Huminga muna ako ng malalim at akmang magsasalita ng biglang may kumatok sa labas.

"Naiihi na ako. Kailan ba kayo matatapos diyan?"-nagkatinginan kami ni ayna.

Napangiwi na lang ako dahil nakalimutan naming may naghihintay pala sa amin sa labas.

"Oo eto na eto na."-binuksan ni ayna yung pintuan at bumungad sa amin ang isang babaeng nakasalamin at kulot ang buhok. Halatang naiihi na dahil kanina pa palakad lakad para umurong ang ihi niya.

"Sayong sayo na teh."-biro pa ni ayna sa kanya bago kami naglakad papaalis.

Natawa na lang ako dahil sa biro ni ayna.

"Hep! Hep! Saan punta niyo?"-natigilan kami sa paglalakad ng sumulpot sa harapan namin si gelo na may kasamang....babae.

O_O------> kami ni ayna habang palipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa.

Nang mapansin ni gelo ang pagtataka sa aming mukha ay natawa ito.

"Si maria, classmate ko."-pakilala niya habang nakangisi pa.

Lumipat naman ang tingin namin sa babaeng katabi niya. Maganda siya, mestiza, mahaba ang bagsak niyang buhok at hitsura palang mayaman na. Tangina! Nakasungkit ang gago! Hahaha.

"Mahilig ka sa 'ma' ha."-asar ko na ikina kunot ng kanyang noo. "Noon nilalandi mo yung syota ni kepong na matilda ang pangalan ngayon naman maria na. Hahahaha!"-napahagalpak kami ng tawa ni ayna sa nasabi ko.

Hindi ko aakalaing may charisma pala ang lalakeng to.

"Gago! Hindi ah! At saka classmate ko lang siya. Sinamahan ko lang siya papuntang---"

"Oh sige, sige. Masayado kang defensive."-natatawa pa ding pigil sa kanya ni ayna. Ngumuso naman si gelo na tila naiirita na. Nanatiling walang imik naman si maria sa tabi niya at namumula pa ang pisngi.

"Siya, siya. Aalis na kami. Magpaka bait ka anak."-biro pa ni ayna kay gelo at kunwaring tinapik ang balikat saka linampasan namin sila.

Dinig ko pa ang mura ni gelo sa amin habang nakanguso kaya lalo akong natawa.

"Hanep! Habulin pala ng babae yun. Akala ko tatanda siyang si mr montevaldejo lang ang taga hanga niya. Hahaha."-natawa ako sa sinabi niya.

Makalipas ng ilang oras na paglalakad, nakalabas na kami ng gate ng St. Montris. Nandun namang nag hihintay si rondrick dahil sabay na uuwi sila ni ayna. Uwian na rin kaya maaari na rin kaming lumabas.

"Ang tagal niyo naman."-reklamo niya. Halatang kanina pa naghihintay sa amin.

"Eh ang tagal magpaganda yan. Suklay ng suklay, hindi naman magbabago itsura niya kapag nandiyan si zadkiel."-ayna.

Tinaasan ko siya ng kilay. Grabe mang asar ang babaeng to. Pasalamat siya good mood ako ngayon baka nahampas ko na sa kanya tong hawak kong bag. Bakit ba ganito ang babaeng to?

"Hahaha. Ahli naman---"

"Subukan mo din akong asarin at pag uuntugin ko kayong dalawa! Trip niyo talaga akong asarin noh! Mga walangya kayo! Hindi ko kayo bibilhan ng pasalubong makikita niyo."-banta ko sa kanila.

Natigilan naman ang dalawa at nagkatinginan saka napahagalpak ng tawa.

"May pera ka ba?"-sabay pa nilang tanong kaya napanguso ako.

O__O

Tsk. Bakit ko nakalimutan yun? Wala pala akong pera tapos sasabihin ko pa yung pasalubong? Nasan ang utak mo ngayon ahli?

"Pakyu kayo."-halos maiyak ako sa inis dahil sa dalawa. Bakit ba nila ako inaasar? Maghihiwalay din kayo, makikita niyo. WALANG FOREVER!

Nakasimangot ko silang linayasan at saka naglakad patungong parking lot. Nang makita ko si zad na nakasandal sa kanyang kotse, awtomatikong napangiti ako. Yung kaninang inis ko, napalitan ng excitement at saya. Kapag nakikita ko siya, nag iiba ang mood ko. Gumagaan ang pakiramdam ko at bumibilis ang tibok ng puso ko.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя