Someone's POV
Takbo lang ako ng takbo, hindi ko alam kung saan ba ang destinasyon ko basta ang mahalaga makalayo ako sa lugar nato.
Iyak ako ng iyak habang tinatahak ang madilim na lugar, tila binabaliw ako ng katahimikang bumabalot sa buong kapaligiran.
Kailangan ko ng tulong! Kailangan kong makaalis dito!. Hindi ko pinangarap na mapunta sa sitwasyong to, hindi ko hiniling na mapabilang sa mga taong kasama ko ngayon at lalong hindi ko hinangad na makulong sa empyernong skwelahan na to.
Unti-unti akong nakaramdam ng pagod, nawawalan na ako ng pag-asa kaya pabagsak akong naupo sa sahig. Gusto kong sumigaw upang maibsan ang takot na aking nararamdaman ngunit hindi ko yun pwedeng gawin dahil baka makita niya ako, baka malaman niya ang kinaroroonan ko.
"Magtago ka sa mesa! Bilisan mo!" Pabulong na sigaw ng kaklase ko.
Ngayon ko lang napansin na may kasama pala ako. Nakahinga ako ng maluwag, kahit papano naibsan ang takot ko. Agad ko siyang sinunod at nagtago nga ako sa ilalim ng mesa.
"Isa, dalawa, tatlo, magtago na kayo. Apat, lima, anim, sino kaya ang aking uunahin?. Pito, walo, syam, sampo, sino ang maliligo sa sarili nyang dugo?" Pakantang sabi ng killer.
Napaluha ako sa sobrang takot. Ayoko na!. Tinakpan ko ang aking bibig upang maiwasang makagawa ng ingay.
Palakad lakad lang ang salarin na para bang alam na alam nyang may tao sa silid na ito. Napapikit ako ng mariin nang biglang umalingawngaw ang tili ng kaklase kong babae.
Nahuli siya ng killer, nanginig ako sa takot nang makita ko kung gaano ka brutal ang ginawa niya sa kaklase namin. Pinagsasaksak niya ito ng gunting, salitan niyang binabaon ang dalawang gunting sa magkabilang mata ng kaklase namin.
Gusto ko ng tumakbo at lumayo sa lugar na to. Akmang aalis na sana ako nang biglang magsalita ang killer. "Kung ako sayo, mananatili ako sa pwesto mo, yun ay kung gusto mo pang mabuhay" kita ko sa mukha niya ang ngisi at walang halong pagsisisi.
Kinabahan ako nang makita ko ang nagkalat na barbedwires sa daan. Shit! Ito na ba ang katapusan ko? Hanggang dito na lang ba ako? Dito na lang ba ang laban ng buhay ko? Suko na ako, hanggang dito na nga lang yata ako. Tumayo ako at hinarap ang salarin, kailangan kong tanggapin na dito na ang katapusan ng lahat.
"Wag kang kikilos kundi pasasabugin ko yang bungo mo!" Nakaramdam ako ng saya at pag-asa nang makita ko ang isa sa mga kaklase ko, nasa likuran siya ng salarin at may hawak siyang baril na nakatutok dito.
Mababakas sa mukha ng killer ang tuwa, tila di siya natinag. Agad na dumaloy ang kaba sa aking sistema nang mapansin kong ang baril na nakatutok sa killer ay unti-unting lumilihis at naibaling sa akin.
M-mag kasabwat ba sila? Tila isang yelo na nanlamig ang katawan ko nang makita ko ang malademonyong ngisi ng kaklase ko. Kasabay ng aking paghinga ang pag-alingawngaw ng putok ng baril.
Nakaramdam ako ng kirot sa bandang sikmura at nang tignan ko ito, may dugo. Sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko hanggang sa humandusay ako sa sahig at nawalan ng malay.
"PUPPETEER FROM HELL"
---Welcome to Hell
