IJLA 24 - Strawberry Craze

33.2K 1K 101
                                    

"Hans, look!"

Hans stopped, turned around and walked back to her. Ngiting-ngiti ni Iya'ng itinuro ang Hello Kitty cake na nakadisplay sa bintana ng isang pastry shop.

"Hello Kitty na naman? Baka maging kamukha na nyan ang baby natin ha," naiiling nitong sabi.

"Okay lang. Cute naman si Hello Kitty!"

He grimaced.

Umangkla siya sa braso ng asawa at hinila ito papasok ng shop. They were greeted by the smell of freshly baked bread. Bumati sa kanila ang may-ari ng store na nasa likuran ng counter. Agad namang itinuro ni Iya ang cake na nakadisplay.

"Magkano po 'yong Hello Kitty cake?"

"Murang-mura lang, ma'am. Three hundred seventy-five."

She nudged at Hans. "O, mura lang pala e. Ibili mo na 'ko."

Bumuntong-hininga ito. "Ang weird mong mag-crave."

"I'm not craving. Gusto ko lang talaga."

Anything Hello Kitty sparks her interest. Noong isang araw lang, nakakita siya ng isang pares ng mamahaling hikaw. Yari sa dyamante ang mga iyon. Gusto man niyang ipabili iyon sa asawa, she knew it was too much.

When Hans asked her if she wanted it, nagkibit-balikat na lamang siya saka hinila ito palayo bago pa niya maisipang magpabili.

The next morning, nang dumaan siya sa store ay wala na ang nasabing hikaw. Nang magtanong siya ay nalaman niyang may nakabili na pala. Hanggang gabi ay malungkot siya dahil doon. But then, she was surprised to find the earrings on the bedside table.

There was a note underneath the box that says, 'I know how much you want it. It's yours now. I love you. -Hans'

He knew it was a silly obsession. She's too old for it. Pero kinukunsinte pa rin siya nito.

"Fine. Pero sa birthday mo, huwag namang Hello Kitty ha."

Sinimangutan niya ang asawa. Matagal na niyang planong gawing Hello Kitty ang theme para sa birthday niya. From the decorations down to the cake, it will reek of pink and cuteness.

"Iya, aren't you too old for that?"

"Iiyak ako kapag di mo 'ko pinagbigyan," banta niya.

Hans groaned. "Alright. Sige, panalo ka na."

They bought the cake and took it home. She was so touched because Hans was willing to put her happiness first. Kaya naman nang makauwi sila sa bahay ay naisipan niyang suklian ang kabaitan nito sa kanya.

Yumakap siya rito pagkatapos nilang kumain ng cake. She smiled sweetly at him.

"You're in for a treat, mister."

His eyes glistened. "I am?"

"Uh-huh. I'll do whatever you want," sabi niya sa malambing na tono.

Hans held her waist. "Anything?"

"Anything."

Nag-isip ito saglit. At saka yumuko para ibulong sa kanya ang gusto nitong mangyari. She was ready for anything... except that. Clearly, he has a different interpretation of her statement.

"I want you to patch things up with your brother," he told her.

Bahagya niya itong itinulak. "What?"

"Gusto kong magkaayos na kayo ng kapatid mo, Iya."

"Hans, I was talking about sex."

He sighed. "I know."

I Just Loved AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon