Chapter 7

12 0 0
                                    

Napamulat sya sa alarm ng cellphone nya. Bumangon sya at tiningnan ang oras, 5am. Nag-inat sya at pumunta sa C.R. Naghilamos at lumabas ng kwarto. Napansin nyang may nakadikit sa pintuan ng kwarto nya, "Don't disturb. I'm the only person to disturb her.", napangiti sya, para talagang bata pero nalungkot sya bigla nang madaanan nya ang kwarto nito, gusto nya itong tingnan kaya lang baka magising ito. Napalunok sya, dire-diresto syang bumaba ng hagdan at lumabas ng pinto. Wala pang masyadong liwanag kaya't inikot nya muna ang garden ng bahay. Natutuwa syang makita ang mga halaman, ang gaganda.

"Magaganda ba iha ang mga bulaklak?" nabigla sya at nilingon ang mama ni Stain.

"Magandang umaga po, Ma'am." ngumiti sya rito.

Ngumiti ito, "Pasensya na kung nagulat kita, ganito talaga din ako gumising. Hindi mo pa rin ako matawag na tita." napapailing ito. "Alam ko, siguro nabibilisan ka sa mga pangyayari sa inyo ni Stain. Pasensya na sa anak ko, alam mo ba, ikaw ang kauna unahang dinala nya rito sa bahay namin." ngumiti ito. "Pag may gusto ang anak ko, talagang paghihirapan nyang mabuti. Aaraw arawin nya iyon, gagawan nya ng aksyon. Maganda sanang ugali iyon ni Stain, kaya lang, oras na makuha nya iyon, ayaw na ayaw na niya iyon pakawalan."

mahabang pagkukuwento nito habang tinatanggal ang mga tuyong dahon sa halaman nito.

"Napansin ko nga po iyon sa kanya. At kung ang isang bagay na iyon ay mawawala sa kanya eh hindi nya makontrol ang damdamin nya. Kung hindi mananakit, talagang hindi nya bibitawan."

Ngumiti ito ng malungkot, "Siguro, naspoil namin sya pero minsan naman eh kahit gusto nya pero kung para talaga sa iba, iniiwan nya na. Iha, mahal mo ba ang anak namin?" bigla nitong tanung.

Hindi nya alam ang isasagot, "Sabi nyo nga po, nakapabilis ng nangyayari kaya po di ko alam ang isasagot ko. Ang totoo lang po,masaya ako sa anak nyo."

"Salamat iha. Halika nga rito." lumapit sya at biglang niyakap sya nito. "Sige na, baka maabutan ka pa ni Stain. Gusto ko din makapag-isip ka."

Doon na sya umiyak. "Salamat din po Tita." gumanti sya ng yakap at nagpaalam. Ipinahatid sya nito kay manong. Iyak pa rin sya ng iyak.

"Andito na po tayo Ms. G" Nakita nyang nasa harapan na sya ng bhaus. "Salamat po manong." Bumaba na sya at pumasok sa bhaus. Tiningnan nya iyon, naalala nya ang mga kulitan nila ni Stain. Tumulo na ng tumulo ang kanyang luha kahit na nagliligpit sya ng gamit.

Sa bahay nila Stain...

Napadilat si Stain sa pagkakahiga, nag inat at bumangon. "Napasarap ata tulog ako.." masayang masaya pakiramdam nya ng lumabas ng kwarto. Pagkababa nya ng hagdan, tumuloy agad sya sa kusina, tulog pa siguro sila mama at papa, naisip nya. Natapos nya ang pagluluto ng wala pa rin syang makitang tao kahit isang katulong, alas syete y medya na ah. Lumabas sya ng bahay, nakita nyang nasa tabi ng swimming pool ang mga ito at nagkukuwentuhan, nakita sya ng kanyang papa.

"Oh iho, halika rito at kumain na." tawag nito.

Ngumiti sya sa mga ito.."Okay Pa. Tawagin ko lang si G." napansin nyang bigla itong mga natahimik. Kinabahan sya. Nagmadali syang pumasok sa bahay at pumunta ng kwarto ni G. Kinatok ang pinto at tinawag ito. "G, G, G", hinawakan nya ang seradura at bumukas iyon. Nakita nyang maayos na maayos na ang  kwarto nito. Nagpanic sya, lumabas ng kwarto nito at kinuha ang susi ng kotse sa kwarto nya. Pagbaba nya ng hagdan, nakasalubong nya ang mga magulang.

