Napatingin ako kay Xiara na nagsimula nang magseryoso. Sabay silang umatake sakin at tumalon ako pataas.  Pumunta ako sa likod ni Hera pero mabilis siya at agad na humarap sakin at mabilis na sinangga ang blade ko.
Umiwas ako ng magpakawala ng dark balls si Xiara sa gawi ko at muntik pang matamaan si Hera.
Lumipad ako sa ere at sunod sunod na nagpakawala ng raining flames.
Naglikha ito nang maraming usok kaya hindi ko na maaninag ang dalawa.
Napatingin ako sa likod ko nang maramdaman ang presensya niya.
I immediately throw ice knives to her. Nakaiwas siya pero nadaplisan pa rin ang braso at pisngi niya

Mabilis akong nagteleport sa likod niya at dinamba ko siya. Natilapon siya sa gawi ni Xiara na sugatan na dahil sa raining flames.

"Taympersssss!!!! " biglang sigaw ni Xiara . Baliw

"Pagod na kamiiiii TT_TT "

"Ang pangit ko na ! TT_TT sinugatan mo ang pisngi ko. "

Nginisihan ko sila.
And I teleported back to the academy. To my room to be specific.

Napahiga ako sa kama ko.
Now I feel better.

**********************

Naalimpungatan ako dahil sa ingay nila.
I release my Ice magic and make an ice jail.

"Waaaahh! Grabehan na to ! Binugbog mo na nga kami kanina. Ikukulong mo pa kami ! "

-______- Baliw

"Shut up"

Bigla silang natahimik at pasalampak na umupo.
Tumayo na ako at lumabas na. Mabuti nalang at hindi na nag ingay yung dalawa.

Akmang ihahakbang ko na ang paa ko para lumakad nang biglang may sumigaw.

"Zaaaaaaaaaaaaynaaaaaaaah"

-___- kailan ba matatahimik ang buhay ko?

Nagtatakbo siya sa gawi ko habang nakaunat ang dalawang kamay at nakangiti ng todo. Baliw. Isa siyang baliw

Umiwas ako nang yayakapin niya ako.
Pero hinabol habol niya ako. Makayakap lang siya.

"Stop" Cold na sabi ko na agad namang nakapagpahinto sa kanya.

"Killjoy !!! "

Sinamaan ko siya ng tingin at napatago naman agad siya sa likod ni ..... Zach

Looks like someone is getting married someday. Mmm

Sumilip siya mula sa likod at ngumiti ulit.
Inakbayan naman siya ni Zach at hinalikan sa noo. I remained emotionless kahit gusto ko nang magreact.

"Saan ka pupunta? " biglang tanong ni Haydee sakin

"Malayo sa inyo" prangkang sagot ko na ikinanguso niya. Napatawa naman ng mahina si Zach

"Ouch ha, Ge ganyanan"

Napairap ako sa kadramahan niya. Tss
Akmang aalis ako ulit nang humarang siya. Nakadipa pa ang dalawang kamay.

Ang kulit. Napapikit ako. Pilit hinahabaan ang pasensya ko.

"Saan ka muna pupunta? "Pag uulit na tanong niya

"Somewhere" sagot ko nalang.

"Saan nga? "

Napapikit ako sa inis. Saka narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Hindi ka puwedeng umalis"

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Isa na lang. Bibigwasan ko na talaga to

"Nandiyan ang Hari at Reyna at hinahanap ka"

Napatigil ako nang marinig ko ang sinabi niya saka napakunot ang noo.

Anong sadya nila rito at umabot pa sa puntong personal na nilang pinuntahan ako.

Binigyan ko sila ng nagtatanong na tingin pero nagkibit balikat lang sila.

Tuluyan ko na silang iniwan. I fucos my mind and tried to find them through my mind.
They in the Headmistress' office. Mukhang seryoso ang pinag uusapan nila.

Paliko na ako sa hallway nang biglang may humarang sakin. Napaangat ako ng tingin at binigyan ko siya ng blangkong ekspresyon.

"Pinapatawag ka ni Headmistress"

"I know , actually I'm on my way there but you are now blocking my way. "

Napangisi naman siya sakin at napairap nalang ako sa kawalan.
Tinamaan na naman ang lintik.

Tumabi siya at pinadaan ako. Inextend niya pa ang kamay niya.
Akala ko dun lang siya pero sumunod ang loko.

Nang makarating ay walang sabi sabi na binuksan ko ang pinto at dire diretsong pumasok sa loob pero hindi na sumunod si Ace.

Pabagsak akong umupo sa couch at dumekwatro.

"Hi" saka ko lang sila tiningnan. Napanganga naman sila at parang di makapaniwala. Tss

Umayos ng upo si Headmistress at tumikhim.

"I guess you already---"

"Actually I don't know. " pagputol ko sa sasabihin niya. Napaayos naman siya ng necktie niya. Naiinis na yan..

"Maiwan ko muna kayo" biglang sabi niya at tumango lang ang Hari at Reyna.

Napangisi ako nang tuluyan na siyang lumabas

"Naughty" the Queen said.

Nginitian ko nalang siya. Wala na silang magagawa sa ugali ko. Inborn eh.

"Zaynah. We came here to personally say to you the upcoming coronation. Napag usapan na natin dati ito hindi ba? Ipapakilala ka sa buong Magiczard na ikaw ang makasaysayang Prinsesa na tinutukoy nang propesiya. At dito mo din malalaman kung sino ang nakatakdang lalaki para sayo na nakasaad din sa propesiya."

Doon na tuluyang nawala ang ngiti ko.

MAGICZARD ACADEMY : THE HEARTLESS PRINCESSWhere stories live. Discover now