Single and Fab!

373 29 4
                                    

Dedicated to the one who used this hashtag during one of our conversations in Facebook. Hello Ma’am! Alam kong isa ka sa napakaraming makaka-relate dito (fingers-crossed). Hope you enjoy this one ;)

-------- 

May kaklase ako na mahilig ipaalala sa akin na NBSB ako. Siguro naisip niya na baka malimutan ko na hindi pa pala ako nagkaka-boyfriend. Tuwing mapag-uusapan ‘yung lovelife, tapos magko-comment ako, o ‘di naman kaya kapag may nagtanong sa akin kung may boyfriend ba ako.

“Single ‘yan. NBSB.”

Minsan tinanong niya ko kung offensive ba daw kapag nasasabing NBSB.

“Offensive ba kapag sinasabihang NBSB? Para sa’kin nga nakaka-amaze nga ‘yun eh.”

Wala namang masamang maging single.

  

Para sa’kin nga, matapang ka kapag single ka.

Kasi kaya mong manuod ng sine mag-isa. Iyong wala kang dadantayan ng ulo, walang kaakbaymat kahit napapalibutan ka ng mga couples na sweet na sweet kahit horror naman ang pinapanuod niyo.

Kaya mong i-date ang sarili mo. Kumain ng mag-isa sa mall tuwing Valentine’s day, o weekends.

Kaya mong mag-load kahit wala ka namang inaabangang text na magpapakilig sa’yo.

Kaya mong gumastos para bumili ng chocolates kapag nag crave ka. Kasi sanay ka namang ikaw lang ang bumibili ng chocolates para sa sarili mo (maliban na lang doon sa mga kamag-anak mong galing abroad, o duty free)

Kaya um-attend sa mga family gatherings, high school reunions at tanggapin ang sandamakmak na tanong na, “Bakit ka single?”

Kaya mong makinig ng love song kahit alam naman nating hindi ka nakaka-relate doon.

Kaya mong kiligin kahit sa libro o pelikula lang nag-e-exist iyong lalaking gusto mo. Kaya mo siyang buhayin sa isip mo, at maging boyfriend mo.

Kaya mong iwanan sa bag, bulsa, at kung saan man ang cellphone mo nang ilang oras kasi wala ka namang hinihintay na text o tawag. Hindi ka naaalarma tuwing may dumating na message, kasi madalas 4438 lang naman ‘yun o kaya quotes mula sa kaibigan mong hanggang ngayon hindi pa din nakaka-let go sa GM.

Kaya mong bumili ng magandang damit, kaya mong maging maganda kahit wala ka namang dapat i-impress kundi ang sarili mo.

Kaya mong i-prioritize ang sarili mo. Kaya mong i-spoil ang sarili mo. Hindi mo kailangan ng ibang tao para gawin iyon para sa’yo.

Hindi ka takot na maniwala sa destiny. Hindi ka takot maniwala na balang araw darating din iyong taong nakalaan para sa’yo.

Gaya nang kung bakit asul ang kalangitan, maraming dahilan kung bakit single ang isang tao. Pero minsan mahirap ipaliwanag.

Pero hindi naman ikababawas ng pagkatao mo kung single ka.

Hindi naman siguro mawawalan ng corrupt na pamamahala sa bansa kapag 50% ng populasyon nito ay mga single.

Higit sa lahat.

Kaya ng single ang maghintay.

Hindi kami madalas mainip sa usapan, o ‘di naman kaya kapag sa mga kainan na sobrang bagal ng pag serve ng in-order mo.

Kasi sanay kaming maghintay. Forte namin ‘yun eh! Dun kami magaling.

May mga tao lang na dumarating sa kanila ng maaga. Siguro ‘yung mga NBSB, ‘yun ‘yung sa tingin ni Lord na, pasado sa paghihintay category.

Hindi ibig sabihin na single ka, hindi ka na masaya. Hindi naman lahat ng single, bitter dahil wala naman tayong dahilan para maging bitter o maging malungkot dahil sa simula pa lang na magawa ni Mark Zuckerberg ang Facebook, Single pa lang ang nalagay nating status na hindi man lang nag-upgrade kahit ‘It’s compicated’. Hindi naman ang relationship status sa facebook ang makakapag buo sa tao.

Oo single ka, pero hindi ibig sabihin that you’re less pretty, smart, or witty than the others. Hindi ibig sabihin nun na wala nang lalaking nakalaan para sa’yo.  O imposible kang mahalin o magustuhan ng isang lalaki.

Kaya kapag kumakain ka ng mag-isa sa restaurant o nanuniod mag-isa ng sine, i-enjoy mo ‘yun. Kasi balang araw, mami-miss mo rin ‘yung mga panahon na mag-isa ka. Enjoy the company of yourself, gaya nga ng sabi ni Noringai, na gustong-gusto ko “Kailangan mo munang maging masaya ng mag-isa bago maging masaya ng may kasama.”

Strive also to look good. Hindi naman ibig sabihin na single ka, hindi mo na kailangan na magpa ganda. You deserve a cone or cup or maybe pint of your favorite flavored ice cream. You deserve a manicure or pedicure. You deserve a good book or clothes, you’ve been wanting to buy – ‘wag kang manghinayang na bilhin iyon kahit galing sa sarili mong ipon. You deserve to feel good about yourself. That’s the beauty of being a single – we feel good about ourselves, and be pretty kahit wala naman tayong dapat i-impress. Higit sa lahat gaya ng sabi sa Desiderata – strive to be happy, dahil sabi nga sa kanta ni Kelly Clarksondoesn’t mean I'm lonely when I'm alone. 

So, feel good about yourself. Being single isn’t something to be ashamed of. Just because you’re single, doesn’t mean you can’t be fabulous.

Sabi nga sa isang librong nabasa ko na isa sa mga paborito ko, ang babae daw parang mamahaling alahas. Para daw tayong alahas from Tiffany’s. We are of great worth and value, hindi tayo ginawa para lang mapunta sa kung sinu-sinong tao. Because we are refined, and made of purest of gold and diamonds. Kaya kahit single ka o nasa isang relasyon, mataas ang halaga mo.

So, start acting like a woman that someone is praying and waiting for.

Single and fab! :)

ATBP.Where stories live. Discover now