Chapter 1: The Bride

1.2K 77 19
                                    

"I'm sorry miss Martinez but you are now expelled."

"What? Bakit naman ma'am?" tanong ko sa principal namin. Nakaupo ako ngayon sa single couch dito sa office nya habang may apat naman na babaeng nakaupo sa kabila at lahat sila ay maga ang mukha.

"Seryoso ka ba talaga sa tanong mong 'yan Sabrina Martinez? Nakatatlong warning na ako sayo pero mukhang mahaba na 'yang sungay mo. Just look what you did to them!" turo nya sa apat sa tapat ko.

"Ouch ang harsh nyo naman ma'am.
But like I said wala akong ginawa sa kanila. Sila ang nagsapakan at audience lang ako."

"Audience ka lang? Pero nandon ka sa gitna kasama nila at nagchi-cheer pa."

You don't know kasi the pleasure of the devil pag may nakita kaming nag-aaway o gumagawa ng masama.

"Eh ma'am binuhos nya sa 'kin yung spag na kinakain nya. Kinausap ko lang sila sandali tapos biglang nagsapakan na."

Mas lalong kumunot ang noo nya at panay pabalik-balik ang tingin nya sakin at sa apat na babae sa tapat.

"Whatever. Last offense mo na to and you have been warned. Kaya you're now expelled. Now get out of my office!"

Nag smirk nalang ako at binitbit ang bag ko paalis. Narinig ko pa ang mahinang bulungan ng apat.

"Ghad! I can't believe that we dated the same guy at the same time."

"Yeah right. We dated every sunday pa naman since yun lang daw ang free time nya."

"Really? Ako every monday."

"And I'm on tuesday."

"I'm on wed. Wait..."

And the rest follows. Muli na naman silang natahimik at nagtitigan. Pft.

The Bride of LuciferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon