"Masaya ka ba?" Tanong sa akin ni Kai.

"Oo naman, sino ba naman ang hindi magiging masaya na kasama ko ngayon ang taong mahal ko." Sambit ko sa kanya habang hawak ang kamay niya. Parang napakaperfect naman ng lahat walang kumontra sa amin ng sabihin namin sa mga magulang namin. Mas madami pa nga ang natuwa lalo na ang international fans namin dahil doon sa trending photo namin ni Kai. Nakapasa din ako sa board exam, kaya mas naging perfect yung mga nangyayari. Pero kinakabahan ako kasi sobrang perfect, sobrang saya feeling ko parang may hindi tama, feeling ko may hindi magandang mangyayari. Baka ang sayang nararamdaman ko ngayon ay panandalian lang at maging kabaliktaran bukas o sa susunod na araw, na linggo, buwan at taon. Pero bakit ko ba iniisip ang bagay na iyon? Parang ang saya lang kasi then after nito kabaliktaran pala ang lahat lahat ng saya. Pwede ba Jane huwag mo ngang isipin 'yan. Galit na tutya ng isip ko.

.

.

.

Lumipas ang magkasunod na  linggo, masaya lang kami ni Kai. More projects and interviews all over the Philippines dahil sa mga awards na natanggap namin bilang couple of the new model. Mag iisang buwan na din kami ni Kai kaya mas naging exciting at ngayong araw iyon. Nandito ako ngayon sa bahay nina Kai, kinuntsaba ko ang Mommy niya at si Tita Andrea. Kasama ngayon ni Caren si Kai sa mall dahil kailangan ni Kai ng skirt na pula para sa isang linggo. May aatendan kasi kaming event kung saan ibibigay ang award niya, bilang best DJ ng Pilipinas. I am very  proud of her sa mga awards na natatanggap niya at ng RMF station, maging sa pagmomodeling naming dalawa.

"Jane, on the way na sina Caren. Handa na ba ang surprise mo?" Tanong sa akin ng Mommy ni Jane.

"Yes Mom." Mom na ang tawag ko sa kanya, mas maganda daw kasing pakinggan kaya pumayag na din ako. Makalipas ang ilang minuto narinig kong bumukas ang gate, napasilip ako sa bintana ng kuwarto ni Kai. Bitbit niya ang dalawang paper bag ng nakangiti, papasok na sana siya sa loob pero napatigil siya at kinuha ang cellphone sa bulsa niya. Tiningnan niya iyon at biglang nagbago ang timpla niya. Teka ano na naman ba ang nakita ni Kai? Pero ibinalik niya iyon sa bulsa niya at pumasok na ng bahay, nasa likuran niya si Caren na halatang excited.

"Mom, nakauwi na po ako." Rinig ko mula sa kuwarto ang boses niya. Kaya hinawakan ko na ang bulaklak at regalo na inihanda ko. Naglagay din ako ng design sa loob ng kanyang kuwarto.

"Anak magpalit ka nga ng damit tingnan mo amoy pawis ka na." napangiti na lang ako sa sinabi ng Mommy niya.

"Ako amoy pawis, e kagagaling lang namin sa mall." Pagdadahilan ni Kai.

"Magpalit ka na rin at may pupuntahan tayo."

"Saan naman po? Teka nagtext po ba sa inyo si Jane? Hanggang ngayon kasi ay hindi pa siya nagtetext. Kailangan ko po kasi siyang kausapin." Sabi na nga ba at mamimiss din ako ng babaeng ito. Para na akong tanga sa likod ng pinto ng kuwarto ni Kai, kanina pa ako napapangiti sa mga sinasabi niya.

"Hindi e, baka busy lang sa kanila tsaka malapit na ang alis niyo papuntang Bohol , diba sa Monday na iyon?"

"Ah baka nga po, sige aakyat lang po ako." Nang marinig ko iyon ay humanda na ako. Rinig kong pipihitin na niya ang doorknob, kaya inihanda ko na ang ngiti sa aking mga labi at ang bulaklak para sa kanya.

"Happy Monthsary!" Nagulat siya ng makita ako pagkabukas niya ng pinto, agad ko siyang niyakap at hinalikan sa labi. Iniabot ko sa kanya ang bulaklak at ang regalo.

"Kailangan kitang makausap." Nalito ako sa sinabi niya, agad niya akong hinila pababa ng kuwarto. Napatingin sina Tita Andrea at Mommy gayundin si Caren sa amin ni Kai. Pinasakay siya ako sa kotse at nagdrive siya, maya maya pa ay itinigil na niya ang sasakyan. Siguro may surprise din siya sa akin kaya dinala niya ako dito sa isang tahimik na lugar. Nandito kami sa isang lugar kung saan tanaw na tanaw ang papalubog na araw. Ang romantic naman ng napili niyang lugar, kaya nakangiti akong humarap sa kanya.

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now