CHAPTER 56 : REST DAY

Start from the beginning
                                    

Tinungo namin ang department store. Mas marami pa kaming nabili ro'n. Bumili na rin ako ng akin. Yung mga damit na tingin ko ay babagay sa akin. Mostly, tee, lacy and floral tops, overalls at jumper dress. Hindi ako bumili ng mga skirt kasi ayoko ng gano'n. Lol. Gusto mga below the knee lang muna. Hindi pa nga ako nakakaget-over ro'n sa short overalls na sinuot ko kahapon sa fashion show.

Si Shai puro tube at crop top ang pinipili. Puro skirts at floral dresses na maiikli. She really has a nice taste when it comes to fashion kaya lang ayoko ng maiikling damit na pwede na akong mabosohan.

Nang mapagod kami sa pag-iikot ay sa tapat ng DQ kami umupo. Namamanhid at nangangalay na ang mga paa at kamay ko sa pag-ikot namin sa buong department store at pagbitbit ng mga damit na pinamili namin. Nakakapagod ang magshopping. Iyon ang dati ko pa nirereklamo. Pero ngayon ay aaminin kong nasasanay na akong makiuso sa kung ano ang trend. Iyon siguro ang bentahe ng mga babaeng updated sa mundo ng fashion. Though, medyo hindi ko pa rin ma-gets kung bakit kailangan na branded at mahal ang kailangan para pumorma. Hindi naman kasi yung tagprice at lable ang sinusuot, eh. Yung tela lang, di ba? Tss.

Ang point ko lang, nakakapagod mag-shopping pero nakaka-satisfy. Ewan ko lang kung ano ang satisfying sa ibang tao. Yung alam mong napakamahal ng damit mo o yung kaalaman na bagay na bagay 'yon sayo pag sinuot mo?

Nilapag ni Shai sa harap ko ang isang cup na may tatak ng DQ. Umupo siya sa harap ko at nagsimulang sumubo.

"Thank you, ha? Ito na ata ang pinaka nakaka-enjoy na pagsha-shopping ko kasama ka. Wala ka ng reklamo, eh." Natatawa niyang sabi. Sinimangutan ko naman siya.

"Sama mo. So ang ibig mong sabihin ay puro reklamo lang inabot mo sa akin noon?"

"Nah. It's not what I meant. Medyo uneasy ka kasi dati dahil siguro sa pressure ang nasa isipan mo. Ngayong tapos na step three, malaya ka na sa pagpili ng mamit na bibilhin mo."

That's true. Iba ang pakiramdam ko noon pagdating sa ganitong usapin. Ayoko ng pressure dahil nasisira ang concentration ko. Parang nagkaro'n ako ng isang araw na dayg-off. Freedom and no pressure.

"Well, thanks to you." Sabi ko habang nilalantakan ang DQ.

"Oo nga pala. May nakakalimutan akong sabihin sayo, Sa step four, solo ka ni Harris. Pero sa step five, magbabalik ako bilang instructor mo. May pagkakaabalahan ako sa clothing line ni Tita Elina for a while. Then, pagbalik ko, pagtutuunan natin ang step na 'yon. Gonna miss you."

Ngumiti ako sa kanya, Ayoko man sabihin ng diretsahan, alam ko sa aking sarili na ma-mi-miss ko rin ang kaartehan niya at pagiging istrikta niya. Saka ko na aalamin kung ano yung step na ituturo niya pagtapos ng step four.

Step four. Nakikinita ko na ang mga plano ni Delgado para sa step na 'to. Mukhang lalagyan niya ng masking tape ang bunganga ko o kaya naman hahalikan niya ako kapag hindi ko siya nasunod. Manyak pa naman ang isang 'yon.

Naibuga ko ng wala sa oras ang ice-cream. Nagulat si Shai at agad na hinalukay ang kanyang bag para maghanap ng tissue.

"Alam kong miss na miss mo na ang pagkain ng matamis pero hinay-hinay naman para hindi ka nasasamid."

Hayy. Kung alam mo lang, Shai. . .

Tinignan ko ang cellphone ko. May mga text ro'n si Coby at Delgado. Ito na naman silang dalawa. Kailangan ba talaga nilang magsabay lagi sa pag-aya sa akin? Malapit na akong makumbinsi na pinag-uusapan talaga nila 'to at planado nila lagi para mas lalo akong masiraan ng ulo.

Coby : May I invite you to watch a movie with me tonight?

Delgado : Ako ang susundo sa inyo ni Shai dyan sa mall , then we'll go straight to the our rest house. Tea party with my aunts.

10 Steps To Be A LadyWhere stories live. Discover now