Episode 1

9.9K 261 5
                                    

Namumutla na sa sobrang pagod si Reden,ang kaibigan namang si Caloy ay iniihit na ng ubo sa pagtakbo ng mabilis.. "Hah...hah...hah..."ang habol na paghinga ng magkaibigan. Ang dalawa pa nilang kasama ay kumaripas pa ng takbo kaya naiwanan na sila.. "Dito!,dito Caloy",pabulong na tawag ni Reden sa kasama. Tumingin si Caloy kay Reden,inaaya siya nitong pumasok sa loob ng malaking drum na nakatumba sa may basurahan. Nagmamadali siyang sumuot doon,nakadapa ang dalawa. Humila pa ng ilang plastik na may lamang basura si Reden para di sila mapansin sa pinagtataguan. Shh...sumenyas din ito na wag siyang maingay,pano kasi ay baka maubo na naman siya. Tinakpan ni Caloy ang bibig. Halos hindi humihinga ang dalawang bata ng huminto sa tapat ng pinagtataguan nila ang pangkat ni Digoy. Ito ang nagsi-siga sigaan sa lugar nila.Nakita nilang lumilinga-linga pa ito."Hayun sila boss!", ang sigaw ni Balong, ang kanang kamay ni Digoy. Parehong pumikit ang magkaibigan at hinintay na lang ang susunod na mangyayari. Matagal-tagal na sila sa ganoong ayos ay wala pa ang tadyak at suntok na inaantay nila. Halos magkasabay pa silang dumilat at nagkatinginan ang dalawa. WALA..!, wala ang pangkat ni Digoy. Dahan-dahang umusod si Reden palabas ng drum at inilawit ang ulo. Nakita nitong hinahabol nila Digoy ang dalawa pa nilang kasama sa pagtakbo kanina. Nang makasigurong malayo na ang mga ito ay umuna na itong lumabas. Kasunod na rin nyang lumabas si Carlo..

Si Reden ay anak ng isang hostes sa isang club. At dahil ang tingin ng kanyang ina dito ay istorbo lang, kung kani-kanino lang ito iniiwan kahit sanggol pa lang. Ilang ulit ng sinubukan ng kanyang ina na ipalalag sya pero nabuo pa rin siya. Kaya ayun,isinilang nga siya. Hindi na nga kilala kung sino ang ama,inabandona pa ng ina.

Si Caloy ay ulilang lubos, namatay ang mga magulang nito at mga kapatid ng masunog o sadyang sinunog ang karamihan ng bahay sa squatters area sa lugar nila. Taga probinsya ang mga magulang nito kaya hindi nya alam kung saan at sino ang pupuntahan. Nagpalakad lakad ito at kung saang bangketa abutan ng dilim ay doon na rin ito matutulog, hanggang sa magtagpo ang landas nila ni Reden.

MKNA1-  Ang WriterWhere stories live. Discover now