Chapter 34: I'm In Trouble

Mulai dari awal
                                    

Yamot na nagbiyahe ako papunta kung saan man dapat kami magkikita ni Bianca. Minsan nakikitaan ko siya ng ugali na parang kasing ugali ni.. Alam niyo na. Hindi maitatanggi na magkaibigan talaga silang dalawa.

Pagdating ko sa isang restaurant kung saan si Bianca ay mabilis na nag park ako ng aking sasakyan. Pagkatapos ay inayos ko muna ang sarili bago tuluyang bumaba na rito at pumasok sa loob ng nasabing restaurant.

"Excuse me ma'am. Do you have any reservation?" Tanong sa akin ng isang staff na babae pagdating sa front desk.

"Ah yes. Under Bianca--

"She's with me." Napalingon ako sa nagsalita mula sa likuran ko at tinignan ito ng masama. Anong karapatan niyang putulin ang pagsasalita ko?

Ngunit ang bruha. Imbis na matinag ay pinagtawanan lamang ako. "Ako ng bahala sa kanya. She's my friend." Mabilis na sabi nito sa staff na nandoon. Yeah, I forgot. Sila nga pala ang nagmamay ari nito.

Iginaya ako nito sa direksyon kung saan ito nakaupo kanina habang hinihintay ako. "So what's your proposal?" Kaagad na tanong ko rito pagkaupo.

"Ang pormal mo naman masyado. Pwede ba hinay hinay naman ng konti?" Sabi nito sa akin pagkaupo at nag cross legs.

Alright. Here she comes again. Pagkatapos akong pagmadaliin yan lang ang sasabihin niya. Napapailing nalang ako in disbelief.

"Are you alright Bianca?" Tanong ko rito ng mapansin na parang bigla na hindi ito mapakali sa kanyang kinauupuan. Halata rin na kinakabahan ito. Ano bang nangyayari sa kanya? Kanina maayos pa naman siya ha. Tsk!

"O-oo naman. Hehe." Ngunit hindi ako naniniwala. Sandali ko pa itong tinitigan at pagkatapos ay may biglang nakaagaw ng atensyon ko. Napakunot ang noo ko na kaagad na napansin rin iyon ni Bianca at napatingin sa mga mata ko.

"You know what, may mas importante dapat akong appointment na kailangang puntahan. But I have to cancel it just for your proposal. So now.. Tell me what was going on?" Nauubusan na ng pasensya na tanong ko rito.

"Ahh..ehhh..Breeze kasi." Huminga muna ito ng malalim bago nagpatuloy. "Wala lang, just please mamaya na natin pag-usapan yung about sa proposal ko? May mas importante kasi akong dahilan kung bakit kita pinapunta rito eh." Paliwanag nito.

At dahil mabait akong tao, kaya naman agad na napatayo na ako sa kinauupuan ko. "You're wasting my time Bianca." Tuluyan na nga akong naubusan ng pasensya.

Yes she's my friend. And we're close. Pero hindi ibigsabihin non hindi na kami magiging professional sa mga gawain namin. Pumunta ako rito because I thought may makukuha akong magandang impormasyon mula sa kanya. Hindi biro ang mag cancel ng appointment, lalo na at isa iyong malaking kliyente para sa magbubukas na branch ng kompanya ko sa New York.

Handa na sana ako sa pag-alis mula sa kinauupuan namin ni Bianca ng biglang na pako ang mga mata ko sa isang tao na ilang hakbang lamang ang layo mula sa akin. Sa isang taon na dalawang taon na hindi ko nakita. Ang babaeng minahal ko ng lubusan, higit kanino man.

Napako na rin ang mga paa ko sa aking kinatatayuan at hindi ko na magawang maihakbang pa. Hindi ako makagalaw at para bang nanigas na sa kinatatayuan.

"Are you..fcking...kidding me?" Tanong ko sa sarili. Ngunit alam kong medyo napalakas iyon sakto para marinig ni Bianca.

Kapwa kami napasinghap nang magtama ang aming mga mata. Halatang nagulat rin ito ng makita ako. Biglang naglaho ang mga ngiti nito ng makita ako at napaiwas ngbtingin. Katulad ko, marahil hindi rin inaasahan nito na makikita ako ngayon.

Maybe Bianca set us up.

Napalunok ako ng maraming beses. At ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam pero, sobrang natutuliro ang isip ko sa mga sandaling ito.

HBS 1: The Day I Met Her (GxG) COMPLETED Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang