Chapter 5: The Bloody War

4 1 0
                                    

Ito na ang panahon kung kailan magaganap ang bloody war at kita sa mga athenians ang takot sa kanilang mga mukha pero alam kong kakayanin NAMIN ito hindi pwedeng matalo ng DARK ang LIGHT.

Nandito na ang mga Athenians ang hinihintay ko na lang ay yung mga hari at reyna na kinausap ko. Sana'y magtagumpay kami sa laban na ito hindi pwedeng ang mga masasama ang maghari sa mundong ito. Hindi ko hahayaan na mangyari iyon.

Pumunta ako sa gitna para magsalita.
"Athenians, kailangan nating manalo upang hindi maghari dito ang kasamaan at may tiwala ako sa inyong lahat" pagsisimula ko. May naririnig akong bulungan na ano ang ginagawa ko, sino ba ako kung magsalita dito sa harap.

"May sasabihin nga pala akong sobrang importante sa inyo at kailangan ko ng bilisan dahil paparating na sila, ako ang matagal niyo ng hinahanap". Kita sa kanila ang bahid ng pagkagulat."And yes, ako ang nawawala ninyong prinsesa. Ako si Amethyst Clairre Margaux ang Dark Princess."pagpapatuloy ko. Natuwa naman sila sa ibinalita ko pero may bahid din sila ng takot at alam kong maraming naniniwala sa akin na magagawa ko ito. Malaki ang tiwala ng mga Athenians sa akin.

Nang malaman ko na ang aura nila ay paparating na ay pinaghanda ko na ang aking mga hukbo para sa paparating na giyera.

"Amethyst?" Kaninong boses iyon?

"Amethyst,ako ito ang iyong guardian si Zhary. Kailangan mong mapalabas ang iyong alaga,kailangan mo siya para sa iyong laban,poprotektahan ka niya"sabi niya sa aking isip.

"Paano ko naman ito mapapalabas?"tanong ko sa kniya sa aking isip.

"Magconcentrate ka lamang at sabihin mo
Pheonix Zacharia lalabas agad ang iyong alaga"pagkasabi niya non sa akin ay agad naman akong bumalik sa realidad.

"Sugooood!"sabi ng kalaban at agad naman kaming sumugod agad at kung nandito kayo ay puro kalansing ng espada at kung ano anong mga kapangyarihan ang makikita mo.

Agad ko namang hinanap ang kanilang pinuno para parusahan sa lahat ng ginawa niya sa amin. Naramdaman ko na may papasugod saakin kaya agad ko naman iniwasan iyon at alam kong ito na ang taong hinahanap ko dahil sa malakas na aura na naramdaman ko sa kaniya.

"Mabuti naman at nagpakita ka na para hindi na ako mahirapan pang ika'y aking hanapin."panimula ko sa kaniya at agad siyang tumira sa akin ng itim na mahika niya.

"Hinding hindi ka magtatagumpay sa pinaplano mo KING Alexus"sabi ko sa kaniya at inemphasize ko talaga ang king na kaniya namang kinangisi.

"Sumosobra ka na! Masyado ka nang madaldal! Hindi ko na mahintay na ikaw ay aking pabagsakin!" Sabi niya
"Pabagsakin?*evil laugh*wala sa vocabulary ko ang katagang iyon!baka sayo meron,iresearch mo kaya?!"pangaasar ko sa kaniya at kita ko sa mga mata niya ang pang gagalaiti niya sa akin. Masyado na siyang matagal at kanina ko pa hinihintay na sumugod siya sa akin.

"Bakit hindi ka pa sumugod?,natatakot ka na ba na baka matalo kayo?, ako'y naghihintay sayo baka magbago isip ko at tapusin na kita at ang laban na ito!"pang aasar ko ulit sa kaniya.

Sumugod na siya at alam kong inis na inis na siya sa akin dahil sa mga katagang sinabi ko sa kaniya kanina.

