Chapter 34: I'm In Trouble

Começar do início
                                    

She was still beautiful like before. No. Mas gumanda pa ito kaysa dati. Naka suot ito ng isang fitted long sleeve shirt na kulay blue na kung saan nakikita ang magandang korte ng katawan nito. Isang short, shorts naman sa pang ibaba na kulay puti at rubber shoes. At ang mahabang buhok nito na dati ay natural lamang ang kulay ay napalitan na ng blonde ang kulay. Wew! She's so damn hot!

Nananaginip lang ba ako? Tanong ko sa sarili.

Ngunit biglang gumihit sa dibdib ko ang pamilyar na kirot na maramdaman ko 2 years ago. No! Breeze.. Wag mong kalilimutan na, sinaktan ka niya. Kahit gaano pa siya kaganda ngayon, sinaktan ka parin niyan.

Dahil doon, muling napakurap ako at inayos ang sarili. Pilit na inalis ko ang mga mata rito at itinuon ang atensyon kay Bianca.

"Ito ba ang sinasabi mong proposal?" Mapait na tanong ko sa kanya. "Sa kanya ba yung coffee na yan?" Muling tanong ko pa sabay turo sa isang tasa na nakaagaw ng atensyon ko kanikanina lamang na binalewala ko pa.

Napalunok ito habang nakatingin sa akin, na parang bata na nahuli ng kanyang nanay sa kanyang kasalanan. Pagkatapos ay napakamot sa may batok.

"I'm sorry Breeze. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sayo kaya---

"Well sorry, but I can't do this Bianca." I cut her off  bago tuluyan ng tumalikod dito at walang sabi na umalis na ng restaurant na iyon.

-------


"F*ck! F*ck! F*ck!" Paulit ulit na sinasabi ko ang mga katagang iyon habang paulit ulit na hinahampas ang manobela ng kotse.

I didn't expect this. I didn't expect to see her so soon. At naiinis ako dahil kung tignan ako nito kanina parang hindi ako nito kilala. Na para bang wala lang ako sa kanya. Tapos ako? Heto, apektado masyado. Damn it!

Ganon lang ba ako kadaling kalimutan sa kanya? I mean, ganoon lang ba siya kabilis nakapag recover? Well, siguro dapat naisip ko na iyon noon pa. Iniwan niya ako hindi ba? Nagmumukha tuloy akong bitter na Ex ngayon. Hays!

Pero teka nga? Diba moved on na ako? Bakit apektado ako masyado? Tss! Kailangan ko ng pampalipas ng inis. Yung maaaliw ako. At doon. Naisipan kong itext si Billy kung nasaan ito. Baka pweding makatulong ang kabaliwan ng isang 'yon. Itinabi ko muna ang kotse sa gilid ng kalsada habang naghihintay sa reply nito.

Pagkaraan lamang ng ilang sandali ay tumunog na rin ang cellphone ko. Kaagad na pinasibad ko ang kotse ng mabasa ko kung nasaan si Billy at pinatakbo ang sasakyan ng mabilis.

Huminto ako sa isang pamilyar na Resto bar. Not bad dahil alas syete na rin naman ng gabi. Pumasok ako roon, may iilan na rin naman na customer ang nandodoon pero hindi pa masyadong crowded. Hindi pa rin masyadong maingay pero, nababalot na ang paligid ng acoustic music, na siyang nagbibigay buhay sa mga taong nandoon.

Sandali na iginala ko pa ang paningin sa paligid. Nakita ko si Billy na kumakaway sa may di kalayuan na sulok. Medyo madilim din kasi sa pwesto nito kaya hindi ko siya kaagad napansin.

Kaagad na kinuha ko mula sa kamay nito ang tinutungga nito na bote ng beer.

"Hey dude! What's with that face?" Kunot noo na tanong nito sa akin habang tinitignan ako sa pag-inom ng inagaw ko sa kanyang bote ng beer.

"Fck dude. She's back!"

"What? Who?" Naguguluhang tanong nito sa akin bago tinignan na parang siraulo.

"Cath is back Billy. And I am not ready yet. Nagmukha akong katawa tawa kanina sa harap niya." Sagot ko rito bago muling tinungga na naman ang huling laman ng bote. "Ang buong akala ko next month pa. Why so soon? And Bianca didn't tell me!"

Isa pa yung babaeng yun. Proposal pala ha! Frustrated na napahawak ako sa noo ko.

Tinapik ako nito sa balikat at nginisian lamang. 
"I thought you've moved on?" Pang-aasar pa na tanong nito.

"Isa pa, diba ito naman ang hinihintay mo? At matagal mo ng pinagpaplanuhan? Ang pagbabalik ng Ex mo. Sa tingin ko nakalimutan mo na agad yun, o sadyang naiwan mo yang utak mo kung saan mo man siya nakita kanina." Seryoso? Gusto ba ako nitong tulungan? At seryoso? Kaibigan ko ba to?

"Shut up! Kung wala kang sasabihin itikom mo nalang yang bibig mo pwede?" Inis na sambit ko rito. "Hindi nakakatulong eh." Dagdag ko pa.

"Eh kasi dude, mukhang tumitiklop ka yata?"

Tinignan ko lamang ito ng masama at naupo sa couch na nandoon. "There's always a timing." Naka ngisi na sabi ko rito habang nakatitig kay Billy.


Nagulat man ako dahil sa mas maagang pagdating ni Catherine dito sa Pilipinas. Hindi ko na iisipin pa ang bagay na iyon. Hindi ko na hahayaan pa na magmukha muli akong stupido sa harap nito. Dahil mukhang tadhana na ang muling naglalapit sa aming dalawa.

At tama nga si Billy. Matagal ko ng hinihintay ang pagkakataon na ito. Ang pagbabalik ni Catherine dito sa Pilipinas. At ngayong nandito na siya, hindi ko na 'to palalampasin pa. No matter what happen. By hook or by crook.

HBS 1: The Day I Met Her (GxG) COMPLETED Onde histórias criam vida. Descubra agora