Chapter 38

4.3K 60 2
                                    

Paull’s POV

Isang linggo nang walang kibo si Kaycee.
Magugulat nalang kami nagsasalita na sya mag-isa sa kwarto ng kambal dati…
Gusto namin syang dalhin sa America pero ayaw nya…

“Kaycee, kain kana….” Sabi ko sa kanya…

Lumapit sya dun sa picture ng kambal,

“Kayo? Kakain na ba kayo?huh mga anak?”

Hinawakan ko sya at hinarap sa akin.

“Kaycee tama na…Ano ka ba? Tigilan mo nayan….” Awat ko sa kanya…

Dinala na namin sya kung saan nakalibing ang kambal pero wala syang imosyon at hindi rin sya umiyak…Lumayo lalo ang loob nya sa akin…

“Bakit? Magugutom sila kapag hindi natin sila pinakain…”

“WALA NA SILA!!! PATAY NA!!!!” hindi ko napigilan ang sarili ko….

“Sinungaling!!!! Kalaro ko pa nga lang sila kanina eh….” Naiiyak nyang sabi….

GOD!!!!

………………………………………………

Napagdesisyunan na namin na dalhin si Kaycee sa America para ipagamot.
Kahit na labag sa kalooban nya na magpagamot, wala syang magagawa….

“Sigurado ka bang hindi ka sasama?” tanong sa akin ni Mama…nanay ni Kaycee…

“Hindi na po…. Alam ko naman na kaya kahit na wala po ako dun…” sabi ko kay Mama….

“Paull iho….” Tawag nya sa akin…

“Bakit po?”

“Maraming salamat sayo ha? Dahil hindi mo iniwan ang anak ko…” sabi nya sa akin…

“Ako nga po dapat ang magpasalamat.Maraming salamat po at tinanggap nyo po ako ulit para kay Kaycee…Alam ko po na paggumaling sya eh posibleng hindi nya na po ako maalala kayo nalang po ang bahala sa kanya…” sabi ko….

“Sige, Kaylangan na naming umalis….Mag-iingat ka….”

Hinalikan ko sa labi si Kaycee….

“Makoh, pagaling ka ha? Kung saka-sakaling maaalala mo pa ako, tawagin moko sa salitang Buko ha? Kung hindi naman, sana magkita tayo kahit na hindi mo na ko kilala. Magsisimula tayo sa simula, Magpapakilala ako sayo ng maayos na hindi ko nagawa dati.Pero sana…..” hindi ko napigilan ang maiyak….

“Pero sana hindi mo na mabalikan ang sakit na naranasan mo… Na ako ang may gawa… Kaycee, Mahal na mahal kita…” nagsimula na silang maglakad papasok sa airport…

“Sorry sa lahat… Gumaling ka sana….” Huling salita na lumabas sa bibig ko….

Sinabi ng Doctor na pwedeng may mawala sa alaala nya dahil sa mga nangyari.
Ayokong sabihing hindi sya gagaling….
Gusto kong sumama kaso baka pagsumama pa ako, hindi sya gumaling ako nga ang dahilan kong bakit nasaktan sya nung araw na iniwan ko sya nang walang paalam.Nung araw  na unang lipat ko sa Pavillion.Nung araw na una ko syang naging kaibigan at yung mga araw na nasa Bicol kami.
Nakakatawang balikan ang mga kasungitan nung babaeng yun.At ang pinakamarap balikan ay yung araw na nalasing sya sa bar nung iwan sya ni Alex.

Sa sobrang kalasingan nya hindi ko na sya makausap, hindi ko matanong kung saan ba sya nakatira.
Wala akong nagawa kundi iuwi sya sa condo ko…
Nakinom narin ako nun pero alam ko pa ang ginagawa ko.
Pagdating sa condo, binuhat ko sya at hiniga sa kama ko pero ikinagulat ko na ko yung ginawa nya…

Hinatak nya ako at sinabing, “Ang init paki tanggal ang damit ko”

Pero syempre hindi ko ginawa yun…Pero sya ang gumawa halos maglaki ang mga mata ko sa nakita ko sa kanya.Nkaramdam ako ng init nun hindi ko napigilan ang sarili ko at hinalikan ko sya.
Hanggang sa paggising ko nakita ko syang tulog na tulog.Tumayo ako at naligo.
Lumabas ako nun para bumili ng breakfast naming pero pagbalik ko wala na sya.

Nanghihinayang ako nun, sa totoo lang na love at fisrt sight ako sa kanya…Pero nung nakita ko yung wallet nya dun na ako gumawa ng paraan.Hanggang sa lumipat na ako sa Pavillion. Lalo ko pa syang minahal nung araw na nagpunta kami sa Bicol. At ang higit sa lahat nung nalaman kong buntis sya sa akin. Ang saya nun. Kaso nagayon? Wala na….

Lahat ng alaala? Alaala na lang magmula ngayon….
Masakit man isipin pero kaylangan nang kalimutan at magsimula muli….

Mistaken (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now