Allen's POV
Tinext ako ni Jasmine. Gusto niya daw akong maka-usap tungkol dun sa pagme-merge ng gangs namin...na matagal na dapat naming ginawa. Noong una palang dapat, ginawa na namin yun.
Jaylene Christinne Reyes. Kilalang-kilala ko siya, kilalang-kilala namin siya. Matagal na simula ng mangyari yun. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa din matanggap. Hindi ko kaya.
Simula ng mangyari yun...nung mawala siya, nag-iba ang takbo ng lahat ng bagay. Nag-iba ang mga mundo namin. Sa simpleng pagkakamali...nagbago ang lahat at nawala siya.
Konting oras nalang ang natitira at malapit na ding sumugod ang kalaban para saktan siya. Na kahit kailan...hindi na mangyayayari at hindi ko na din hahayaan pa. Tama na ang isang beses.
Gusto ko man sabihin sa kanya ang lahat...hindi pa pwede. Nakamasid lang siya at hindi ko alam ang tumatakbo sa utak niya. Hindi pa talaga ngayon ang tamang oras...hindi pa.
Jaylene's POV
"Pinuno, all set. Ready na ang lahat. Siya nalang ang hinihintay." anya ni Mich. Siya lang talaga ang expert pagdating sa mga ganyang bagay.
"Yung mga wild ants at anaconda naka-ready na din." biro naman ni Reily. Tss, umandar na naman ang pagiging sadista netong babaeng to eh -_-.
"Tss. Tumigil ka nga diyan Reily." sita ko sa kanya. Mamaya maniwala pa yung iba eh.
"Na-text ko na nga din pala si Allen. Anytime padating na yun kaya humanda kayo." anytime pwede na siyang dumating pa. Medyo madali pa nga yung mga pranks eh. Kumbaga mild palang. Mas matitindi pa din yung mga pinagdaanan namin.
Nandito kami sa isang village na kung saan walang naninirahang tao. Binili ni Jessica to para magsilbing hide-out namin. Oh diba?!? Siya nang mayaman.
Ilang minuto na ang lumipas ng biglang tumunog yung cellphone ko hudyat na may tumatawag sa akin. Siya na kaya to??
"Maam nakuha na po namin siya." sagot ng kabilang linya. Hmmm, mukhang masaya to.
"Magaling, dalhin niyo na agad siya dito. Itetext ko sa inyo yung address kung saan niyo siya dadalhin.Maliwanag?" ubos na ang oras ko sa ugok na to ha? Ang dami ko pang gagawin.
"Yes maam." sagot naman nung nasa kabilang linya.
Pinindot ko na ang end button at sinend ko na din dito na ang adress ng pagdadalhan dito. I can't wait kung ano ang magiging itsura niya. Pero isa lang ang sigurado ako...siguradong masaya 'to.
"Guys padating na siya. Siguraduhing ayos na ang lahat. Yung babae ayos na ba?" tanong ko sa kanila.
"Aye,aye! Captain! Ready na po siya. Yung mga cameras ayos na din po. Everything is set. Siya nalang talaga ang hinihintay." hyper na sagot ni Reily. Basta talaga pagdating sa mga ganitong bagay lagi siyang hyper. Tss.
"That's good. Well then, I hope na magustuhan niya to." then I smirk, a devilish smirk.
Allen's Pov
Palabas na ako ng office dahil kinausap ako ni Dad tungkol dun sa pinapagawa niya sa amin. Papasok na sana ako ng kotse ko ng biglang may humatak sa aking mga naka-itim na lalaki. Shit! Hindi na ako nakalaban sa kanila dahil mabilis nilang na-inject yung gamot sa may leeg ko. Fuck! Pampatulog yun. Unti-unti ng lumalabo yung paningin ko. Fuck! Sinong gumawa nito?!?
YOU ARE READING
My Mistaken Boyfriend
Romance"Naging tayo noong wala na kayo.. Sabi mo minahal mo siya pero mas minahal mo ko... Masaya pa nga tayo di ba! Ngayong bumabalik siya iniwan mo ako... Ngayon pa! Na di ko na kayang mawala ka..."-Jaylene
