Part 1 - PROLOGUE

14K 266 8
                                    

Author's Note:

PLEASE BE MINE (Precious Hearts Romances # 970)

Published by Precious Pages Corporation



*******


"TITA Toni, don't forget to call me as soon as you get there, okay?"

Hindi na maisip ni Alodia kung pang-ilang beses nang binanggit sa kanya iyon ng pamangkin niyang si Ingle. Hanggang sa papunta na siya sa departure area ng airport ay kinukulit pa rin siya nito.

"At huwag mo ring kalilimutang ikumusta ako sa papa mo, ha?" sabi naman ng best friend niyang si Jullie.

"At sa daming beses ba naman ng kasasabi ninyo ng mga 'yan sa akin ay makakalimutan ko pa?" naiiling-natatawang turan niya sa dalawa.

"Kung hindi ko pa alam," kunwa ay irap ni Jullie. "Baka sa isang sulyap mo lang sa isang tao roon ay mawala na sa tamang huwisyo ang utak mo."

"Hay, naku, puwede ba, Jullie? I don't want to hear about that anymore," saway niya. Binitbit na niya ang dalawang hand-carry bags at tumalikod na. Nalingid na sa kanya ang makahulugang pagtitinginan ng dalawa.



***

"WELCOME home, hija." Mahigpit ang yakap sa kanya ng amang si Don Antonio de la Rosa.

Ilang taon nga ba siyang namalagi sa America? Kulang na walo. At hindi na sana niya gugustuhing bumalik pa sa Pilipinas kung hindi nga lang masyadong mahina na ang kanyang ama para pamahalaan ang kompanya.

"Kumusta ka na, Dad?" Niyuko niya ito at hinagkan sa noo.

Kagagaling lang nito sa isang mild stroke at pinayuhan ng doctor na mas makabubuting hindi muna nito lubos na pagurin ang sarili.

"I'm fine, hija. Napakagaling ng doctor ko. He visits me every afternoon pagkatapos ng schedule niya sa ospital."

"Mabuti kung ganoon. Ah, Dad, I hope you won't mind, but I didn't have a good sleep kanina sa eroplano. Gusto kong makabawi."

"By all means, hija. Ako na ang bahalang magpaakyat sa mga maleta mo." Isinenyas pa nito ang kamay pataboy sa kanyang umakyat na sa dati niyang silid.

She nodded at tumalikod na.

"Toni," pahabol na tawag nito.

Toni. Hindi lang ang buhay niya ang nabago sa maraming taong pananatili niya sa America. Kinalimutan na niya ang pangalang "Alodia." Ang tanging best friend niyang si Jullie—na nang maka-graduate ay tinulungan niyang makahanap ng mapapasukang ospital sa America—ang hindi niya napasunod para tawagin siyang "Toni." Sa lahat ng mga kaibigan niya sa ibang bansa ay ito lang ang iba ang tawag sa kanya.

Back then, how many times did she try to be called "Alodia" by a special man but who insisted on addressing her "Miss de La Rosa?"

"What is it, Dad?" Inalis niya ang isip sa pagbabalik ng alaala.

"I wish you'd come down para sa hapunan," puno ng antisipasyong wika ng don.

"Walang problema, Dad. Kung mahihimbing ako ng tulog ay ipakatok mo ako kay Manang Juana."

"Sige na, hija," taboy muli sa kanya ng ama. "At mamaya ay iimbitahin ko ring sumalo sa atin si Doc. Madalas kitang banggitin sa kanya at nasasabik na rin siguro siyang makita kang muli. Naging teacher mo si Neil noon, hindi ba?"

Wala sa loob na tumango na lang siya at mabibigat ang mga paang pumanhik na.

Neil.

Sa isang pagbanggit ng pangalan nito ay nakumpirma kaagad na hindi ito nawala sa puso niya. Akala niya noon ay nakalimutan na niya ito.

Walong taon. Subalit marahil ay lubhang malalim ang pagkakaukit ng pangalan ng lalaki sa kanyang puso.

--- itutuloy ---

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

Please Be MineOnde histórias criam vida. Descubra agora