CHAPTER I

0 0 0
                                    

*7:30 am*

“Anakng! Puchaaaaaaa late nanaman akoooo!

Pagkatingin ko sa orasan bumangon agad ako at dumeretso na sa cr para maligoooo. Juskooo papatayin ako ng teacher ko netoooo. 8:00 ang pasok ko pero pasado alas syete na nandito pako sa bahay.

Inayos ko na yung pagmumuka ko kahit di naman talaga maayos ayos. Wala akong magagawa panget ako e. Inilagay ko na din lahat ng gamit ko sa bag ko. Tapos lumabas na ng pinto at nag abang ng tricycle sa labas.

“Hayss sa school nalang siguro ako kakain”- sabi ko ng maalala kong hindi pala ako kumain. Paano kakain e late na nga?

May tumigil ng tricy sa harap ko. Sumakay nako agad, late na talaga ako e.

“Kuya sa Adamson academy po”- sabi ko sa driver.

Ibinigay ko na yung bayad at sabay takbo na sa first subject ko.

Ewan ko ba kung tanga ako o tanga talaga ako. Nahulog ko pa lahat ng libro ko habang paakyat sa mahaba-habang hagdan papunta sa room namin. 4th floor pako pero 2nd floor palang parang mamamatay nakooooo. Juskooo Lord give me strength!

Pinulot ko lahat ng gamit kong nahulog. Sa kamalas malasan naman talaga e nahulog at gumulong pa hanggang first floor yung mga ballpen ko. Thanks G at may tumulong.

“Miss ballpen mo oh”- sabi nung lalaki. Nagpasalamat nalang ako kasi nakatulong naman talaga siya.

Aabutin ko na sana kaya lang parang nabosesan ko. Nilingon ko siya at hindi nga ako nagkamali.

“Salamat”- yan nalang naisagot ko bago tuluyang umalis.

Yung taong iniiwasan ko pa talaga makakaencounter ko. Ang malaaaaas talagaaaaa!

“Waaaaahhhh!!!!! Syeteeee late nakoooooo”- nakarating ako sa room ko ng 8:40 na. Late ako ng 10 minutes at siguradong tatadtarin nanaman ako ng teacher na yun. Ano nga bang magagawa ko.

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa pintuan.

“Ms. Ford. You're. 10 minutes late!”- bulyaw sakin ni Mrs. Gonzales.

“I’m sorry Ma'am”- yan nalang yung nasabi ko tsaka ako umupo sa designated seat ko. Malapit ako sa bintana nakaupo. At spot talagang pinakagusto ko. Natatanaw ko kasi kung anong nangyayari sa field. At natatanaw ko siya . Sabi ng utak ko. ERASE! Pinaasa ka niya remember? Pinaasa o ako mismo yung nag assume? Sabi nanaman ng utak ko.

Habang tinatanaw ko yung field may biglang kumulbit saakin.

*poke*

“ohhh?”- sabi ko. Hays si Aly lang naman pala. Alyson Zardenia,my seatmate.

“Tara kain?”- sabi niya. Sa kakatunganga ko sa field,diko namalayan na breaktime na pala.

Um-oo nalang ako. Kesa naman wala nanaman akong kasabay kumain. Medyo loner ako. Bumaba na kami sa cafeteria at tsaka umorder na. Habang hinihintay namin yung order namin may bigla siyang natanong.

“ja! Kaano ano mo si Axle?”- tanong niya sakin.

“Wala naman. ”- tipid kong tanong.

“Ahh. Gusto ko kasi siya”- um-okay nalang ako sakanya kasi dumating na yung order namin.

“Pwede mo ba akong ilakad sakanya?”-

*cough cough*

“Nako bat saakin pa?”- Ito talagang babaeng to parang nang aasar e.

UnwantedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant