Prologue

1.6K 38 4
                                    

 Nasa harap ako ngayon ng isang classroom kung san sabi ng isa sa mga kaklase ni Thunder na andito daw sila ng mga kaibigan nya. Miss ko na kasi ang kulog na yun. At tsaka may importante pa akong sasabihin sa kanya. I put my right hand in my still not showing baby bump.


Humugot ako ng hininga. Inhale-exhale. This is it!  


"Oh ikaw naman, Thunder? Himala talaga't nagtagal kayo ni Elena?", i stopped mid-air ng bigla kong narinig yun. Tingin ko yung kaibigan nya yung laging parang may galit sakin. And i don't know why. Mas lalo akong nabigla sa idinugtong nito. 


"...di ba ang pinag-uusapan nating pustahan ay paibigin mo at kunin mo yung pinag-iingatan nya, and if you succeed of course! hello 150,000 ka na from us! Aba't parang mahal na mahal ka pa nga nun ah! Good job bro! Ikaw ha baka mahal mo na din? Akalain mo nka-ilang buwan na kayo. Bravo! ", rinig na rinig ng dalawa kong tenga ang sinabi ni Luke; his friend. But Thunder didn't answered him. Hindi ko maipaliwang kung ano ang nararamdaman ko sa narinig. Is that the reason why na parang hindi ako super welcome sa grupo nya? O baka may iba pang rason? Totoo ba talaga ang naririnig ko o baka naghahalusinasyon lang ako? I hope that was just a hallucination. Ba't ang sakit? Because you love him. What if all we had is really just a game - a bet?


Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko habang nasa tiyan ko ang kaliwang kamay ko. It's like i'm protecting my baby from this greatest nightmare.


"Oh ano? Makipag-break ka na dun! Siguro na din naman nakuha mo na yung virginity nya. Palakpakan na talaga kita bro! Hello 150,000 ka na oh!", ngayon ay tumawa na yung mga kaibigan nya pero tantiya ko dalawa lang sila ang tawa ng tawa. How about Blaze? I'm sure Thunder didn't join their laughter.


Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko na parang anytime matutumba na ako. Para akong binagsakan ng langit at lupa  sa narinig ko.


Ako? Pustahan lang? Anong kasalanan ko't ginawa nila ito sakin? Anong kasalanan ko't nagawa nya akong lokohin at pagmukhaing tanga?


"Makipag-break ka na sa kanya Thunder! For Pete's sake! Sabi ko na kasing wag ng ituloy tong pustahang ito eh! Alam kong alam mong may fiancee ka na Thunder di ba? Tinuloy mo parin 'to! Kung pera ang hinahabol mo e di ka naman naghihirap ah! Gusto mong makaabot pa 'to kay Veronica 'tong kalokohang 'to?", that's Blaze. Halata sa boses nito ang iritasyon o galit.


Veronica? His f-fiancee?


Napatutop ako sa bibig ko kaya nabitawan ko yung dala kong libro sa kanang kamay ko. Agad akong tumalikod para umalis but i can't form any steps. Parang nakapako yung mga paa ko.

 

"What's that? I think someone's here", sabi ng kaibigan nyang si Ervin.


Narinig kong may mga yabag na papunta kung san ako nakatayo. Todo parin sa pagtulo yung luha ko. Di ko na alam kung anong gagawin. It hurt so much! It's like my heart cuts into pieces or i think it was smashed or anything that explains worst.


Naramdaman ko na lang na may humawak sa may braso ko't pinaharap ako. At yun na, mas lalo akong naiiyak at mas lalong sumisikip ang dibdib ko nang tignan ko ang mukha nang minsan ng naging bahagi ng mundo ko. Is there will be a cure to this wound he gave to me?

His Game (His Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon