Part 2

8.1K 196 3
                                    

Author's Note:

PLEASE BE MINE (Precious Hearts Romances # 970)

Published by Precious Pages Corporation

Published by Precious Pages Corporation

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

*****

"ANO ba'ng in demand na course ngayon? Nursing or Computer Science? Pero ang sabi ni Dad, kung puwede raw ay related sa business para hindi ako mahirap turuan by the time na i-turn over sa akin ang business niya," nakatitig sa kisameng wika ni Alodia.

"Ano ka ba naman, Alodia? Hanggang ngayon ba naman ay hindi ka pa rin decided kung anong course ang kukunin mo? Enrollment na sa Lunes," nagbubusang wika ni Jullie, ang best friend niya, na umiikot pa ang itim ng mga mata nito. Nasa tagiliran ito ng malaking kama niya at nakahalukipkip na nakatunghay sa kanyang pagkakahiga.

"Ano pa ba naman ang dapat kong ipag-alala?" Tumagilid siya paharap sa kaibigan. "Kung hindi man ako mag-enjoy sa course na kukunin ko, eh, di mag-si-shift ako sa ibang course sa susunod na sem. Problema ba iyon?" Tumaas ang isa niyang kilay.

"Hay, naku! Katuwiran ng mga mayayaman. Palibhasa'y hindi nanghihinayang sa pera. Diyan ka na nga, Alodia. Tutulungan ko pang magsara ang nanay ko ng tindahan. Friendly advice lang, kung hindi ka nanghihinayang sa pera, sa panahon ka manghinayang. Baka nakuha mo na'ng lahat ng kurso ay hindi ka pa rin decided kung ano talaga ang gusto mo."

"Ikaw, talaga bang gusto mong maging nurse?" tanong niya rito.

"Siyempre. Dahil gusto kong mag-abroad para mapadalhan ko ng dollars ang nanay ko at buhay-donya na lang siya. Sige na, babay na."

"Pahatid ka na kay Mang David," pahabol niyang sabi nang tumalikod na ito. Inabot niya ang intercom sa tabi ng kama niya at binilinan ang personal driver na ihatid ang kaibigan sa tindahan ng biyudang ina nito sa Tutuban. Kagaya niya, solong anak din ito.

Nang mapag-isa ay ang kukuning kurso pa rin ang pinagbuhusan niya ng isip. Kalahatian pa lang ng huling taon nila sa high school ay busy na sila ni Jullie sa pagpapasa ng application forms sa iba't ibang university at pagkuha ng schedule ng entrance exams. Kung ano-anong course ang mga inilagay niya sa mga form, partikular na ang mga laging inie-enroll ng mga incoming college students.

At ngayon nga ay ilang araw na lang at enrollment na. Pinili niya ang eskuwelahang kung saan mag-e-enrol si Jullie ay doon na rin siya.

"Nursing na lang din!" naipitik ang mga daliring wika niya sa sarili. "At least, hindi kami magkakahiwalay ni Jullie. Tutal naman ay pasado rin ako sa entrance exam."

Excited niyang dinampot ang awditibo ng telepono para ipaalam sa kaibigang nakapagdesisyon na siya nang maalalang kaaalis lang nito.

*****

DISAPPOINTED ang biyudo niyang ama.

Bunso siya at kaisa-isang babae sa apat na magkakapatid at inaasahan ng amang susunod siya sa suhestiyon nitong kumuha siya ng kursong related sa business.

Please Be MineDonde viven las historias. Descúbrelo ahora