Chapter 14: Can't Wait

651 16 0
                                    

Chapter 14: Can't Wait

.
.
.
.
.
.
.
.

Kai's POV

"Ahm, excuse me." Napatingin sa kinatatayuan ko si Jane ng pumasok ako sa office niya. Seryoso lang ang mga mata niya, na ayaw ipakita ang tumatakbo sa isip niya. Medyo busy dahil may tatlong folder na nakalagay sa ibabaw ng table niya.

"Tumawag sa akin si Ms. Hikari, sumama ka daw sa akin."

"Why?" Walang emosyon niyang tugon sa sinabi ko. Ibinalik niya ang atensyon sa monitor ng computer para ituloy ang kanyang ginagawa.

"Ahm naaalala mo naman siguro na may darating na bagong model."

"So?" Mataray niyang sambit, napalunok ako sa mga sandaling iyon. Bakit ba siya ganito? May ginawa ba akong hindi niya nagustuhan?

"Sasama ka naman diba?"

"What if I say no?"
Napatingin ako ng diretso sa kanyang kinauupuan, samantalang busy naman siya sa ginagawa niya. Hindi ko alam ang sunod na sasabihin dahil tila ba may galit siya sa akin.

"Umalis ka na kung wala ka nang ibang  sasabihin pa. Madami pa akong kailangang tapusin."
Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko.

Ano ba ang problema niya?

Hahakbang na sana ako palabas ng opisina ng may maalala ako.

"Hindi pala kita matuturuan mamaya." Wala pa rin siyang sagot kaya lumabas na lang ako.

"Bakit naman?!" Narinig kong sumigaw siya mula sa opisina ng makalabas ako. Pero hindi na ako nag abala pang pumasok muli.

.
.
.
.
.

Jane's POV

Alam kong narinig pa ni Kai ang sinabi ko, hinintay kong pumasok muli siya pero lumipas na ang minuto at wala pa ring Kai na humaharap sa akin. Napatayo ako sa swivel chair at agad na lumabas ng opisina.

"Si Kai?" Tanong ko kay Venisse na kausap ni Matt habang nagpeprepare para sa kanyang pagsalang.

"Nakaalis na, bakit?"

Napakamot ako sa batok ko ng marinig iyon mula kay Anton.
Hindi ba siya marunong makiramdam? Haist Kai, nakakainis ka!

Agad akong bumaba ng building na iyon. Lucky me dahil naabutan ko pa si Kai na nag aabang ng taxi. Lalapit na sana ako ng may tumigil na kotse sa kinatatayuan niya. May isang babaeng lumabas mula sa kotse na tila pamilyar sa akin, hindi ko kasi makita ng ayos ang mukha niya dahil nakaharang ang kulot at mahaba niyang buhok then nakasuot pa ng sunglasses.
Lumapit ito kay Kai at nakipagbeso pa, ginulo pa niya ang buhok ni Kai at sinabayan pa ng pagpisil sa matangos niyang ilong, hinawakan niya ang kamay ni Kai. Napatalikod naman ako ng lumingon si Kai sa loob ng building.

Ramdam kong nagsalubong ang kilay ko sa isa't-isa at tanging pagbuntong hininga lang ang nagawa ko ng marinig ang pagharurot ng kotseng iyon.

Sino siya? Parang pamilyar kasi ang babaeng iyon. At parang nagkita na kami before, hindi ko nga lang alam kung saan at kailan dahil di ko makita ng ayos ang mukha niya.

"Ma'am Jane may tawag po kayo." Napabaling ako ng tingin sa guard na malapit lang sa kinatatayuan ko. Seryoso ito na tila problema ang ibabalita sa akin.

.
.
.
.
.
.

Kai's POV

Hindi man lang ako nagawang habulin ako ni Jane, may problema nga siya sa akin. Ayaw niya nga lang sabihin.

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now