TITTLE: ROLE MODEL
GENRE:DAGLI
"Teka! Dumidilim na! Sige ha? Aalis na ako" ani isang babae sa kasama. Kasunod ang tila malanding tawa.
"A-Ano? Ah---"naudlot ang sasabihin nito sa biglaang paghalik ng babae kasunod ang patakbong paglayo nito sa bahay-bahayang ginawa nila nang kasama.
Lakad takbo ito tungo sa isang malaking bahay.Sa paglapit, rinig ang tila malanding tawa sa likod ng malaking gate. May isang seksing babae ang kaharap ng matandang mayaman na lalake.
"Hihihi!! Oh, Andito na sya! Teka! Dumidilim na! Sige ha? Aalis na ako" ani ng seksing babae kasunod ang malanding tawa.
"Ha? Eh---"ani sana ng matanda na napigil ng isang mahabang halik. Nanonood lamang ang bagong dating na babae. May kakaibang tingin. Titig na titig hanggang sa humarap dito ang seksing babae."Halika na anak. Umuwi na tayo." Aya nito saka kumikembot na nagpati-una sa paglalakad. Sumunod naman ang huli. Kiming ginagaya ang paglakad ng inang prostitute..
![](https://img.wattpad.com/cover/200872696-288-k872468.jpg)
YOU ARE READING
LIBRO NG MGA DAGLI
RandomLibro ng mga dagli.... mga gawang nagsimula sa pagbabasa ng isang libro na may 100 dagli ni EROS ATALIA na hiniram ko pa sa sub- adviser (kung sub nga ba o occupant na sa room) namin dahil lang sa pagka bored sa kakulangan ng mga librong binabasa n...