Oh my gosh. Kaya mo 'to. Kurot ko sa sarili ko.
"Professor B, since you will be resigning, it wouldn't be rude to ask what happened to your burn, would it?" then there comes the question that awakened me. Nakarinig din ako ng sari't-saring bulungan sa kaniyang pag-alis.
The moment I saw the burn, na-curious din ako kung ano meron do'n. Masyado siyang nag-s-standout para hindi mapansin. I noticed the professor's jolly facade turn into a dull expression. Will he lash out? Will he not?
I crossed my arms and leaned my back for comfort while observing his every movement. Hindi pa rin siya nakasasagot hanggang ngayon kahit nag-iingay na ang mga estudyante para masabi na niya kung ano ang nangyari sa paso niya.
Looks like we're not gonna get any answer.
Biglang nakarinig kami ng maingay na alarm bago ko pang makitang ibuka ni Professor B ang kaniyang bibig. Tsk. This happens when you put people in a cliffhanger. Something bad happens!
Four alarms in fifteen seconds. Luckily, I attend our school drills and listened to the volunteer kahit na nakakaantok. The alarms indicate that there's a fire. People panicked. People screamed their lungs off, just to achieve that overdramatic-ness they have in their bodies. Kung sinuswerte ka nga naman oh!
"FIRE!" one of my guy classmates was the first one to stand and take action. "Guys, we need to evacuate now, get your things and let's get the fuck outta here! Come on!" Sumunod naman sila sakaniya but despite the countless reminders of be careful, they weren't. My eyes locked on Professor B who seems a little too anxious.
Tumayo ang mga nasa harapan ko kaya nawala ng mata ko si Professor B na inoobserbahan ko kanina pa. Nung nagsibabaan na 'yung mga nasa harap ko, tuluyan nang nawala na parang bula ang professor. Sabay ng ingay ng mga upuan at nagtatamaan na bags—nagtutulakan sila para makaalis habang ako'y kukunin ko palang ang nag-iisa kong gamit.
Paalis na sana ako nang makita kong may taong naka-upo pa rin sa upuan nila kahit alam nang may sunog. At katabi ko lang pala siya this whole time. Nakasuot siya ng flannel at mukhang malalim ang iniisip habang may pinagmamasdan sa labas.
"You aren't going?" tanong ko. Hindi na ako nagpalipas pa ng ilang segundo at kinalabit siya, natatakot ako na baka tulog mantika siya at hindi narinig ang ingay.
Lumingon na rin siya saakin, finally. I was slightly taken aback when I saw someone familiar. As if I've seen them somewhere. Oh yeah, definitely, I've seen him on the website. He's one of the few that stood out. I get to finally see what he looks like. But in the wrong time. He had a smaller nose on the picture, but he had longer and pointier nose in person. However, he still has that fox eye that captivates you. However, it gave the impression of a detached vibe. I almost fell for it that I almost forgot about the fire.
"あなたは行かない?(Anata wa ikanai?)"
He's Japanese, right? My father used to teach me Nihongo. Wala siyang sinabi saakin at kinuha lang ang gamit niya at umalis. Linagpasan pa niya ako na para akong multo. Sinundan ko siya ng tingin habang pinapatay ko na siya sa isip ko.
Nakita ko siyang naglalakad lang habang bitbit niya ang bag niya gamit ang kaniyang balikat. Huh, what a gangster and a douche. Sa mga naipon kong inis mula kaninang pag-gising ko, nasabihan ko siya ng mga hindi magagandang salita.
"Ugh. Ang bastos talaga ng mga lalaki! Kala mo naman guwapo! Akala mo crush kita porque linapitan kita! Tangina mo ah! Laki ng ulo! Nag-aalala lang 'yung tao sa 'yo kasi baka bobo ka at hindi nakaka-intindi ng Ingles kaya nag-Hapon akong tangina ka!"
That's what I wish I said.
"Snobbers like you should go in hell." Even if I wish to say those awful things, I promised myself not to get in trouble again. I've already troubled my uncle enough.
Napatigil siya ro'n kaya hindi na ako nagsayang ng oras at kinuha ko na agad ang gamit ko para lagpasan siya. Hindi ko na inisip pa ang kung anong magiging reaksyon niya ro'n dahil alam ko namang kunot na noo ang ibibigay niya saakin.
Isang hakbang nalang ay makakababa na ako nang may kung ano ang nabato sa loob ng kuwartong 'to mula sa labas. The door slammed shut. The lock clicked.
"Shit." sabay naming mura.
May lata sa sahig, umiikot pa. Sa una, aakalain mong lata lang 'to na panlaro ng tumbang preso, or with its purpose, lagayan ng canned goods. Sa kasamaang palad, wala ito sa nabanggit. Bigla itong naglabas ng usok—puti, makapal, nakakabulag.
Nagsimula akong umubo sunod-sunod nang maamoy ko na mula rito ang nasusunog na goma. Mainit sa pakiramdam. Kumakapit agad sa lalamunan. Tinakpan ko agad ang ilong at bibig ko pero wala ring bisa. Ang bawat hinga ko, parang may buhangin na dumadaan sa lalamunan.
Kumapit ako sa kwelyo nung hapon bilang flight response kahit ayaw ko, dahil baka magkahihwalay kami. Wala na rin kasi akong masiyadong makita sa usok. Ambilis nitong mag-spread. Inilipat naman niya ang hawak ko sa bag niya, mas matibay na kapit.
"Move with me!" sigaw niya, pero halos hindi ko marinig dahil sa hingal at ubo ko. I know he tried reaching for the door, my footsteps carefully follow his.
Mata ko'y nahapdi. Pinili ko nalang na hindi buksan ang mata ko sa mga oras na 'to para maiwasan ang pagluha. Nagpapalala lalo ang init-init ng hangin na pumapasok.
Sa bawat hakbang namin, parang bigat ng katawan ko nadodoble.
Hindi ko na kaya. Nanghihina ako. Ang kamay ko'y dahan-dahang kumakalas sa bag niya.
Sa aking pagbagsak ay sumabay ang kasama kong umaalalay sa akin.
Bago tuluyang magsara ang paningin ko, may gumuhit na silweta sa labas ng bintana ng classroom—mahaba, matikas, at hindi pamilyar. Hindi siya nagmamadali. Para bang nanonood lang.
Tumigil siya roon, hindi tinatablan ng usok na para bang hindi siya totoo. At kahit lumalabo na ang paningin ko, ramdam kong sa akin siya nakatingin.
+ TO BE CONTINUED
ANDA SEDANG MEMBACA
RELOAD
Misteri / ThrillerA fire occured in Courage's first day of school in Creighton University, not knowing what havoc brings her after she wakes up in an oddly familliar place that brought forgotten memories of her traumatic childhood. Now that they're inside the buildin...
Chapter 01: First & Last Class
Mula dari awal
