"Mantika lang 'yan, Wan."

Humarap siya sa'kin at hinalikan ako sa noo. Umiinit na naman 'yong pisngi ko pero binalewala ko na muna. His eyes are so worth staring for. Nginitian ko siya.

"Mantika lang 'to." Sabi niya sa sarili niya. "Para ito sa matakaw na babaeng gusto kong laging masaya."

"Hindi ako matakaw!"

"Wow. Ang sweet ng sinabi ko, iyan pa ang napansin mo?" Reklamo niyang nginusuan ko.

"Sweet? Sinabihan mo 'kong matakaw?"

"I get it, Diamond. I noticed you earlier. Ayaw mong sweet ako sa'yo." Aniya sa tonong nang-aasar. "Fine. Sa iba nalang ako maglalambing."

"Balaka sa buhay mo." Sabi ko, nakanguso ng mahaba.

"Sa tingin mo naman kaya ko? Iniisip ko palang na magseselos ka, hindi na ako mapakali." Sabi niya pa saka tumawa.

"Ang kapal ng mukha nito! Hindi ako magseselos oy. Kapal!"

"Hindi?" Binitiwan niya ang sandok at ipinid ako sa counter. "Bakit hindi?"

"Wan, 'yong niluluto mo." Pinandilatan ko pa siya pero hindi talaga nasindak ang mokong.

"Okay lang sa'yong sa iba ako maglambing?"

Umirap ako. Bumaba ang tingin ko sa labi niyang tila nanunukso at nagyayayang halikan.

"Ikaw? Gusto mo bang maglambing sa iba?"

Unti-unting sumilay sa labi niya ang ngiting nagpapagwapo sa kanyang lalo. Walang ano-ano ay hinalikan niya na lamang ako.

"Wan, ang niluluto mo." Awat ko matapos putulin ang paghalik niya sa'kin.

"Oo nga pala." Sabi niya pero muli lang akong hinalikan. Kapagkuwan ay naging marupok na naman ako. I just find myself kissing him back while my arms are around his neck, inviting him to kiss me deeper.

NANG MAGKAAYOS NA kami ni Wan, pumasok narin ako sa klase ko. Kasama ko naman si Kristina palagi kaya kahit papaano, naeenjoy ko ang pagbalik ko sa pag-aaral. Magkaklase nga kasi kami dati at sabay ring nag-drop. Bestfriend goals ba masyado? Tsk. Pero honestly, 'yong pag-drop namin, hindi iyon planado. Sabay lang kaming nagkaroon ng dilubyo sa buhay. Umiling ako nang maisip ang paghinto ko noon sa pag-aaral. I don't ever want to recall it.

"Mrs. Viacrusis." Pilyang tawag ni Kristina sa'kin. Sinalubong niya ako't niyakap. "Ang saya natin ah! Maaliwalas ang mukha. Hmm?" She winks playfully. "Ilang rounds?"

"Sira-ulo." Sabi ko lang at umiling.

"In love ka talaga day. Iba 'yong glow eh! Daig mo pa si Kathryn Bernardo sa MET endorsement niya."

Baliw talaga siya.

Nang makaupo na ako sa upuan ko, inilabas ko kaagad ang cellphone ko. Ang isa pang baliw na si Wan ay panay send sa'kin ng mga nakakatawang meme. Nahuli niya kasi ako this morning na puro meme ang bina-browse sa internet. Pinagalitan pa niya ako. Pero siyempre, lumaban naman ako. pinagalitan ko din siya. Sinabihan kong nagkakawrinkles na siya sa sobrang seryoso niya. Kaya heto na po siya. Mapapailing ka nalang.

Hay naku Juan José, as always, napaka-complicated mong tao.

But he is definitely my favorite kind of complicated.

"Diamond! Bilisan mo na diyan! Male-late ka na!" Tawag ni Wan mula sa labas ng kwarto isang umaga. Paalis na dapat kami kanina pa; siya sa trabaho at ako naman, sa university.

"Shit." Mura ko nang namanhid na naman ang binti ko. Ito 'yong problema ko kapag nakaupo ako ng 'di maayos, ang bilis nitong makatulog.

"Diamond!" Sumilip si Wan at nakita niya akong nakaupo sa kama, hinihintay na magising 'yong kaliwang binti ko. "What happened?" Nakangising tanong niya.

Diamond's Worth ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now