Chapter 39: Still confused

480 13 0
                                    

Chapter 39: Still Confused

.

.

.

Kai's POV

"Before we announce the rank 1, we would like to thanks to everyone, from the participant, companies, staff, photographers, to the event organizer and also to our producer Mr. Miguel Sanchez." Hindi ko na natapos ang announcement dahil pinatawag na ako ni Miss Hikari.

Habang naglalakad paakyat ay hindi ko napansin ang mga reporters na nakapasok.                 "Miss Alejandro, what is your comment about the trending photo of you and Miss Ramirez?" Agad na tanong ng isang babaeng reporter.

"Do you think your company will be the rank 1?" 

"How can you do that in public?"

"Give us an advice how to have a self confidence."

"Do you have any relationship with Miss Ramirez?" Napalingon na lang ako sa lalaking nagtanong ng bagay na iyon. Halos dumugin na ako ng mga reporters, naramdaman kong may humila sa akin papalayo doon. Paglingon ko, si Ela lang pala.

Nang makalayo sa mga reporters ay napatigil sa paglalakad si Ela.                                                               "About the trending photo." Napatingin ako sa kanya ng banggitin niya iyon.

"Wala naman sigurong ibig sabihin ang ginawa mo, diba?" Seryoso niyang tanong, napahinga na lang ako ng malalim sa tanong niya. Hinawakan ko siya kamay sa mga oras na iyon.

"Oo naman, sadyang part lang yun ng concept namin. Tsaka di ko naman gagawin ang bagay na iyon kung hindi trabaho ang pinag uusapan." Nakangiti kong sagot, mukhang naghihinala siya na may something sa aming dalawa ni Jane.

"Hay salamat, kinabahan ako sayo e. Akala ko aagawin mo na sa akin si Jane." Nagulat ako sa sinabi niya, so ibig sabihin naghihinala talaga siya?

"Akala ko ikaw pa ang magiging karibal ko sa pagkuha ng loob ni Jane."

"Ano ka ba? Kahit kailan hindi ko magagawa sayo ang bagay na iyon. Tsaka diba gaya ng sinabi ko dadaan muna sa mga kamay ko kung sinuman ang magiging hadlang sa pakikipagbalikan mo kay Jane." Halos manikip ang dibdib ko dahil sa mga salitang binitawan ko. Ayaw kong mag away kami at ayaw ko ding makaharap ang Ela na kilalang kilala ko ang ugali when it comes to her relationship. One year ago, isang babae ang pinabaliw niya sa kanya. Then ako ang gumawa ng paraan para lubayan siya ng babaeng iyon. Ewan pero gusto ko siyang tulungan sa mga ganoong bagay.

"Sige babalik na ako sa event, see you." Pagkuway ay umalis na din si Ela. Nakapiking ngiti ako ng umalis si Ela. Ano ba ang gagawin ko? Nagiging  mas komplikado na ang lahat, simula ng  sundin ko ang mga tinututya ng isip ko sa akin. Masama ba ang kahit papaano ay maging masaya naman ako sa ginagawa ko?

Alam mo Kai, ganyan talaga. May mga bagay na gusto mong makuha pero magiging komplikado kapag sinimulan mong gawan ng paraan para makuha o mamithi ang bagay na iyon. Tutya ng isip ko. Hindi sa sinasabi kong sumuko ka na, ang sinasabi ko lahat ng bagay may problema ngunit may solusyon sa huli. Napabuntong hininga na lang ako sa mga tinututya ng isip ko habang naglalakad patungo sa room ni Miss Hikari.

.

.

.

.

Ela's POV

Kahit narinig ko mula kay Kai ang mga salitang iyon ay may kaba pa rin sa dibdib ko na siya ang dahilan kung bakit nag iba na ang pakikitungo sa akin ni Jane. Tandang tanda ko pa noong araw ng halikan ko si Jane sa coffee shop, sa pagtugon niya ay ramdam kong may puwang pa rin ako sa puso niya pero tila may bago sa kanya. O baka naman may pumalit na sa puso niya.

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now