"Iho.." tawag sa kanya ng kanyang papa.

"Not now Pa.." hinawakan sya nito sa braso..

"Gusto munang mag isip ni G. Pabayaan mo muna sya."

"Bakit di nyo ko ginising? Hindi sya aalis kung nakausap ko sana sya!" madiin nyang sabi.

"Stain, hindi sa lahat ng bagay, OO ang lahat sa gusto mo." sermon sa kanya ng ina.

Hindi na nya napigilang lumuha, "Pupuntahan ko sya, alam nyo po, nakahanda na mga gamit nya, baka di ko sya maabutan. Patawad po." paalis na sya..

"Tandaan mo iho iyong laging sinasabi ko sa iyo, wag mong pilitin ang ayaw, ikaw lang ang masasaktan."

Dire-diretso sya sa pintuan at kinuha ang kanyang kotse. Pinaandar iyon ng mabilis. Kung anu ano na pumapasok sa utak nya, baka wala na si G sa bhaus nito at tumuloy na sa terminal ng bus. Hindi nya alam kung saan sya pupunta. Inuna nya ang bhaus.

Sa bhaus naman, di pa rin mapakali si G. Matagal lang syang nakaupo sa kama at tinitingnan ang mga maleta. Wala na ata syang iluluha, pagod na pagod na sya. Nang may marinig syang pagbukas ng gate..

"G, G, G!" Kinabahan sya, nakita nya si Stain na pilit binubuksan ang bintana at kinakalampag ang pinto. Tumayo sya at binuksan ang pinto. Nakita nya si Stain, titig na titig sa kanya habang humihingal. Ganun sila ng mga ilang minuto nang bigla syang yakapin nito ng mahigpit.

"G.." lumuhod ito bigla. Parang batang nakayakap sa kanyang mga binti. Nabigla sya, hindi nya alam na iyon ang gagawin ni Stain. "Stain, tumayo ka nga."

"G, akala ko iniwan muna ko." nakita nya itong lumuha. "Stain, please..tumayo ka na, dito na lang tayo sa loob mag usap." buti naman at sumunod ito sa kanya. Kaya lang ay lumuhod ito at inulit ang ginawa kanina.

"G, you make me smile, you make me calm and you make me feel to love again." Naiyak na rin sya at niyakap ang nakaluhod na si Stain. "Alam mo ba kung bakit andito pa rin ako sa bhaus? Kahit na pwedeng pwede na ko umalis kanina?" Kumalas sya at hinawakan ng dalawang kamay ang luhaan nitong pisngi.

"Kasi, kahit matanda ka sakin, kahit matangkad ka sa kin, para kang bata na di pwedeng iwanan eh. Lalo't na kasing gwapo mo pa. Hahaha. Ang hirap. Ipinadama mo din sakin kung paano mahalin na ni minsan di ko nadama sa iba pwera sa pamilya ko." Suminghot sya. "At alam mo ba, naisip ko na pag umalis ako, baka di ko na makita ang masayahin mong mukha. Natatakot ako na kung pagtagpuin man tayo ng tadhana, baka daanan mo lang ako na parang hangin. Stain, mahal na mahal kita."

Niyakap sya nito ng mahigpit. "G, mahal na mahal na mahal na mahal din kita. Please, wag munang uulitin ito. Mababaliw ako." Hinalikan sya nito ng malalim na nakapagpabigla sa kanya. Ngayon lang nya napatunayan na nakakaliyo ang isang halik. Natapos iyon na pareho silang hinihingal.

"G, let's get married?" Bigla nya itong binatukan. "Loko-loko!" Tumayo na sila na parehong nakangiti sa isa't isa. 

©CataleyaAster

---> Napakabilis ng mga pangyayari di ba? Wala man lang pakilala si Cataleya sa mga bida, ni apelyido di man lang nabigyan..hahahaha..pasensya na, mahina daw sya mga pangalan. Don't worry sa chapter na ito sila ipapakilala, medyo frustrated japanese sya kaya mag-aala mangga ang dating nito. xD xD Sana nagustuhan nyo. VOTEs and COMMENTs? Comments daw para alam ni Cataleya kung nagandahan, natuwa, naalibadbaran o nagsawa kayo. :D Thank you so much.   

Isang Linggong Pag-Ibig Version 2.0 to the nth powerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon