KABANATA 2

1.5K 42 17
                                    

Kabanata 2

MAG-IISANG buwan na nung umalis si papa sa bahay namin. Ilang araw nalang at graduation ko na.

Pagkatpos nang pangyayaring iyon', ni-minsan ay hindi na ako kinausap ni Yanyan at kahit pa ni Iking. Aaminin ko, na mayroon akong kunting tampo para sa kanilang dalawa. Unang una, hindi ko naman alam na iyong' bagay na iyun' pala ang pinagaawayan nial mama at papa, na nauwi rin' sa hiwalayan nilang dalawa.

Hindi ko naman kasalanan ang nangyari hindi ba? Bakit parang pakiramda ko, lahat sila sa akin' isinisisi ang pagkakamaling nagawa ni mama at ni Ivy. Hindi ko lang mapigilang tanungin ang sarili sa tuwing mag iisa lang ako. Kasalanan ko ba na tinulungan ni mama si Ivy para sa maling pagmamahalan ng dalawa? Ako ba ang nangunsinti?

Ako ba ang nagsabi na ipagpatuloy nila iyon'? Hindi. Ngunit bakit sa akin ang bagsak ng hinanakit nila? Bakit? Ganun na ba kadaling sisihin ako sa mga bagay na hindi ako ang may kasalanan?

Napailing ako sa mga naiisip ko. Nakakalungkot lang na isipin, na nawalan ako ng mga kaibigan sa dahil sa ginawa ni mama. Naiingit ako sa bagong kaibigan ni Yanyan.

Ang swerte niya naman at kaibigan siya ni Yanyan.

Nakita kong may bagong kaibigan na siya', gustuhin ko mang' sumbatan siya ngunit nanatili na lang akong tahimik.

Sa tuwing nag kakasalubong kami iniiwasan niya ako na para bang wala kaming pinagsamahan dalawa. Akala ko ba bestfriend kami? O baka naman ako lang ang nag aakala? Si Iking naman kung makaiwas sa akin daig ko pang may nakakahawang sakit. Kung medyo mailap siya sa akin' dati, masasabi kong mas' mailap siya ngayon.

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa galing sa dalawa kung mata. Tumayo ako at tahimik na naglalakad papasok sa loob ng classroom ko. Tamang tama lang ang dating ko ng pumasok ang teacher namin sa Filipino.

Kahit paano e, mabawasan ang oras para isipin ko ang mga bagay na sakin' nagpapahirap, dahil lang kamalian ng ina ko.

"Okay class, mag si-upo na kayo. May sasabihin lang ako tungkol sa last project na performance ninyo'. Bubuo kayo ng dalawa hanggang tatlo katao sa isang group. Kayo mismo ang pipili ng magiging ka-group niyo. Since lahat naman siguro kayo ay may mga bestfriend, kakilala o kaibiga,siguro naman ay may naisip na kayong tao na magiging ka-group niyo ngayon.
Pag nakapili na kayo, dun' ko sasabihin kung ano ang gagawin. Bibigyan ko kayo ng limang minuto." sabi ni maam Ella.

Pagkatapos mag salita ni Maam Ella ay nag kanya kanya na ang mga kaklase ko sa paglapit sa mga kaibigan nila. Nakita kong nakatingin si Yanyan sa akin pero nag iwas din' agad.

Gustong gusto ko siyang' lapitan at ayain na kami na lang dalwa ang magbuo ng group, kaya lang e, natatakot ako na baka e-reject niya ulit ako katulad noon'g isang linggo. Napahiya pa ako roon'. Pero ayos lang din' naman sa akin kung ako na lang mag isa. Siguro kaya ko naman. Kung hindi, kakayanin ko na lang.

Wala naman sigurong gustong makasama ako sa isang group kaya mag so-solo nalang ako. Simula noon'g umalis si papa, nasanay na rin' naman akon'g mag-isa na lang. kaya hindi na masyadong big deal
Iyun' sa akin.

Nakita kong mayroon ng ka-group  si Yanyan. Aaminin kong naiingit ako sa kanila, kasi dapat kami ni Yanyan yun e. Ako dapat ang kasama niya sa group. Pero, ano nga bang magagawa ko? Wala na eh. Meron na siyang bagong kaibigan. Si tatay nga nagawa kami o akong iwan, si Yanyan pa kaya na hindi ko sigurado kung tinuring ba talaga akon'g best friend o kaibigan man' lang.

MAGINOO na MANYAK(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon