Chapter 05

83.4K 2K 155
                                    

AUTHOR'S NOTE: This chapter hasn't been edited yet and is written in the third-person POV

**

ARKHE

Hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala si Arkhe sa sinabi ni Isabela. Arranged marriage. Sino'ng mag-aakalang totoo pala talaga ang bagay na 'yon?

Malas lang, sa dinami-rami ng babaeng pwedeng ma-arranged marriage, 'yung natitipuhan niya pa talaga. Ewan niya ba, hindi naman talaga siya mahilig sa mga complicated na relationships. Ayaw niya ng may sabit. Pero iba yata talaga ang kamandag ni Sab, dahil wala siyang pakialam kung milyonaryo pa ito at ikakasal sa isa ring milyonaryo. Masyado siyang na-love at first sight at gagawin niya ang lahat para mahulog ito sa kanya. Alam niya namang may laban siya, eh. Ramdam niya kasing wala naman talagang pagmamahal si Isabela para sa Morris na 'yon.

Heto nga't hindi pa rin siya tumitigil sa pangugulit sa dalaga. Ilang araw na ang nakalipas mula no'ng huli silang magkausap at walang oras na hindi niya ito tinext para kumustahin. Natutuwa naman siya dahil kahit papaano'y nagrereply sa kanya si Sab. Ngayong araw nga, niyayaya niya ulit itong makipag-kita sa kanya. Ang hirap pilitin ni Isabela pero sigurado siyang kaunting alok na lang ay papayag na rin ito.

And he was right. Mayamaya lang kasi ay nakatanggap na rin siya ng text galing kay Isabela. Pumayag na ito na lumabas silang dalawa. Nagpapasundo pa ito sa isang lugar.

Syempre bigla na siyang nabuhayan ng dugo! Agad niyang itinigil ang ginagawa niyang mix para sana sa susunod niyang gig, at mabilis na nag-ayos ng sarili.

Mag-isa lang si Arkhe sa tinitirhan niyang bahay. Ang mga magulang niya kasi, nasa Batangas, pati na rin ang nakatatanda niyang kapatid na lalaki. Mas pinili niyang mamuhay nang mag-isa sa Maynila dahil dito siya nakakakuha ng mas maraming gig bilang isang club DJ.

Matapos mag-ayos ay umalis na agad siya at dumiretso sa lugar kung saan nagpapasundo si Isabela. Ito ay sa isang exclusive village para sa mga mayayaman. Malamang dito ito nakatira. Malayo pa lang ay kita na niya ang sunod-sunod na mga kotseng itim na nakaparada malapit sa entrance ng nasabing village. Sigurado siyang si Isabela na 'yon kasama ang mga bodyguards nito.

Nakakatawa. Bigla niya na naman tuloy naalala 'yung sinapit niya sa mga bodyguards ni Sab. Hindi naman 'yon ang unang beses na natutukan siya ng baril, pero 'yon ang first time na tinutukan siya ng MARAMING baril. Akala niya talaga katapusan niya na, eh. Napatawag siya ng mga santo nang wala sa oras!

Pumarada na rin siya malapit sa mga nakahilerang sasakyan. Tapos tinext niya si Isabela para ipaalam na dumating na siya. Mayamaya lang naman ay lumabas na ito mula sa isang itim na kotse.

Mabilis din siyang bumaba para salubungin si Sab at alalayaan ito pasakay sa loob ng kotse niya.

"Ang tagal ko ba?" tanong niya agad dito nang parehas na silang makasakay.

"Hindi naman." Nagkabit ito ng seatbelt. "Kararating lang din namin."

"Sakto pala. Ayos lang ba sa mga bodyguards mo na sa 'kin ka sasakay? Baka tutukan na naman ako ng baril ng mga 'yan, ah."

Natawa ito. "No, don't worry. Nasabihan ko na sila. Susunod lang sila sa 'tin para bantayan ako, pero hindi na sila mangingialam."

"Ah, ayos." Tinitigan niyo ito bigla habang nagkakabit din siya ng seatbelt. Ang ganda na naman nito sa suot nito.

Isabela's wearing a white floral dress na pinatungan ng knitted cardigan. Saktong-sakto dahil malamig ang araw ngayon. Pansin niya lang na hilig nitong magsuot ng pormal na bistida. Ibang-iba sa mga babae niya noon na maiiksing shorts at crop tops ang pormahan.

Everything I Want [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon