DW-10: Control

2.8K 100 51
                                    

Diamond

Mag-iisang linggo na ang lumipas mula ng umalis ako sa bahay ni Wan. Hindi ako umuwi ng apartment, nasa bahay ako ni Kristina. Kinukulit niya nga ako kung ano ang nangyari pero hindi ko makuhang magkwento. Naguguluhan parin ako hanggang ngayon. Naguguluhan ako sa sarili ko. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko.

At hanggang ngayon, nakatatak parin sa isip ko ang pagtatagpo namin ng nanay ni Wan. Kung paano niya ako tingnan mula ulo hanggang paa, hindi ko malimutan. And I feel so much less human because of that. Every pore of me is embracing every kind of insecurities.

"Oy beshy, tumatawag na naman si Alejandro."

Tiningnan ko lang si Kristina saglit matapos iyong ipaalam sa'kin. Muli lang akong nagsukob ng kumot, walang balak na kausapin ang kahit na sino. Mayamaya pa ay naramdaman kong lumapit si Kristina sa'kin at naupo sa gilid ng kama.

"Ano ba kasing nangyari at nagkakaganyan ka?" Mahinahon niyang tanong.

Naiiyak na naman ako. Nagreplay sa utak ko ang huling pag-uusap namin ni Wan. Nasasaktan ako. Nagagalit pero hindi ko alam kung para kanino-para ba sa kanya o para sa'kin o baka sa'ming dalawa pareho.

Nakatalikod parin ako kay Kristina. Wala pa akong lakas ng loob na pag-usapan ang nangyari. I just want to be drowned with my thoughts. I don't want to talk.

"Diamond, I cannot be your friend for nothing." Kristina says softly, making me want to cry. "Kahit na ano ang mangyari alam mong hindi kita huhusgahan." Dugtong niyang nagpasikip ng dibdib ko. "Ano ba talaga ang nangyari, Daya? Sinaktan ka ba niya?"

"Hindi ko alam." Sumbong ko na parang bata. Humarap ako sa kanya. Nang makita ko ang matamlay niyang mata, bumangon ako. "Hindi ko alam." Hinawakan niya ang kamay ko, pinipisil iyon upang pagaanin ang pakiramdam ko. "The same day na nasa bahay kayo ni Wan, pagtalikod niyo non, dumating 'yong mommy niya."

"Shit. Monster-in-law ba ang datingan?" Nakagat niya ang labi niya. Siguro ay napagtanto niyang nao-overexcite na naman siya at inuunahan akong magkwento. "Sorry besh. So ano'ng nangyari?"

Umiling ako at tumingin sa malayo. "May pag-asa pa bang mabago ko ang buhay ko, Kristina?"

Humigpit ang paghawak niya sa kamay ko. "Diamond, oo naman." Sagot niya pero hindi ako kumbinsido.

"Pwede bang ibalik mo 'ko sa nakaraan at baguhin natin 'yong nangyari na?" Nagsimula ng manginig ang labi ko habang pinipigilan ko ang sarili na humagulhol ng iyak. "Nandidiri ako sa sarili ko, Tina."

"Come on, Daya! Ikaw lang ang nag-iisip ng ganyan sa sarili mo eh. Hindi ka maruming babae kaya hindi ka dapat nandidiri sa sarili mo." Aniya, garalgal ang boses at namamasa narin ang mata. "Kailan ka ba nagsimulang maging ganyan ha? Diba nong dumating lang naman si Wan sa buhay mo? My God. Diamond, sa loob ng tatlong taon, si Wan lang ang lalaki sa buhay mo. Ni ayaw mo ngang lapitan ka o kausapin ka ng iba eh. Hindi ka maruming babae, okay? Stop looking at yourself that way. Hindi..." Umiling siya saka nagpahid ng luha na parang bata. "Hindi, Daya. Hindi ka ganong babae."

Lalo akong naiyak sa sinabi niya. Gusto kong maniwala. Pero maging ang pagmamahal at pagtanggap ni Kristina sa pagkatao ay hindi magiging sapat para maalis ko ang pagkuwestiyon ko sa sarili ko. I seriously think that nothing will ever be able to change how much of a mess I have become.

"May iba ba? Hindi mo lang sinabi sa'kin?" Pabiro niyang sabi na nagpasimangot sa'kin. She knows that I hate men and I despise the sight of them. Si Wan lang ang lalaking nagagawa kong tiisin. And Kristina knows that. "Ngumiti ka na. Sinasaktan mo 'yong puso ko." Aniyang nagpaantig sa puso ko. "Dayamon, ngiti ang sinabi ko, hindi iyak."

Diamond's Worth ✓COMPLETEKde žijí příběhy. Začni objevovat