Chapter 2:

671 22 8
                                    


Mikko's PoV.

"So,kumusta ang pagiging CEO ng isang malaking clothing line?"tanong sakin ni Sariel habang Nagdidinner Kami.

"Tss,Basic."Mayabang kong sagot.

"Kahit kelan ka talaga mikkolai,mayabang pa rin."iling iling niyang sabi.

"Kamusta sa Paris?"tanong ko naman sa kanya.

"Well, I meet a lot of people,some of them become my friends and my suitors."

"Wow! So that means may boyfriend kana?"

"Actually,wala kasi naiwan ko yung puso ko dito sa pilipinas."sagot niya habang nakatingin sakin.

"Sariel, di ba nag usap na tayo...."

"Oo, pero mikko mahal pa rin kita kahit saan mang sulok ako ng mundo magpunta ikaw pa rin ang mahal ko,ni minsan hindi ko nagawang ibigay ang atensiyon ko sa ibang lalaki kasi mahal kita, mahal na mahal."

"Mahal ko si fire--"

"Mikko!? Si fire pa rin ba? Patay na siya! Matagal na siyang patay! Limang taon na! Don't tell me your not still over her!?"

"She's not dead!"nag-pipigil kong sagot sa kanya.

"She is! Kung buhay siya mikko bakit hindi siya nag papakita sayo? Limang taon na siyang wala! Bakit ba hindi ka pa rin naniniwalang patay na siya!? Sinasampal na nga sayo yung katotohang patay na siya pero ikaw pinagpipilitan mo paring buhay si fire! Damn that bitch!"

"Shut up! Don't you ever try to call my baby princess a bitch! Because you are the bitch here!"singhal ko sa kanya.

"How dare you!?"

"Excuse me, I'm done eating."

Naglapag lang ako ng lilibohin sa taas ng mesa bago lumabas ng restaurant.

"SIR MIKKO,nandito po si Ms.Sariel."sabi ng secretary kong si Ella.

Ano naman ang ginagawa ng babaeng yun dito?

"Sige papasukin mo."

Ilang saglit pa ay pumasok si Sariel at may dalang box ng cake at pizza.

"Hi mikko!"bati niya sakin na parang wala nangyare kagabi sa restaurant.

"What are you doing here?"

"Grabe ganyan talaga yung bungad mo sakin wala bang hello,Sariel! Nakauwi kaba ng safe kagabi? You are so gentledog talaga."

"Busy ako Sariel,wala akong oras para makipaglokohan sayo."seryoso kong sagot.

"Ahmm, about last night, I'm sorry,napaka insensitive ko talaga, I'm so childish Hindi ko naisip yung mararamdaman mo, I'm really sorry, would you forgive me?"

"Buti alam mo."

"So ano? Papatawarin mo na ba ako? Haler  nangangalay na ko dito,ang bigat ng mga bitbit ko."

"Oo na" nilapitan ko siya at kinuha sa kanya yung mga bitbit niya.

Pepperoni na pizza at Black forest na cake ang dala niya.

Pwede nang merienda.

Habang kumakain ako ng cake nagtanong si Sariel sakin.

"Mikko, kaya mo ba kong mahalin?"tanong Niya.

"I don't know."

"Would you give me a chance to love you? Kahit iparamdam ko Lang Sayo,Baka kasi mahalin mo rin ako pag iparamdam ko sayo yung pagmamahal ko ehh."

"Sariel,ayokong saktan ka."

"Sinaktan mo na nga ako ehh."

"Sariel,si fire pa rin yung mahal ko."

"Mikko, wala na si fire, kung si fire din ang papapiliin gugustuhin pa rin niyang mag mahal ka ng iba,kasi hindi na niya maipaparamdam ang pagmamahal niya sayo,dahil wala na siya sa tabi mo. Mikko,wag mo namang isarado ang puso mo,kalimutan mo na si fire,nagsasayang ka lang ng panahon."

Sa mga sinabi niya dapat ba ako maniwala?

Halos lahat ng tao ganon din ang sinasabi sakin.

Kakalimutan na ba kita baby princess?

Magmamahal na ba ako ng iba?

Parang ang hirap naman nun?

Di ko kaya.

My phone rang.

I answer it.

"Hello,my?"

"James,pumunta ka sa office ng daddy mo now na."sabi sakin ni mommy.

"Ok."

I ended the call.

"Anong sabi ni tita?"tanong sakin ni sariel.

"Pumunta lang daw ako sa office ni dad."

Pagdating namin sa opisina niya nakita ko sila bayaw doon.

"Anong meron?"tanong ko.

"May sasabihin daw daddy mo tungkol sa case ni fire."sagot ni sky.

Napahigpit ang hawak ni Sariel sa braso ko.

"Tara sa loob." Pagpasok namin naabutan namin si daddy na may binabasang papel.

"Daddy."bati ko sa kanya.

"Oh bunso, upo kayo."ngitian niya ako

"Anong meron dad?"

Biglang sumeryoso yung itsura niya.

"I'm sorry to say this anak pero, wala na talaga si fire."

"What!?"

"Sa isang Isla sa mindoro,nakita ang katawan niya malapit sa dalampasigan,walang buhay at inaagnas na."

"Paano mo nasabing siya yun tito?" Tanong ni sun.

May nilabas siyang picture at ilang gamit.

"This is the evidence."

Ayoko pa sanang maniwala pero sa mga gamit na nakikita ko..

Yung singsing na binigay ko kay fire ako napatulala.

I gave it to her.

This is my promise to her.

Tapos na ba?

Hanggang dito nalang na baby princess?

A warm hug enveloped me.

I look at the person who's hugging me.

"Sariel..."

"Just Cry Mikko, I'm here."she hug me tighter.

Itutuloy...

A/N:

So ayun payag ba kayo sa #TeamMikSar.

Comment kayo sa baba and don't forget to vote.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 19 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Weak Boss. (Book 2 Of ITCBP)Where stories live. Discover now