamin, at braces then malalaking books, totally nerdy right?

“Hindi naman ganon kasama ang itsura ni Heman, he's genius by the way” pagtatangol ko kay Heman, that's true he has a brain, hindi katulad ng iba, may itsura nga pero hinahangin naman ang utak.

“Kahit na, I prefer handsome guys” maarteng wika niya, sarap batukan ng isang toh, pero wag na baka lalong magalit.

“Oh, ano ba kasi yung good news mo?” pagbabalik ko sa topic namin kani-kanina lang, at ayun na naman ang ngiti niyang abot tenga.

“May magtatransfer daw sa section nateen! and the transferee is a guy!” aniya at itinaklob ang unan ko sa bibig niya tsaka malakas na tumili, habang ako hindi ko alam kung anong irereact ko sa mga oras na 'to.

“Yun na yun?” walang buhay kong tanong, seriously? halos bitinin niya ako tas yun lang pala ang good news niya?

Akala ko naman, yung mga gantong balita, like nagkatuluyan na si Jungkook at si Taehyung, then nagdadate si Jennie and Lisa? yung mga ganon.

“Ikaw talaga napaka KJ mo? you know that?” aniya at napalitan ng simangot ang mukha niya.

“Eh, anong gusto mong maging reaksiyon ko? magtatalon ako sa tuwa ganon?” wika ko, agad niya naman akong hinampas ng unan sa mukha ko mismo, hindi naman masaket.

“Tama na nga satsat, maligo kana, antayin kita sa baba, tutulungan ko narin si Tita magluto” aniya at hindi man lang ako hinintay magsalita, narinig ko nalang ang pagsarado ng pintuan ng kwarto ko.

                       ***

“Goodmorning darling,” wika ni Mom ng makita akong papaba ng hagdanan, ginantihan ko naman si Mom ng ngiti.

Napailing nalang ako ng makitang lumalamon na yung magaling kong pinsan sa lamesa, pumwesto ako sa harapan niya at nang makita niya na ako, at binigyan niya ako ng pilit na ngiti.

Fall for Me [ON-GOING]Where stories live. Discover now