Natawa ulit ako sabay inom rito sa juice. I like her, she's like a breath of fresh air. So cute.

"May maire-reto ka ba kay kuya Theo, ate?"

"Uhm, wala eh. Married na 'yong kapatid ko."

"Ay, sayang! Pero kapag may mga babae kang kaibigan sa Maynila, i-reto mo si kuya Theo ah? Sabihin mo single 'yon at with experience."

"Anong with experience?"

"Ewan ko." Nag-kibit balikat siya. "Basta sabi niya lang sa 'kin, kapag may nakilala raw akong magandang chiks, ipakilala ko agad sa kanya at sabihin kong single siya at with experience."

Natawa na lang ulit ako. Parang alam ko na kung anong 'experience' 'yon.

"Uhm, kilala mo na ba 'yong iba naming mga pinsan?" sabi niya pa.

Umiling ako. "Hindi pa."

"Ipapakilala ko sa 'yo."

At nagsimula na siyang magturo ng mga tao na nandito sa paggaganapan ng party. Ang dami niyang pinakikilala. Binabanggit niya isa-isa ang mga pangalan at kung kaninong anak o kapatid iyon.

Hindi naman na ako makapag-focus sa kanya. Bukod kasi sa nalilito na ako sa mga pangalang sinasabi niya, mas nakukuha ni Arkhe ang atensyon ko.

Hindi ko maiwasang hindi siya pagmasdan habang nag-iihaw siya. My gosh, how can someone look so hot by just cooking barbeque? Parang gusto ko na lang siyang panoorin mag-ihaw hanggang sa mag-umpisa ang celebration. Ang gwapo niya. Kitang-kita ko mula rito sa pwesto ko ang mga toned biceps niya habang nagpa-paypay siya.

"Ate Isabela?"

Natauhan na lang naman ako nang bigla na akong tawagin ni Unice.

Nilipat ko ang tingin ko sa kanya. She's grinning at me. "Ayiee! Ikaw ate ah, nahuli kita, titig na titig ka. Kanino ka ba naglalaway, sa barbeque o kay kuya Arkhe?"

Napakagat na lang agad ako sa ibabang labi ko para magpigil ng ngiti. This girl!

##

BANDANG ALAS-SINGKO ng hapon nang magsimula ang Barbeque party.

Nakakatuwa nga, maliit lang naman ito na celebration at halos silang magkakapamilya lang ang nandito, pero sobrang nakaka-enjoy pa rin. Nag-setup talaga ng sounds ang kuya ni Arkhe at may maliit na space rin sila sa gitna kung saan pwedeng sumayaw. Nandoon nga ang iba nilang mga pinsan, nagsa-sayawan at nag-eenjoy sa mga magagandang tugtugan ni Theo.

It's my first time being at this kind of celebration slash family reunion. Sa amin kasing mga Santiaguel, kainan lang at kaunting kamustahan tungkol sa mga negosyo. Hindi ganito kasaya.

Ngayon, dumilim na rito sa labas at kasama ko na ulit si Arkhe. Nakahiwalay kami ng table, katatapos lang kumain ng mga masasarap nilang inihaw. Nasa tapat naman naming mesa si Unice na enjoy na enjoy rin habang pinanonood ang mga nagsasayawan sa gitna.

"Napagod ka ba kanina kay Unice?" biglang tanong sa 'kin ni Ark na katabi ko.

"Hindi naman. Nakakatuwa nga siya, ang dami niyang kwento. Parang ang saya niyang maging kapatid."

"Madaldal 'yang batang 'yan e. Pero mabait naman kahit papaano. Nauuto ko pa." Tumungga siya sa bote niya ng beer sabay tiningnan 'tong plato ko. "May gusto ka pang kainin? Gusto mo ng dessert? May Leche Flan do'n."

Everything I Want [BOOK 1]Where stories live. Discover now