Nagpalabas siya ng Dark phoenix ito ay ang kapangyarihan ng apoy pero dark siya hindi katulad ng sa amin ni Xander.
Pinaulanan ko naman ito ng Fire arrow at nilagyan ito ng lason pero ang lason na ito ay hindi nakamamatay kundi manghihina ka lang at hindi na magagamit ang kapangyarihan kung daplis lang ang mangyari sayo ay agad namang babalik ang kapangyarihan mo pero kung tumagos ito sa kaloob-looban mo ay maaaring hindi mo na magagamit ang iyong kapangyarihan forever.

Natuwa naman ako ng tamaan siya pero galos lang ang natama niya, sinusubukan niyang gamitin ang kapangyarihan niya pero bigo ito. Tinira ko na siya ng dark ball with lightning and water ng bigla niyang harangin ang tira ko at hindi siya natamaan.

"I expected that to happen, masyadong mabilis ang pagbisa ng aking lason kaya agad kang nagkaroon ng kapangyarihan agad". Nanlaki ang mga mata niya ng nalaman niyang may lason ang arrow na ginamit ko sa kaniya.

"You didn't expected that, huh?!"pagtataray ko with matching taas kilay pa."YOU CANNOT BEAT ME, AMETHYST!"sabi niya sabay labas nang napaka makapangyarihang mahika. Nagulat ako sa nakikita ko ngayon at akmang ibabato niya ito sa akin. Pumasok sa isip ko ang sinabi nung babae sakin kanina.

"Phoenix Zhary"bulong ko tsaka nagliwanag at alam kong nakatingin ang lahat sa akin dahil sobrang lakas talaga ng liwanag dito.

"Maraming salamat at nagkita na tayo mahal kong prinsesa."sabi niya sa akin sa isip at yumuko pa ito. Alam niya ang nangyayari kaya alam na niya ang dapat niyang gawin.

Bumulong ako sa kaniya."Alam mo na kung ano ang dapat mong gawin, my pheonix! Now go!"sinunod naman niya ako at ng aakmain ng itira sa akin ang bolang punong puno ng kapangyarihan niya ay agad namang bumuga si pheonix ng makapangyarihan na apoy ito ay ang pinakamalakas na apoy ng dragon. Marami sila mayroon silang mga amo at ang nagkakaroon lang ng ganito ay nag mga Legendary Users na katulad naming nila Shaine.

Namangha ako sa ipinakikitang kapangyarihan ni pheonix di ko talaga akalain na ganon pala talaga kalakas ang kapangyarihang hawak niya. Ng makita kong nanghihina na si KING Alexus ay tinulungan ko naman siya upang tuluyan nang matalo ang pinuno na ito.

"Shaine!Lhorraine!Louis!Jhonas at X-Xander pumunta kayong agad dito tulungan niyo ko para matalo si Alexus!"sabi ko sa kanilang mga isipan. At agad naman silang pumunta dito kaya sinimulan ko ng ipalabas sa kanila ang kanilang mga kapangyarihan at ipinalabas ko na rin ang aking MGA kapangyarihan.

"C-Clair-I mean Amethyst bakit mo naman ilalabas ang buong kapangyarihan maaaring may mangyaring masama sayo."sabi ni Louis sa akin."Sino ba ang may sabi na ilalabas ko ang buong kapangyarihan ko, gagawa lang naman ako ng Powerful Barrier ito ay ang paghigop ng mga kapangyarihan. Hindi ko naman kukunin ang lahat ng kapangyarihan niyo yung sakto lang naman dahil malakas naman na ang kapangyarihan niyo kasama ang kapangyarihan ko, so dont worry about me, I'll be fine"mahabang linyahan ko.

Humarap ako sa kanila at nakita kong nanghihina na ang aking dragon kaya agad ko namang hinigop ang kalahti ng mga kapangyarihan nila at nakaramdam na ako ng malakas na aura.

Itinapat ko ang kamay ko ka Alexus at may lumabas na sobrang lakas na kapangyarihan sa akin. Nakikita ko na nanghihina na siya kaya mas lalo ko pa siyang nilapitan."You said earlier that I cannot beat you,huh?!, well now I just did!"agad ko naman lalo pang pinalakas ang kapangyarihan at agad namang lumiwanag dito sa Athena at ito ang simbolo na NAGTAGUMPAY KAMI.




--------------------
I hope na nagugustuhan niyo ang aking kwento.

Athens Academy: AmethystWhere stories live. Discover now