Chapter 1

35 0 0
                                    


" Bakit ngayon ka lang? "



" Waaaaaahhhhhh! Multo!" sigaw ko pagbukas ko ng pinto. Napapikit ako at hinampas  dun sa multo ung hawak kong libro.



" Aray! "

Waitt! Nagsasalita ung multo? at bakit hindi tumagos ung libro ko?



Narinig ko ung pagclick ng switch ng ilaw kaya napamulat ako.


Eli?



"Siraulo!! Anong multo ka jan?" binatukan nya ako. "Bakit ngayon ka lang aber? Nauna ka na nga umalis kanina  tapos iniwan mo pa ako!" nakapameywang na tanong ni Eli.

Daig pa nanay ko eh!


Sinong hindi matatakot ? eh nakabeauty facemask sya tapos isang white nightdress pa yung suot. Akala ko multo na, kinabahan ako dun ng bente.

" Diba may Group activity tayo? tinapos lang namin ng grupo ko" Pagpapaliwanag ko habang hinihimas ung batok ko at sumalampak ng upo sa sofa.

Haysss...Nakakapagod...

" Teka, Bakit ka kasi naglagay ng ganyan sa mukha? Kamukha mo na si Lola Kuntapay hahahhahahahhaha!" pang aasar at pangiiba ko sa usapan bago pa sya makapagtanong ulit. Alam ko namang kakagalitan nya ako dahil naunahan nya pa akong nakauwi tapos tinakasan ko pa sya.

Ang bagal kasi kumilos ang dami pang eme eme!

" Beauty hacks! hehe" ngumisi ito at mukhang nakalimutan agad ung paguusisa nya. " He! Sabihin mo inggit ka na naman sa ganda ko! " balik asar nya sakin.

Ay ganda daw.


" Shermolang? Hindi ko kasi makita haha" inasar ko sya lalo pero inirapan nya lang ako sabay tawa.

Baliw!


Napailing nalang ako. Baliw na naman tong bestfriend ko. Iirap tapos biglang tatawa? Nasaniban na naman ata to nung whitelady dun sa Willford.

" Nangiwan ka kanina, napakasama mo" pagiinarte nito.

The heck? Akala ko pa naman limot nya na..



" Nagchat kasi yung groupmates ko , hinahanap na daw ako ng leader namin at syempre grades yun ,mahalaga din yun. " nginitian ko sya ng matamis.

" Mas mahalaga kesa sakin?"

Hala ka! Napano tong babaeng to?


"Ay Sorry bes ! di ako updated, mukha mo na pala ung ipinalit dun sa mukha ni Ninoy at Cory" sarkastik kong pangaasar kay Eli.



"Waaaaah!" hinampas nya ako sa braso" Ang sama mo talaga Aya!"

Lord! Patience is virtue right?
Penge pa po ng patience , Please!



Tumayo nako, matutulog nalang ako. Maaga pa kasi pasok namin bukas at mukhang ayaw pa tumigil ni Eli sa pagdradrama nya. Minsan napapaisip na rin kung pano ako nakakatagal sa ugali nya though kahit naman ganyan sya alam kong mabait syang tao. Kaya din siguro kahit papaano eh natitiis ko. Para ko na rin naman kasi syang kapatid. Sa tagal  ng pinagsamahan namin kilala na namin ung isat isa.


Speed for LoveWhere stories live. Discover now