Chapter I: Sisikana Bar

11.2K 64 3
                                    

Summer is HOT and beautiful lady at her 25 years of existence. She works with Mallin Multi-national Group of Companies. Sa trabaho nya she used more her head, she decides more about where the bugdet of the company goes. Wala namang madaling trabaho kaya minsan naiistress na din sya at gumigimik na lang kasama ang bestfriend nyang si Carmin. (Later, I'll tell you how the two of them became friends despites of their different mindset.)

Napalunok si Summer ng malaman nyang si Yuan Salvador ang bagong teacher ni Autumn. Hindi sya makapaniwala kung bakit sa dinami-rami ng tao at sa dinami-rami ng papasukan, dito pa malapit sakanya.

Totoo nga talagang napakaliit ng mundo at kung sino pa iyong nasaktan niya noon ay sya pang makakasama nya sa mahabang panahon.

Walang syang tiwala kay Yuan. Naisip nyang may masamang plano ito para maghiganti sa pamba-busted nya dito dalawang taon na ang nakakaraan.

Tatlong taong nanligaw si Yuan kay Summer noon. He's a nerdy type. Patpatin pa ito noon at maraming tigyawat but Yuan's version now is very different.

Daig pa nito ang top models sa ganda ng hubog ng katawan. Hindi alam ni Summer kung anong nilagay ni Yuan sa mukha nito at dinaig pa nito ang nagpa-Belo. Bukod doon, nadagdagan din ang confidence nito na nakadagdag sa kagwapuhan nito.

"Teacher told me na magkakilala raw kayo my big sister." sabi ni Autumn habang sabay-sabay silang kumakain ng breakfast.

Ang Mommy at Daddy nila ay nag-out-of-town kaya silang dalawa lamang ang magkasama sa bahay. Kung minsan nasa condo unit si Summer para magpalipas ng oras o kaya gabi na syang nakakauwi galing sa office.

Bahagyang tinignan ni Summer si Yuan na nakangiting nakatingin din sakanya pero agad din naman syang nag-iwas ng tingin dahil sa pagka-ilang.

"At nagkachikahan na pala kayong dalawa." sabi ni Summer habang kumukuha ng bacon.

"Ah, oo, ang bibo kasi ng kapatid mo. Actually, i like him. Sa tingin ko magkakasundo kami." sabi ni Yuan habang umiinom ng kape.

Nagsmirk naman si Summer.

Sa isip-isip ni Summer, hindi pa nakakaabot rito ang mga kalokohang pinaggagagawa ng kapatid nya pero hindi alam ni Summer na magaling maghandle ng bata si Yuan. 5 years na syang nagtuturo sa mga special children at 2 years sa isang public school pero minabuti na lang nyang mag-home based tutoring.

Yuan is 28 years old at mahal nito ang kanyang profession. Wala syang masamang intensyon tulad ng naiisip ni Summer sakanya. He only thinks na para sakanya talaga ang opportunity na iyon kaya ginrab na nya ito.

"Anyways, pinahanda ko na kay Manang Lolet iyong kwarto mo. Ang sabi nya wala ka raw dalang gamit?" taas-kilay na sabi ni Summer sa binata.

Ngumiti si Yuan kaya umiwas na naman ng tingin si Summer. She doesnt know kung bakit sa simpleng ngiti nito ay hindi nya kayang titigan.

Pakiramdam nya they're connected with each other kaya naman para syang nakukuryente sa simpleng galaw nito.

"I'm not staying. Medyo malapit lang naman dito ang place ko."

Hindi na nangulit pa si Summer. Mas okay na iyon kaysa maasar lang sya sa tuwing makikita nya ito. Sinabi rin naman ni Summer na bukas ang bahay para sa kanya.

*********

"Anong sabi mo Summer? You mean, si patpating Yuan ang tutor ni Autumn? At ang sabi mo gwapo na? Oh, my Gosh! Yung tatlong taong nanligaw sayo pero binusted mo lang? Patay na my dear, baka bumawi yan sayo." dire-diretsong sabi ni Carmin kay Summer habang kakatapos lang ng trabaho nila at kakain sila ng meryenda.

Seducing My Brother's TutorWhere stories live. Discover now