Wedding Hang-Over

183 17 6
                                    

12-21-14

Last thursday, kasal ng kuya ko sa Tagaytay. Actually masyado na talagang gahol 'yung ilang bagay. Isa na dun 'yung pagdating ng dress ng entourage. Hours before the wedding na yata namin nakuha at naisukat. Yung sa dalawa kong ate, maluwag, 'yung sa akin okay naman. Siguro 6 hours before the wedding, ni-rush pa idala dun sa shop (since sa Tagaytay lang din naman, dun na rin kasi kami nag-stay overnight), so ayun na-repair. Nung una ayaw talaga namin nung dress, pero okay na din naman pala kapag nasuot na. 

First time namin makita in person 'yung venue. Sabi naman kasi ni Kuya maganda raw. Mapanlinalang talaga kapag sa google lang. Maganda naman pala sa personal. 

Hindi namin in-expect na ganun magiging kaganda 'yung output ng wedding. 

Basta in short, ang saya at ang ganda ng kasal ng kapatid ko. Bongga ng photographer nila (ang ganda nung prenup photos and video nila), bongga din ng make up artists (inayos niya 'yung kilay kong sali-saliwa, at ang ganda ko sa mga pictures dahil sa make-up niya at pagkukulot nila sa akin), bongga ng wedding singers/band na tumugtog sa ceremony and reception (90% yata ng favorite songs ko kinanta nila), bongga din ng host. Lol

Pag-uwi nga namin, in-add ko na 'yung photographer pati wedding singer nila sa kasal. At hanggang ngayon madalas ako sa timeline nila at nags-stalk. Haha! Ilang araw nang tapos 'yung kasal pero hindi pa rin ako maka-move on sa nangyari nung thursday. Family reunion na din, kasi halos ng kamag-anak sa probinsya nakadalo. 

Sobrang lamig sa Tagaytay, but we're blessed of a good weather, atleast hindi umulan, ang ganda ng panahon kasi mahangin tapos sumisikat 'yung araw. 

Nakakatuwa. Nafa-fascinate talaga ako sa weddings. Naalala ko nung minsan na dumaan ako ng bookstore. May bukas na wedding magazine don, tapos super tagal ko habang bina-browse 'yun. Ang damign wedding ideas na nabuo sa isip ko.  Siguro nga kung may fans club ang kasal, baka nag volunteer na akong maging presidente ng organisasyon. 

Parang nakakatawa nga na may buong concept na ako ng kasal sa isip ko. Pati nga engagement ring, may naiisip na ako (nakita ko lang sa movie na napanuod ko last year, ang ganda nung ring), pati line up ng kanta, pati lines sa vow. 

Hindi naman sa nagmamadali ako (dahil sa ngayon priority ko muna ang mag-aral at makatapos at makapasa ng boards, at makapunta ng New York! Lol), ang saya-saya lang kasi tuwing makakakita ka at makaka-attend ka ng magandang kasal (that's why I'm very proud of my big bro for having such a wonderful wedding last thursday). 

Haaay! Itutulog ko na muna 'to and I'll pray that someday I'll have my own wedding bigger than what I expect. Surprise me, Penguin. Surprise me, Lord. 

ATBP.Où les histoires vivent. Découvrez maintenant