Part 4

6.2K 176 6
                                    

KASAL NI Maxine.

Nagkakagulo ang lahat ng wedding girls. Di matatawarang excited at masaya ang lahat para kay Maxine. Bagaman halos perpekto ang lahta ng kasal na inayos ng Romantic Events, ang kasal ni Maxine ang masasabing pinakaperpekto. Muala sa gayak ng simbahan hanggang sa reception pati na ang lahat ng detalye ay magandang-maganda. Nadodomina iyon ng kulay mapusyaw na rosas na siyang pinili ni Maxine na motif. Para dito, rosas ang pinakaakmang kulay sa kasal nito sapagkat iyon ang simbolo ng kung ano ang nararamdaman nito at ni Xanderr sa isa't isa.

Sa reception, hindi rin halos naghihiwalay ang mga wedding girls. Bagaman nitong huli ay madalas na magkita-kita ang lahat dahil sa pagiging involved sa kasal ni Maxine ay parang hindi pa rin nauubusan ng kuwento ang bawat isa.

Pinili ni Julianne na huwag kumibo. Tama na sa kanya na magpasalamat kapag pinupuri ang mga disenyo niya na siyang suot ngayon ng bride at ng entourage. Inaasahan na niyang mayamaya lang, siya na naman ang makikita ng mga kasamahan niyang wedding girls. At dalangin lang niya sa sana ay huwag siyang mapikon at makuhang tawanan lamang ang pangungulit ng mga ito.

She had nothing against getting married. Iyon nga lang, wala din naman siyang balak na mag-apura sa pagpapakasal dahil lang sa ang lahat ng kaibigan niya ay pawang may-asawa na ngayon.

"Julianne, siguro sa kasal mo ay si Sandra na ang magiging maid of honor mo," nakangiting sabi ni Eve, halatang nanunudyo. Anak nitong panganay ang tinutukoy nito, na ngayon ay ni hindi pa nakaka-graduate ng elementary!

"Ang tagal naman pag ganun!" sabi ni Lorelle, ang alahera sa grupo. "Magpakasal ka within a year, Julianne. Sagot ko ang wedding ring mo, libre!"

"Ang daya!" protesta ni Dindin. "Bakit nung kami ang ikinasal, discount lang ang ibinigay mo? Pag ganyan, libre na rin ang cake!"

"Dear wedding girls, last na kasi sa group si Julianne kaya palilibrehin na ni Lorelle ng singsing," bigay-katwiran naman ni Scarlett, ang siyang dapat na bigyan ng kredito sa magagandang flower arangement sa okasyong iyon. "Okay, I'll be generous also for you. Libre ang mga bulaklak sa kasal mo."

"Baka naman kaya libre ang singsing, isang milyon ibebenta ni Lorelle sa magiging fiance ni Julianne ang engagement ring," biro ni Shelby, ang kanilang wedding singer.

"Bibigyan ko naman ng komisyon si Julianne," nakangising sagot ni Lorelle.

"Sige na nga, ako rin, libre na ang service ko kay Julianne basta magiging bride din siya this year," sabi ni Ysa, ang official hair and makeup artist ng grupo.

"Okay, sagot ko na rina ng two tickets for Asian cruise. Ticket lang ha? Hindi kasali ang accommodation," nakangiting sabi ni Nicole. "Happy ka na ba dun, Julianne?"

"Happy," mabilis na sagot niya at bumaling kay Andie. "Ikaw, sagot mo ba ang mapapangasawa ko?"

"Hay! Naku! Ikaw ang humanap ng mapapangasawa mo, no? Sagot ko na rin ang catering services. Pagkain na lang ang babayaran mo."

"As usual, libre ang pag-e-emcee ko," sabi ni Charity.

"Parang masama yata ang loob mo?" kantiyaw dito ni Faith, ang kanilang printer. "Ako, Julianne, sagot ko ang imbitasyon at souvenirs sa kasal mo. Kahit iyong pinakamahal, walang problema."

"Ang galing naman," nakangising wika niya. "Wala na pala akong poproblemahin sa kasal ko."

"Tumpak," ani Eve. "Iyong groom na lang ang poproblemahin mo. Kung ako sa iyo, magsimula ka nang maghanap. Dahil may expiration yata ang mga pledges sa iyo ng wedding girls. Kailangan, within a year ka ikakasal."

"Ang bilis naman!" aniya.

"Matagal na ang isang taon, ano ka ba? Hindi na uso ang long engagement ngayon. Saka kapag nakilala mo na ang love of your life, alam mo na agad kung gusto mo bang magpakasal o hindi," sabi ni Lorelle.

Wedding Girls  Series 12 - JULIANNE - The Bridal Gown DesignerWhere stories live. Discover now