Chapter 12

3.4K 87 1
                                    

"Ano bang nangyayari at nagsususuka ka dyan?" Tanong ni Allen...

Nandito sya sa bahay, hindi narin ako nakapasok dahil sa sumakit na naman ang tyan ko...

"Hayyyy!! Sandali, tatawagan ko lang si Paull..." Allen...

Patayo na sana ako ng sumuka ulit ako...

"hello? Paull?" Allen..

"Pumunta ka nga dito...Oo, Si Kaycee eh...Oo, sige..." Allen

"Papunta na sya.." Allen..

Inalalayan nya ako sa pagtayo...

"Gusto ko ng gummy bears.." sabi ko bigla..

"HOY! DOMINGO!! NAGSUSUSUKA KANA NGA DYAN TAPOS SASABIHIN MO GUSTO MO NG GUMMY BEARS? GAGA KA BA?" sigaw nya sa akin...

"Gusto ko nga ng gummy bears eh! Sabihin mo kay Paull!" Ako...

Tinignan nya lang ako at tinawagan si Paull...

"Paull, Ibili mo daw ng gummy bears itong babaeng to..." inis na sabi ni Allen..

"Sige!" Allen...

"Ok. Ka lang ba talaga Kay? Alam mo daig mo pa naglilihi eh.." bigla akong kinabahan sa mga sinabi ni Allen...

"Para kang buntis!"

Halos tumigil ang pag-ikot ng mundo ko sa mga sinabi nya...

Pano kung...pano kung buntis nga ako?...

"Oh? Bakit ka umiiyak? Hoy! Kaycee!!" inalog-alog ako ni Allen...

Pano kung buntis ako? Anong gagawin ko?

" Andito na ako!" tumingin ako kay Paull...

" Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?" lumapit sa akin si Paull at hinawakan ang mukha ko...

Hindi ako makasagot... Anong gagawin ko? Bakit hindi ko naisip nung una palang na baka mabuntis ako? Bakit hindi ko nahalata ang pagdalas kong pagsuka?

"Kaycee! Sumagot ka nga!" Paull...

"Gusto kong magpahinga..." tumayo ako pero natumba ako, agad naman akong sinalo ni Paull...

"Bubuhatin nalang kita..." binuhat nya ako hanggang sa kwarto ko...

"Anong bang nangyayari sayo Kay?" Tanong sa akin ni Allen...

"Mas mabuting huwag ka munang pumasok!" sabi ni Paull...

"Mas ok. Nga yun" Allen...

Ipinikit ko na ang mga mata ko...

Kung saka-sakaling buntis ako...Kaya ko bang buhayin o tanggapin ang batang nasa loob nito?

Kaya ko bang Sabihin sa kanila to?

Makakaya ko ba ang sasabihin nila? Lalo na si..

Si..

Si..

Si..

Si Paull...

Mistaken (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now