“Good morning, mahal.” nakangiting sambit ni Tyrone sa akin.
“Good morning, mahal. Naks. Ganda gising ko ah. Mukha mo agad nakita ko.” echos ko sa kanya. Natawa sya sa sinabi ko at hinalikan ako.
“Breakfast is ready. Bangon na.” Tumango naman ako at bumangon na. Nagpunta ako sa banyo para maghilamos at magtoothbrush then pumunta na ako sa kitchen. We're living together. Parehas kasing malayo ang bahay namin sa work kaya kumuha nalang kami ng unit na mas malapit para hindi na hassle everyday.
“Wow. Ikaw nagluto nyan?” Echos lang ulit. Wala namang nakakagulat sa niluto nya. Tanging eggs, hotdogs, bacons and fried rice lang naman. Pero syempre kinikilig ako everytime na ginagawa nya 'to. Laging ako kasi ang nagluluto kaya para na din kaming mag-asawa.
“Of course. Let's eat.” sabi nya ulit ng may ngiti sa labi. Ang sarap nyang pagmasdan kapag ganon. Hay. Ang gwapo ng jowa ko.
“Wala kang work, mahal?” I asked. Hindi kasi sya nagmamadali eh.
“Wala. . .” He smirked.
“What's with the smirk, mahal? Ikaw ha!” tumatawang sabi ko bago kumain.
“Pfft. Ang dumi mo mag-isip, mahal. Let's have a date later?”
“Really?” He nodded. Wow, mukhang masaya 'to. Ang tagal na kasi naming hindi lumalabas together. Lagi kasing busy sa work. Kaya kapag day off namin ay nandito lang kami sa unit at nagmomovie marathon.
“Yes. Kaya kumain kana then mag-ayos.” Napayakap naman ako sa kanya. Grabe, sobrang blessed ko dahil sya ang naging boyfriend ko! Wala na akong mahihiling pa na iba.
After eating ay naligo na ako agad at nag-ayos gaya ng sabi nya. Hindi na nga mawala ang ngiti ko sa labi dahil sa excitement na nararamdaman ko. Kailan ba kami huling nag-date? Hm . . medyo matagal na dahil ang natatandaan ko ay medyo nene at totoy days pa kami non. Hahahaha!
“Ano kayang maganda?” Ang hirap kasi magdecide kung anong susuotin ko eh. Puro luma na kasi ang dresses ko dito then puro formal attires ko sa office. Syempre hindi naman ako pwedeng magformal attire! Mukha akong tanga kapag ganon. Kapag nagkatime nga ako bibili ako ng bago.
Nakapili din ako ng susuot. Dress sya na above knee. Kulay peach sya at sleeveless. Hapit sya sa katawan ko kaya hulmang hulma ang saktuhan na shape ng katawan ko. Sinuot ko din ang necklace that my mahal gave me last 5th anniversary namin. Napangiti pa nga ako ng humarap sa salamin. Ewan ko ba, hanggang ngayon kapag nakikita ko 'to. Kinikilig pa din ako. Ang sweet ni Tyrone diba?
I curl my hair then tinali ko sya. Medyo sunny day kasi ngayon kaya mas maganda ng nakaipit ang hair para di masyadong pagpawisan hehe. After that, naglagay ako ng light make up and naglagay ng cologne. Yung favorite scent ni Tyrone syempre.
“Naamoy ko na naman yang cologne mo, mahal. Lalo tuloy akong naiinlove sayo.” Malambing na sabi nya habang nakayakap sa akin sa likod.
“Sus. Nambola pa.”
“Seryoso nga. Kapag naamoy ko yan naalala ko yung mga araw na nililigawan palang kita.”
“I love you, Tyrone.” sambit ko habang nakatingin sa kanya sa reflection nya sa salamin.
“I love you too, Phoebe.”
Minsan naiisip ko kung ano yung magandang bagay na nagawa ko noon para regaluhan ako ni God ng isang Tyrone sa buhay ko. Alam nyo yun? Yung sobrang saya at pagmamahal ang nararamdaman ko kapag kasama o nakikita ko sya. Hindi ko talaga alam mangyayari sa akin kapag nawala sya sa buhay ko.
“Look how perfect they are.” Nakangiting sabi ni Mrs. Yoo noong makalabas kami ng unit. Nakahawak kasi si Tyrone sa akin. Inaalalayan nya ako. Ganito talaga sya. Sobrang gentleman.
