Chapter 10 - Staring is Rude

4.2K 123 8
                                    

Sabrina




PINAPANOOD kong nagtatawanan ang magkakaibigan dahil napagtripan na naman nina Iris at Henry ang kambal nitong si Harold.

Hawak kasi ni Harold yung cake na hinipan ni Chuck, after niya kasing ihipan yung candle ay sabay na hinawakan ni Iris at Henry yung cake at tinaob sa mukha ni Harold, kaya ngayon ay nagtatakbuhan sila at nagpupunasan sa mukha ng cake.

Inilayo naman kami ni Kelly para hindi masama sa kalokohan ng magkakaibigan...

Samantalang tawang-tawa naman kami habang pinapanood sila na halos dumapa na sa sahig, wag lang malagyan ng cake sa mukha.

"Si Arkin ang linis parin huh..." natatawang sabi ni Kelly.

"Mga takot talaga kay Arkin haha " sabi naman ni Shey.

"Si Zoey nagtatago sa likod ni Arkin haha, mautak ang babe ko." sabi naman ni Zoey.

"Thank you guys ah." Biglang sabi ni Kelly.

Sabay-sabay kaming napalingon kay Kelly.

"Para saan naman?" Kunot noong tanong ni Shey.

Bigla kasing nag seryoso ang isa.

"Sa surprise party na ginawa niyo kay Kuya. Ngayon ko na lang ulit siya nakitang tumawa ng ganito." nakatanaw parin kaming apat sa nagtatawanan na magkakaibigan.

Tama si Kelly, ngayon ko na lang ulit nakitang tumawa ng ganito si Chuck.

Sana matupad kung ano man ang hiniling niya. He deserves to be happy.
















































































































KAKAGISING ko lang at nakita kong busy ang mga kaibigan kong magkasiyahan, lalo na si Zoey na kung makakandong ngayon kay Iris ay wagas. Samantalang sobra-sobra naman ang upuan, naiwan akong mag-isa dito sa pinagdalhan sa amin ni Kelly kanina.

Bigla kasi akong nahilo kanina at pinagpahinga na muna nila ako.

Nakatanaw ako kay Kelly ngayon na siyang nagsasalita at tawa lang ng tawa ang magkakaibigan.

Na-curious tuloy ako kung ano yung pinag-uusapan nila, ang saya kasi nilang tingnan ngayon.

Kanina pinilit ko tumayo pero parang matutumba ako kaya mas pinili kong mag stay muna dito.

Sasamahan din sana ako ni Kelly kanina pero matutulog kasi ako kaya pinasama ko na siya kina Zoey.

Napapangiti naman ako dahil nakikita ko kung paano na-eenjoy ni Kelly ang pag stay niya dito sa Pilipinas.

Noon kasi nung nasa states siya, tuwing kausap ko siya ay lagi niyang sinasabi na sobrang bored niya at sana ay kasama niya kami. Nagpapaka good girl daw kasi siya at minsan na lang lumabas para mag bar.

Actually kinikilig ako kapag sinasabi niyang ako ang gusto niyang kasama kapag nagbabar, pero syempre hindi ko sinasabi sa kanya yun.

Isa pang nakakatuwa na nalaman ko ay nagbago na talaga siya, hindi na siya kissing monster ( pero sa akin na lang siya ganun) gaya ng ipinangako niya sa akin.

Pero malay ko rin ba kung nagsasabi siya ng totoo di ba? Sobrang layo namin sa isa't-isa.  

Magtitiwala na lang ako na nagbago talaga siya.

My Dream Guy's SisterTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang