Chapter 16: Plan

2 0 0
                                    

Bumisita si Jimin ulit kay Taehyung, nabobored na kasi siya sa bahay niya, eh mag isa lang naman siya tapos wala siyang kasama. Pakiramdam niya mababaliw na siya.

"Oh, napano ka? bat ika-ika ka diyan?" tanong ni Jimin ng makita si Taehyung na ika-ikaw lumakad.

"A-Ano kasi...W-Wala." sabi ni Taehyung.

"Nauutal ka Taehyung, ibig sabihin nag sisinungaling ka." sabi ni Jimin.

Huminga ng malalim si Taehyung at nagsalita. "Nakita ko si Jungkook." sabi  niya. Bigla namang nagulat si Jimin sa sinabi neto.

"Okay nakita mo siya, pero bat ka ika-ika, kasi wala ka namang boyfriend maliban na lang kung nakasama mo si Jungkook tapos may nang--" nahinto si Jimin sa pagsasalita ng mapansin niyang nananahimik lang si Taehyung.

"KASAMA MO SI JUNGKOOK KAGABI!?" Gulat na sigaw ni Jimin.

"Oo." maikling sagot ni Jungkook.

"Paano?" kalmadong tanong ni Jimin.

"Kasi umalis ako kahapon, tapos napagisipan kong dumaan sa dagat diyan malapit sa building ng hotel tapos 'di ko alam na nandun si Jungkook. Umiiyak at nagsisisigaw ako don tapos bigla nalang siyang sumulpot at hinalikan ako." sabi ni Taehyung.

"Imposible namang dun niyo ginawa 'yon." sabi ni Jimin.

"Pumunta siya dito sa bahay, pinagluto ko siya. Nung dumating ka kakaalis lang niya non. Dito siya nag palipas ng gabi, so tama yang iniisip mo. May nangyari nga samin." sabi ni Taehyung.

"Di ko alam ang sasabihin ko." di makapaniwalang sabi ni Jimin.

"Ano yun? ganon-ganon nalang? kalimutan ganon?" tanong ni Jimin.

"Gusto ko kasi siyang makasama bago ako umalis." mahinang sabi ni Taehyung.

"At san ka naman pupunta?" tanong ni Jimin.

"Tinawagan ako ni Kuya Jin nung isang araw, pinapapunta niya ko sa Switzerland para tulungan siyang mag manage ng restaurant niya." sabi ni Taehyung.

"Aalis ka nga." sabi ni Jimin, tumango naman si Taehyung.

"Kelan ka aalis?" tanong ni Jimin.

"Next month." sabi ni Taehyung.

"Babalik ka pa ba?" tanong ni Jimin.

"Ewan." sabi ni Taehyung.

Sa tono palang ng boses neto ay mukhang wala ng balak bumalik.








"Jungkook, san ka galing? hindi ka umuwi kagabi." tanong ni Sohyun.

"nakitulog ako kina Kuya Yoongi." sabi ni Jungkook at umakyat na sa kwarto niya.

humiga siya sa kama niya at inalala ang mga nangyari, hindi siya makapaniwala na sila na ulit ni Taehyung.

"ayos ka lang? 'di ba masakit?" tanong ni Jungkook kay Taehyung kakatapos lang nila sa pag mi-make out nila.

Nakabihis na si Jungkook at mukhang aalis na ito, umupo siya sa tabi ni Taehyung na nakahiga parin.

"Aalis na muna ako ha?" malambing na sabi ni Jungkook.

"San ka pupunta?" mahinang sabi ni Taehyung, nakapikit na ito at yakap-yakap ang isang unan.

"Uuwi, pero babalik ako. Okay?" sabi ni Jungkook at tumango naman si Taehyung.

"Matulog ka na." sabi ni Jungkook habang hinahawi ang buhok ni Taehyung, agad namang nakatulog ng tuluyan si Taehyung.

Hinalikan niya ito sa noo at kinumutan, pagkatapos ay umuwi na siya.

"Kainis, kinikilig ako." sabi ni Jungkook at ngumiti sa kawalan.

"Trisha gisingin mo na si Jungkook." sabi ni Sohyun.

"Sige, ma." sabi ni Trisha at umakyat.

Nakita niya si Jungkook na nakahiga at hindi pa nagbibihis, nakatulog na rin ito.

"Jungkook, gumising ka na diyan. Hinahanap ka ni mama sa baba." sabi ni Trisha at niyugyog si Jungkook.

Bumangon naman si Jungkook at nagpalit ng suot, bumaba narin siya pagkatapos.

Umupo na sila sa hapag-kainan at kumakain na ng almusal.

"Malapit na pala ang kasal niyo, sa beach kayo ikakasal." sabi ni Sohyun.

"Ma, akala ko ba sa simbahan?" tanong ni Trisha.

"Mas maganda ang beach wedding." sabi ni Sohyun.

Hindi na nagsalita si Trisha kasi alam niya mananalo parin naman ang nanay niya sa pagdedesisyon.

"Jungkook." tawag ni Sohyun kay Jungkook, nilingunan naman siya nito.

"samahan mo si Trisha na magsukat ng wedding gown, pati ikaw mag sukat ka narin ng suit mo." sabi ni Sohyun, tumango na lamang si Jungkook.

"Ma, kelan ba yung wedding?" tanong ni Trisha.

"Next month, katapusan." sabi ni Sohyun.

"Teka, ambilis naman ata ma." sabi ni Trisha.

"Bakit? may tututol pa ba sa kasal niyo? kung wala edi bilisan." sabi ni Sohyun at pinagpatuloy ang pagkain.

"Umakyat na kayo sa taas at umalis na kayo." sabi ni Sohyun.

sinunod naman nilang dalawa 'yon at nagbihis na. Pagpasok nila sa kwarto ay biglang naiyak si Trisha.

"ayos ka lang?" tanong ni Jungkook.

"Hindi! Hindi ako ayos! Akala ko makaka back out pa ko dito sa kasal na 'to. Kala ko mababalikan ko pa si Paul." sabi ni Trisha at umiyak.

"Kala ko ba gusto mo ko?" tanong ni Jungkook.

"Nasabi ko lang yon kasi akala ko makaka move-on ako kay Paul, mali pala." sabi ni Trisha.

"Tahan na." sabi ni Jungkook at yumakap kay Trisha.

"Alam ko na rin naman na magkasama kayo ni Taehyung kagabi, buti ka pa." sabi ni Trisha.

"Mahal ko si Paul, kook. 'Di ko kaya na mawala siya sa buhay ko." sabi ni Trisha at mas umiyak pa.

"At tyaka pasensya na kung hinalikan kita or nilandi, sorry, nababaliw na siguro ako dahil sa nangyayari." sabi ni Trisha at awkward na tumawa.

"Ayos lang yon, kalimutan nalang natin." sabi ni Jungkook.

Nanahimik sila saglit, bago may isang ideya na pumasok sa utak ni Jungkook.

"May naisip ako, pero sana makipag cooperate ka." sabi ni Jungkook.

"Ano ba yon?" tanong ni Trisha.

"May plano ako."

Change || Kth•JJkWo Geschichten leben. Entdecke jetzt