PROLOGUE

1.8K 30 20
                                        

Ash' P.O.V

"Nasa'n ako? Bakit ang engrande sobra ng gusaling  ito? At saka bakit ako lang ang tao rito? Hotel ba 'to?" tanong ko sa aking sarili nang malaman ko kung nasa'n ako.Nasa loob ako ng gubat. Tama, gubat kung saan may tanging hotel sa gitna at walang tao,kundi ako lang.

Nakakatakot?hindi naman,curious nga ako eh.Ang cool lang isipin, na sa gitna ng kagubatan,mayroong hotel.May nag-i-stay kaya rito? Para kasi siyang tago at mahirap mapuntahan.

Rinig na rinig ko ang ingay ng mga kuliglig. Nakita ko ang aking sarili sa salamin ng sliding door.

Walang nagbago,pogi pa rin. ^_^

Binuksan ko ang door,saka pumasok. Na-amaze ako nang makita ang loob nito.puno ng naglalakihang chandelier buong kisame at naka-tiles pati ang ding-ding.

A very luxurious hotel in the middle of nowhere....amazing!

Minasdan ko ang paligid at nag-lakad-lakad. Sandali akong natigilan nang may makita akong karatula,hindi ko mabasa ang nakasulat kaya lumapit ako.

"Beach area? Amazing!" tanong ko sa sarili ko nang may makita post-sign na this way,Beach Area.

Nandito na ko sa may Beach Area,maraming  cottages at pinong-pino ang kanilang mga buhangin.

Pero sandali lang...bakit parang hindi mainit,kahit sikat na sikat ang araw?Nakapagtataka..para siyang setting sa isang movie,parang artificial lang ang lahat.

Agad akong umalis sa beach area at may nakita naman akong karatula kung saan nakalagay ang Green House.

Pagpasok ko hindi ko maamoy ang sariwang hangin,na dapat ay nagmumula sa mga halaman.Saka,bakit parang walang movement na nangyayari? Matigas ang lahat...parang artificial na naman,gaya kanina. T_T

Paglabas ko,napansin ko ang isang malaking dining area.Lumapit ako at saka nakita ang samut-saring putahe. Wow chibogs.Tignan ko nga kung hindi artificial,baka ma-epic fail na naman ako.‘︿’

Napansin kong ground floor lang itong mala-hotel na gusali na aking ginagalawan.Sa pinaka dulo,mayroong tangi at nag-iisang kwarto.

Pupunta sana ako doon sa pinto ng kwarto nang may bigla akong nakitang mag-ina.

The mother is full of joy and it is easy to figure out with her own eyes I can see the relief because she is with her child,while the kid is full of exitement. I obviously see it. I don't know why.

Unti-unti silang papalapit sa 'kin,hanggang sa makalampas.Tinalikod ko ang mag-ina para malaman kung 'san ito pupunta.

Laking-gulat ko nang may makita akong dugo sa kanilang likod.Tila tuyo na ang mga ito.'Di ba nila alam na may dugo sila sa likod?

Lumapit ako sa kanila at tinapik ang braso ng ina.Naroon pa rin ang galak sa kaniyang mga mata,ganoon din sa anak niyang lalaki.

"excuse me po,mayroon po kayong dugo sa inyong likuran ma'am.Gusto niyo bang dalhin ko kayo sa ospital" alok ko.

"walang ospital dito,hijo" sagot niya.

"alam ko po,hotel po 'to eh,kaya lalabas po tayo,dadalhin kita sa ospital at nang magamot na ang sugat ninyong mag-ina" sabi ko.

"pupunta kami ng play ground,hijo at saka hindi kana makakalabas pa sa lugar na ito,tanggapin mo na lang ang masaklap mong kapalaran, hijo." sabi niya,saka tinuro ang daan papuntang play ground.

Tsk...duguan na,tapos makukuha pang maglaro? Lupet mo mother!!

"ma'am,I insist,please.This is for the sake of  your child." pag-pu-pumilit ko.

AGAINWhere stories live. Discover now