Chapter 30.2

55.7K 1.7K 108
                                    

ISABELA

HALOS MADALING ARAW na ng matapos ang Barbeque party. Nakakaramdam na ako ng antok kasi hindi naman ako usually nagpupuyat.

Buti na lang nga pinauna na akong bumalik ni Arkhe dito sa kwarto niya. Tapos na akong mag-shower at handa nang matulog. Si Ark, nasa labas pa. Tumutulong kila Theo na magligpit.

Humiga na ako rito sa kama at tumitig lang sa kisame. Napagod talaga ako sa mga nangyari kanina, but at the same time, sobrang nag-enjoy rin.

I still can't believe Arkhe's family and relatives welcomed me so warm. Especially his mother and his cousin Unice. Parang kagabi lang, kabadong-kabado pa ako kasi hindi ko alam kung anong mangyayari ngayon. But everything turned out all right.

Sobrang saya ng pamilya nila. Naalala ko nga kami nila Mommy at Daddy dati. Ganoon din kami kapag nakukumpleto, eh. Kaya natutuwa ako ngayon kasi parang naramdaman ko ulit ang pakiramdam nang may pamilya.

Oh, and speaking of family . . . oo nga pala, dapat nga pala tatawagan ko ang kapatid ko.

Sinilip ko muna ang oras sa phone ko na nandito rin sa kama.

Late na ngayon at madaling araw na sa Sydney. Pero susubukan ko lang baka gising pa si Amanda. Sakto rin kasi, wala pa rito sa kwarto si Ark. Makakapag-usap kami ng kapatid ko. I have good news for her. Though sana nga lang maka-connect ako nang maayos sa kanya kasi medyo mahina ang signal dito sa lugar.

I got out of bed and tried calling her via Skype.

Ang tagal nag-ring bago niya tuluyang nasagot. "Isabela, hey!"

I smiled from ear to ear. "Hi! I'm glad you're still awake."

"Yeah, still working," nakangiting sagot niya pero agad ding napakunot ng noo. Nagtaka yata siya kasi iba 'tong background ko. "Where are you? That doesn't look like your room."

"Hindi nga. I'm here in Batangas."

"What? Anong ginagawa mo diyan nang ganitong oras? Hindi yata 'yan nabanggit sa 'kin ni Lukas."

"I'm at Arkhe's place. I mean, his hometown. Birthday ng mom niya ngayon at pinakilala niya ako sa buong pamilya niya."

Ang bilis nanlaki ng mga mata niya. "Oh, wow! That's great to hear! Okay na pala kayo? Nagkabalikan na kayo?"

I smirked and rolled my eyes. "Come on, Amanda. Imposibleng hindi mo pa alam na ilang linggo na kaming magka-ayos ni Arkhe."

Bigla siyang napakagat sa labi para magpigil ng ngiti niya. "Sorry. Yeah, Lukas updates me all the time. And I'm so happy for you! Honestly, hinihintay ko nga na tawagan mo ako para ikaw mismo ang magbalita sa akin. Kaso, ngayon mo lang ako nagawang tawagan."

"I'm sorry. Madalas kasi kaming nagkikita at lumalabas ni Arkhe kaya hindi ko magawang makapag-video call sa 'yo. Tapos ito nga, sinama niya ako sa Batangas."

Ngumiti siya nang malapad at nilapit ang mukha niya sa camera. "Kumusta naman ang pamilya niya? Mabait ba sila sa 'yo?"

"Sobra! I didn't actually expect them to be so kind and friendly. His mom is very welcoming and one of his girl cousins is so funny! Sobrang saya rito. Alam mo ba, sinayaw pa ako ni Arkhe kanina sa harap nilang lahat. Nahiya ako pero natuwa rin. Sayang nga lang, bukas uuwi na rin kami. Pero sabi ni Arkhe dadalhin niya raw muna ako sa beach at magsi-swimming kami ro'n."

Hindi naman na siya sumagot. Nakangiti na lang siya sa 'kin.

Napatanong tuloy ako. "Why?"

"Nothing. I'm just so glad to see you happy and smiling like that again. Akala ko hindi ko na makikita 'yan."

Everything I Want [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon