Naging madali sa akin ang lahat sa mga sumunod na araw kahit na sobrang busy na sa photo shoots at kung ano-ano pa lalo na't maglalabas pala sila ng new clothes so rarampa na naman sa runway. Kaizen is always with me dahil tinitext ko rin siyang papuntahin sa bawat shoots ko at halos hindi humupa-hupa ang trending na si Kaizen mismo ang nakakagawa. Ilang araw na kaming trending lagi at na-feature na rin kaming dalawa sa isang balita.

"Ang isang modelo na anak ng nagretirong si Lucille Rocales at ang kapatid ng isa sa mga sikat na aktres ngayon na si Kaedy ay pinapasabog ang social media dahil sa kanyang boyfriend na nagngangalang Kaizen. Nagviral ang video ni Keyla nang inanunsyo niya pagkatapos niyang malink sa ka loveteam ni Kaedy na si Raiden Chavez na may boyfriend ito at hinalikan ito sa harap ng mga reporters! Heto at panoorin natin..."

Nagplay agad iyong viral video ko kung saan ko inanunsyo ko na boyfriend ko nga si Kaizen at hinalikan ko pa talaga ito.

"Pagkatapos ng viral video ng modelong si Keyla ay nagkagulo na ang mga netizens sa social media dahil sa kanilang chemistry. Sunod-sunod na ang pag trending ng dalawa sa twitter at isa ngayon sa hottest loveteam." Ngumiti pa iyong showbiz reporter.

Pinakita sa screen ang mga upload photos ko sa IG na palaging trending lalo na ang mga solo pictures ni Kaizen na pinupuri talaga ang kaguwapuhan pati na iyong mga #KeyZen.

"Ngayon ay ang malaking tanong ng mga netizens ay kung papasukin ba ni Kaizen ang mundo ng showbiz o mananatili lang bilang supportive boyfriend sa girlfriend niyang modelo. Pero ang sigaw ngayon ng mga nababaliw sa loveteam nila ay 'Sana lahat may Kaizen' at 'How to be you, Keyla?'"

Napapalakpak si Cholo sa aking tabi na kasama kong pinanood iyong balita sa youtube. Million views agad iyon at trending pa na nasa ikatatlong spot.

"See? Ito ang sinasabi ko sa'yo Keyla... If you keep Kaizen on your side, fame will follow you!" si Cholo na malawak na ang ngisi.

Nagkibit ako ng ngumisi. I am enjoying the fame... The popularity and our loveteam. Baka pag nagshowbiz ako ay matakpan namin ni Kaizen ang loveteam ni Kaedy at Raiden. But acting is really not my taste. Kontento na ako sa pagmomodel.

Kaizen isn't active on his social media kaya mas dumarami ang followers ko dahil ako lamang ang nag-uupdate tungkol kay Kaizen. I already reach 200k followers on IG dahil sa kanya. Ang puro bukambibig ng mga fans ay more pictures pa at videos naming dalawa ni Kaizen. Sa isang araw isang beses lang rin naman ako magpost kaya mas lalo silang nabibitin at naghahangad pa ng marami.

Naging busy si Kaizen sa school lalo na't malapit na ang kanilang graduation kaya hindi ko na rin muna pinapapunta sa mga photo shoots ko. Tuwing gabi ay nagtetext naman kami at may mga araw rin namang nagkikita kami dahil kailangan ko ring mag-upload ng pictures naming dalawa to feed our supporters.

Busy ako sa panonood ng mga fashion show sa youtube nang magbeep ang aking cellphone. Nakasandal lamang ako sa beadboard ng aking kama habang nasa lap naman ang laptop at sa gilid ay isang bowl ng cookies. Cholo will kill me for this pero may boxing naman ako bukas for my workout so whatever.

Kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan ang screen noon.

Kaizen:

May gagawin ka bukas? Photo shoot mo?

Nagtipa ako.

Ako:

Wala but we're going to meet someone. May panibagong offer ata sabi ni Cholo at may workout ako early in the morning and I have a guesting tomorrow. Iyong morning cooking show ni Angelica Garcia.

Ito ang first time kong magkaka guesting sa TV. And I think I'm going to have another new endorsement, too. Ang rami-rami nang products ang nag-ooffer sa akin ngayon na iendorse ko at magiging sponsor ko sila sa bawat projects ko. I'm sure rarami pa ang guesting ko sa susunod na mga araw. Ewan ko kung ano nang pinaggagawa ni Cholo sa bawat sched ko lalo na't kinukuha niya rin talaga lahat ng magagandang offer sa akin.

L A T C H E D (NGS #4 Ineryss' Version)Where stories live. Discover now