Chapter 2 Illustration

Start from the beginning
                                    

Napangiti ako habang pinapanood si Krum. Kahit dalawang taong gulang pa lang ito ay napaka-bibo na.

"Kumain ka na?" Tanong ni Finn sa akin bago ito naglakad papalapit sa bata at ibinigay ang dalang baso ng gatas.

"Oo." Sagot ko habang ibinababa ang dalang sling bag sa sofa sabay naupo na rin dito. "Nanlibre si Louise kanina." Tukoy ko sa kaklase at naging kaibigan na rin.

Sandaling napasulyap sa akin si Finn at ngumiti ito bago itinuon muli ang atensyon sa bata. Nakangiti ako habang pinapanood silang mag-ama na nagba-bonding. Muli akong napasulyap sa suot na relo.

"Krum, it's bedtime na, anak." Sabi ko.

Tumigil na ito sa ginagawa. "I'm done!" Tuwang-tuwa siyang tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig. Tinulungan naman ito ni Finn ng mukhang matutumba. "Look, mama!" Sabay ipinapakita sa akin ang iginuhit sa isang short coupon bond.

Nakangiting inabot ko ang braso niya para alalayang makalapit sa akin. "Wow!" Bulalas ko. "Ang galing naman ng baby ko!" Sabay hinalikan ito sa pisngi. "Ikaw ang gumuhit nito?"

"Yup." Sagot niya na mas pinahaba ang tunog ng 'p' sa dulo.

Ipinakita niya sa akin ang iginuhit niya sa papel. Apat na guhit taong magkakahawak kamay. Nagtaka ako kung bakit apat.

"Bakit naman apat anak?" Malambing na tanong ko sa bata habang nakaupo na ito sa aking kandungan. "Sino 'to?" Sabay turo sa isa pang guhit na kasing laki ng illustration ko.

"It's mommy Kreme." Nakangiting sagot niya.

Nawala ang ngiti ko at awtomatikong napatingin kay Finn na nakaupo pa rin hanggang ngayon sa sahig. Nagkibit-balikat lang siya.

Muli akong nagbaling ng atensyon kay Krum. "Hmm..." Naging uneasy ako sa kinauupuan. "B-bakit mo naman siya isinali dito?"

"She's my mom too, right?" Inosenteng sagot niya. "I miss her..."

Nagtatakang napatingin ako sa bata. "Paano mo naman siya mami-miss e hindi mo pa naman siya nakikita?"

Ngunit napalabi lang ito bilang sagot habang nakatingin sa kanyang mga iginuhit. Seryoso ang mukhang napatingin akong muli kay Finn.

"Gab..." Sambit niya.

Isang matalim na titig lang ang isinukli ko sa kanya bago tumayo sa kinauupuan, dala si Krum. "Let's go to bed, Krum."

Napabuntong-hininga si Finn bago ito tumayo. "Good night, baby boy." Sabay hinalikan sa noo si Krum. "Sleep tight."

"Good night, daddy!" Sagot naman ng bata.

Nagpapaunawang tumingin sa akin si Finn pero inirapan ko lang siya bago ako naglakad patungong hagdan, karga si Krum na hawak-hawak pa rin ang papel sa kamay. Ibinaba ko si Krum sa loob ng banyo ng kanyang kuwarto para punasan.

"Mama?" Sambit nito habang pinupunasan ko ang kamay niya ng basang bimpo. Hindi siya pwedeng maligo o mag-half bath, masyado ng gabi.

"Bakit?" Tanong ko habang abala sa ginagawa.

"Are you mad at me?" Tanong niya.

Natigilan ako sa ginagawa at gulat na napatingin dito. "No, anak!" Hinawakan ko siya sa mukha. "Bakit mo naman nasabi 'yan?" Ngunit napalabi na naman siya ulit. "Hindi galit si mama sayo. Tsaka bakit naman ako magagalit?"

"Dahil nag-draw ako." Tugon niya.

Napangiti ako. "Hindi ako galit." Pang-aassure ko sa kanya. "Nakakatuwa nga dahil marunong ka na mag-draw e."

"Daddy taught me." Proud niyang sabi.

Sandali akong natigilan sa sinabi niya. "T-tinuruan ka din ba niyang iguhit ang... ang mommy K-kreme mo?" Kunwari akong nagpatuloy sa pagpupuna sa kanya.

Clash of Clans Series - Prima Donna... No More Part IIWhere stories live. Discover now